Chapter 26

2284 Words
"Babe naman-" "Wag mo kong ma-babe-babe dyan Caspian! Iuwi mo na ako ngayon"seryosong saad ko. "Alright.." lumamya ang boses nya at mukhang guilty. Dapat lang na maguilty ka! Hmph! Hinawakan nya ang kamay ko at nilagyan ng band aid na frozen ang daliri ko. Tapos itiniklop nya ang mga palad nya sakin tsaka naglakad. Hindi naman ako umabante na ipinagtaka nya. "Why?" "Bakit hawak mo ang kamay ko ha? Bitaw" "There are lots of people here, pag nawala ka ulit baka pulutin ka sa lansangan sige ka"pananakot nya. Napaismid nalang ako at inirapan sya. Mga rason.. if I know gusto nya lang hawakan ang kamay ko. Akala nya ba hindi ako nakakahalata? Naglakad-lakad kami pero napapansin ko na parang paikot ikot lang kami. Yung ibang stall ay nadaanan na namin kanina! Niloloko ba ako ng mokong na 'to?! "Kanina pa tayo ikot ng ikot! Nasaan ba ang exit?!"inis na sabi ko. "Kain muna tayo, hindi ka ba nagugutom?" Lumabi sya sakin at nagpacute pa. Napakagat ako ng labi, kasi naman ang cute cute nya! Malay ko bang pwede syang magmukhang cute? Eh madalas syang pa-cool eh. "T..tigilan mo nga yan! Mukha kang aso!" "Look at that guy oh, he's so cute!" "Agree! He's kinda like a model, artista ba sya?" Napatingin ako sa dalawang babae na halatang pinag uusapan ang lalaking nanguso sa harap ko. "Dogs are cute babe.."ngumisi si Caspina kaya napairap ako. "Whatever!" tinarayan ko nalang sya. "Haha! Tara na nga, hotpot tayo" Hinila nya ako sa Four Season. Tutal buffet naman 'to, marami na talaga akong kinuhang pagkain. "Di ka naman gutom no?" Saad ni Caspian ng makaupo kami. Inirapan ko lang sya at hindi pinansin. Basta gutom ako, wala syang pake. "Psh, badtrip ka parin? C'mon Al" I ignored him and continue eating. In the end ay nag give up din sya sa pag kausap sakin at kumain nalang din. Nilantakan ko yung shrimp at teppanyaki pork. Mabuti nalang at marami akong kinuhang kanin! Napasarap ang kain ko at hindi ko na napansin si Caspian. Nang muli ko syang sulyapan ay nakatitig lang sya sakin. "Bakit nakatingin ka? Kumain kana nga!"inis na sabi ko. "Are you still a child? Ang kalat mo kumain, nasa harap ka ng lalaki hindi ka manlang nahiya" "Pake mo ba? At bakit naman ako mahihiya sayo?" Sabi ko at umirap. Bigla syang napangiti at pinunasan ang gilid ng labi ko gamit ang daliri nya. "So... you're already comfortable with me?" Napatitig ako sa kanya ng ilang segundo. Parang bumagal ang oras habang pinupunasan nya ako sa labi. Pwedeng bang mangyari yun? Yung slow motion? Diba sa movie lang yun? "Che! Wala namang dahilan para mahiya akong kumain ng marami sa harap mo eh! At gutom ako! Anong magagawa ko?" He chuckled and shake his head. At that moment, narealize ko kung gaano sya kagwapo lalo na pag tumatawa. Seryoso? Yung utak ko ang daming sinasabi kay Caspian! Nang matapos kami sa pagkain ay nagpaalam saglit si Caspian para mag cr. Wala naman akong ibang nagawa kundi maghintay sa tabi. Hindi ko sya pwedeng iwan dahil hindi ko alam kung paano umuwi. "Hi miss! Gusto mo ba ng lucky charm? Effective ang lucky charm bracelet na 'to!" Nagulat ako ng may lumapit sa aking babae. Mukha naman syang mabait, at palaging nakangiti. May dala syang mga bracelets at keychain. "Uhh... hindi po ako naniniwala sa swerte hehe" "Eh