Chapter 25

1714 Words
Dinemonyo nya akong wag pumasok para sa isang date? Wth Caspian? "At saan naman tayo pupunta aber? Baka iwanan mo na naman ako"hindi maitago ang inis ko sa mga salitang yun. Hello? Last time na nagyaya sya iniwan nya lang ako diba? "Not this time babe"nakangisi sya at bahagy pang pinisil ang pisngi ko. "T..tigilan mo nga yan!" Humarap nalang ako sa bintana. Ano bang nakain ng mokong na 'to? Bakit biglang syang naging... sweet? May gusto na ba 'to sakin? Ah no..no..no.. IMPOSIBLE. "Hindi ko talaga alam kung anong nakain mo. Nagiging weird kana sa paningin ko"saad ko. Natawa naman sya ng mahina at imbes na sumagot ay hinawakan nya bigla ang kamay ko at pinag intertwined. Dug.dug.dug. Ano ba heart? Pwedeng kumalma? Napatingin ako sa kanya ngunit nagpatay malisya lang sya habang nag d-drive. Sinubukan kong alisin yung kamay nya pero mas hinigpitan nya pa ang paghawak sakin. "B..bakit mo hinahawakan yung kamay ko?" "This is what couples do Al. Wala ka talaga experience no? Haha!" "Ha.ha.ha. sige tawa pa. Saya mo ah"sarkastiko kong sabi. Ilang minuto lang ang biyahe namin. Tumigil ang sasakyan at sabay kaming bumaba ni Caspian. "Anong lugar 'to?" "National Planetarium, nagdate dito sina mommy at daddy dati. Because of that, kinuha nila ang name mo after a star"he said. Hindi naman ako makapagsalita, sa totoong lang natutuwa ako ngayon. The way kasi na pinag uusapan namin ang mga bagay na konektado kami sa isa't isa, para bang isa talaga ako sa miyembro ng pamilya ng Anderson. "Let's go?" Hinawakan nya ang kamay ko. Napangiti ako at tumungo nalang. Sabay kaming pumasok sa loob. Pagpasok palang ay makikita na ang iba't ibang extra terrestrial objects. Maraming tao sa loob, may mga studyante pa na parang nag f-field trip yata. "Let's go to the dome" hinila ako ni Caspian. Hindi ko alam kung saan na kami nakapunta, medyo madilim kasi dito. Pumasok kami sa isang kwarto, at natulala ako ng makapasok kami sa loob. Hindi ko aasahang ganito kaganda sa labas ng kalawakan. Oo, ang buong paligid ay napapalibutan ng mga stars. Para akong nasa outerspace! "Wow.." "Cool right?" Nakangiti si Caspian sakin. Malamang naiisip nya na ang ignorante ko. Oo na! Eh sa ngayon palang ako nakapasok sa ganito! Hindi naman kasi ako mahilig gumala no! "Ang ganda dito!" "I know you will like it" "Caspian.. nakakalula yung kisame! Feeling ko nakalutang ako! Haha!" "Did you see that constellation? That's aquila"may tinuro sya. Isang contellation na parang ibon. "Aquila? Parang eagle?" "Yup. And that's Altair... the brightest star of Aquila" "So that's Altair..." tinaas ko ang kamay ko na parang inaabot ang makinang na bituin. Nagulat ako ng may umabot din sa kamay ko at tiniklop sa mga palad nya. Si Caspian... nasa likod ko sya at hawak na naman ang kamay ko. Naging abno na naman ang t***k ng puso ko sa pagkakataong yun. Napabitaw tuloy ako at napalayo ng kaunti. "P..papano nga pala naging ganyan yung kisame?" Nag iba ako ng topic. "Because of that projector, that