lovelife? I'm sure may boyfriend ka! may couple bracelet ako dito!" "Ah hehe h..hindi po. Single ako" "Babe..." nagulat ako ng may yumakap sakin. Nakita ko ang bunch of red roses sa harap ko. Bigla kong nilingon si Caspian na nakanguso na naman siya at nagpapacute. "Bati na tayo please?" "A..ano ba Cas-" "Sabi na nga ba may boyfriend ka eh!Sir! Bili na po kayo ng couple bracelet!" "Couple bracelet? Sure!" Kumalas sa sya pagkakayakap sakin at namili sa mga bracelet na dala ng babae. Pinanood ko lang sya habang namimili. Hawak nya parin ang red roses sa isang kamay nya. I can't help to admire his handsome face. Bakit unti unti... parang palagi na syang gwapo sa paningin ko? Noon kasi parang ordinaryo lang sya, pero ngayon... sa bawat pagtingin ko sa kanya lalo pa syang gumagwapo. Tapos pag malapit sya palaging nagwawala yung puso ko, akala mo naman hihikain kahit wala naman akong hika. Nagiging abnormal na ang kondisyon ko pag nandyan sya. Katulad ngayon... "Sorry for waiting" binigay nya sakin yung bouquet at kinuha ang isang kamay ko. "Take care of this okay?" Paalala nya habang sinusuot ang black bracelet na may lawit na red half heart. Suot naman nya ang kabiyak nun. "There.. it looks good on your wrist"nakangiti nyang saad. Hindi ko rin maiwasang mapangiti, ewan ko ba.. nakakahawa ang mga ngiti nya. Tapos may something sa loob ng tiyan ko, parang nangingiliti? Ano ba yun? Ahas? "You're smiling... bati na ba tayo?" Binawi ko ang ngiti ko at sumimangot muli. "Hindi no!" Nilagpasan ko agad sya pero muli na naman akong napangiti pagkatalikod ko, sinundan nya din naman agad ako at hinawakan ang kamay ko habang naglalakad-baka daw mawala ako-yun ang dahilan nya kaya hindi na ako nagreklamo. At isa pa.. nagugustuhan ko ang paghawak nya sa kamay ko. Pakiramdam ko ligtas ako paghawak ko ang mainit na kamay ni Caspian. "Tuloy na natin yung date natin tutal bati na tayo"saad ni Caspian. "At sinong may sabi nyan?"tinaasan ko sya ng kilay. "Me and my instinct. Sige na babe.." "Psh!" Inirapan ko sya at palihim na napangiti. "So.. I will take that as a yes" pinisil ni Caspian ang kamay ko at hinila ako papunta sa arcade area. Napakaraming machine, marami ring tao lalo na mga teenagers at mga bata. Nagpapalit kami ng tokens ni Caspian at naghanap ng pwedeng paglaruan. Napukaw ang atensyon ko sa machine na may mga baril at mga zombies sa monitor. Lumapit agad ako doon at pinanood ang mga batang naglalaro. "Gusto mo dyan?" Napalingon ako kay Caspian na ngayon ay sobrang lapit ng mukha sakin. Bago pa ako sumagot ay naghulog na sya ng token at kumuha ng baril. "Let's start? Paramihan ng mababaril?" Panghahamon ni Caspian. "Aba hindi kita uurugan dyan!" Kumuha din ako ng isa at naghanda. "Let's have a bet. If you win, I'll do whatever you wish me to do" "Deal! Eh pag ikaw ang nanalo?" "And If I win...tatawagin mo na akong babe, kapag tinawag mo ko sa pangalan, hahalikan kita" "Teka?! Parang ang dami ng sayo?!" "It's not that hard Al. At isa pa, mas mahirap yung consequence ko, malay ko ba kung ano yung ipapagawa mo diba?" "Tch! Oo na! Deal! As if namang hahayaan kong manalo ka? The hell no!" "Then let's see.." After a minute of playing that freaking game... "Ayoko na.. ayoko na sa larong yan!" inis na sabi ko. Hindi ko naman kasi alam na nakakataranta pala ang larong yan! Yung zombie lumalapit sayo tapos kailangan mong barilin bago ka pa nya malapitan! Nakastress!! "You lose babe.. a deal is a deal" Sinamaan ko naman sya ng tingin. "Dun tayo sa iba pang machine! Kailangan kong manalo!" Inis na sabi ko. Marami pa kaming ni-try, pero LAHAT as in lahat ng nilaro namin panalo siya!! Takteng yan! Anong kamalas malasan ang meron ako?! "Babe.. talo ka na haha!" Talagang in-emphasize nya pa yung babe. "Whatever! Ayoko na dito! Sa iba na tayo!" Tumawa naman sya at inakbayan ako. "Iniiwasan mong tawagin ako sa pangalan ah? Ayos ka rin eh.." ginulo nya ang buhok ko habang nagkaakbay sakin. Tama, kanina ko pa iniiwasan. Eh kasi naman baka hindi nagbibiro ang lokong 'to! Kaya para mas safe, hindi ko nalang sya tatawagin sa name nya. Ilang oras kaming nasa Moa, hindi na namin namalayan ang oras at 5:30 na pala. Grave masyado kaming nadala sa mga arcade, gusto ko kasi talagang matalo si Caspian kahit isang beses pero wala talaga, legwak! "Pagabi na pala, hindi pa ba tayo uuwi?"tanong ko kay Caspian. Naglalakad kami sa seaside habang kumakain ng ice cream. Malinis narin ang Manila Bay at napakaganda ng reflection ng sunset mula dito. "Nah not yet" "Bakit? May pupuntahan pa ba tayo? Grave ang dami mong baon ngayon ah" Naramdaman ko ang pagpisil nya sa kamay ko habang nakangiti. Medyo naweirdohan ako sa feeling, yung puso ko abnormal na naman. "Your whole day is mine right? Lahat ng oras mo akin, so the decision of going home is mine also"he said. "Tch!"napaismid nalang ako. Napapansin kong nagiging bossy na sya ah? May kung ano bang nakahalo sa ice cream nya ngayon? Umupo kami sa seaside at pinanood ang sunset. Ewan ko ba kung bakit parang ang saya saya ko ngayon, at feeling ko wala ng katumbas ang kasiyahan na 'to. Ano bang nangyayari sakin? Kasama ko lang naman si Caspian diba? Walang pinagkaiba sa mga normal na araw, pero bakit ganito? Hindi mapakali ang puso ko. "I never did this to anyone, you know that?"biglang sabi nya. "Weh? Kayo ni Sierra hindi?" "Yup. Ayaw nyang magdate kami in public. Gusto nya sa kwarto lang, yung kaming dalawa lang" "What the hell? Sinasabi mo bang-" "Wala kaming ginagawang kung ano! Just... make out and... cuddle while watching movies" "Ah.."yan nalang ang nasagot ko. Lintek na puso 'to! Anong niwewelga nito? Ba't kumikirot ng walang pasubali? "She doesn't like thus kind of date, ayaw nya sa arcades, sa museum, basta yung mga pambata daw at boring" "Eh baka naman gusto nyang mag mountain climbing! Hindi yun pambata! Tapos iwan mo sya sa tuktok ng bundok para kunin sya ng mga alien!psh! Ang arte"hindi mawala ang inis at sarcasm ko. He chuckled and mess my hair. Aba nawiwili na sya sa pag gulo sa buhok ko ah! "Ikaw talaga..." "Anong ako talaga?"tinaasan ko sya ng kilay. Umiling iling sya at pinihit ang ulo ko sa direksyon ng sunset. "Look, the sun is now setting.." "Wow.. oo nga.." Nagtake ako ng pictures ng sunset ng biglang kunin ni Caspian ang phone ko. "Picture tayo"he said. Bago pa ako makasagot at itinaas na nya ang kamay nya para makita kaming dalawa sa screen. Ngumiti naman ako sa cam. Ilang shot ang kinuha namin hanggang sa tuluyan ng lumubog ang araw. Pagkatapos nun ay naglakad na kami papunta sa parking lot ng makakita ako ng cute na puppy na pagala gala. "Arf!Arf!" Nang makita kami nito ay agad na nagwagayway ang buntot nya, tila natutuwa sa amin. "Caspian tignan mo!" Lumapit agad ito samin at dinilaan ang paa ni Caspian. "Oh my god! Ang cute nya!"binuhat ko agad sya at hinimas ang ulo. Isang baby golden retriever! "Al, baka may nagmamay ari nyan. Just let him go" "Eh pano kung nawawala sya? Hindi natin sya pwedeng iwan dito" "May collar sya sa leeg, I'm sure hahanapin sya ng amo nya. Just let him go" "Eh ayoko! Kawawa naman sya pag hindi nakita ng amo nya, tsaka gabi na! Pano sya matutulog at kakain?"ngumuso ako para naman pumayag sya. Napairap sya at bumuntong hininga. Napangiti ako sa reaksyon nya. "Fine! Fine! Basta wag syang iihi sa kotse ko" "Yey! Narinig mo yun baby? Isasama kita sa bahay!"excited kong sabi. "Baby huh?"nakangiwing sabi ni Caspian ngunit nagbago yun bigla at nagliwanag. "Wait a minute... you just called me Caspian earlier, didn't you?" "Huh?! Hindi ah!" Sumakay agad ako sa kotse karga ang tuta. Sa biyahe ay nilalaro ko lang si Lucky, yun yung nakalagay na name sa collar nya. Super cute nya kasi! At napaka playful nya! Dinadaldal ako ni Caspian pero simpleng tungo at iling lang ang sinasagot ko. "Hey why are you ignoring me? Umiiwas ka punishment mo no?!" Saad ni Caspian ng makarating kami sa bahay ko. "Anong punishment?! Wala akong naaalala no! Umuwi kana nga! Gabi na!" Oo iniiwasan ko sya kasi naman natawag ko sya sa pangaln "Hey! Wait! Altair!" Sinarado ko agad yung pinto ng makapasok ako. Binaba ko agad yung tuta at hinayaan maglibot sa bahay. Kumatok naman si Caspian pero hindi ko sya pinagbuksan. Hello? Minolestya nya kaya ang labi ko kaninang umaga! "Uwi na! Gabi na! Lagot ka kina tito at tita!"sinilip ko sya sa bintana. Sinamaan naman nya ako ng tingin. "Psh! You'll pay me next time!" "Oo na! Sige na! Uwi na babe.. ba-bye!" Nginitian ko sya at talaga in-emphasize ko pa yung babe para hindi na sya magalit. Nanatiling masama ang tingin nya sakin tapos bigla syang napanguso at umirap nalang. "Fine! I'll go home. Thanks for today Al.. did you have fun?" Ngumiti na sya habang papalapit sakin sa bintana. "Oo naman. This is my first date. At nasiyahan ako—except dun sa skating rink"tinaliman ko sya ng tingin ng banggitin ko yung ice skating. "Alright. I won't do it again" "Aba dapat lang! Nasugatan kaya ako! Tignan mo oh!" Nilabas ko sa bintana yung kamay ko at pinakita yung daliri kong may band aid. Nagulat ako ng hawakan nya yung kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko. "Bye Altair, see you next week"he said and smile. I stunned as he did that. At yung puso ko nababaliw na naman. Tumalikod na agad sya at umalis sakay ng kotse nya. Yung kamay ko ay nasa labas parin ng bintana at nakatulala sa kotseng papalayo. "Arf!arf!" Naramdaman ko lang ang pangangalay ng kamay ko ng marinig ang tahol ng tuta. "Ay.. sorry, andyan ka nga pala" Binigyan ko ng pagkain at gatas si Lucky, yun yung name na nasa collar nya. Pero natampal ko ang sarili ko ng marealize na kanina pa ako nakangiti. Paulit ulit kasing nag r-replay sa utak ko yung paghalik nya sa kamay ko. Takteng yan, kinikilig ba ako? ✴✴✴ To be continue...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD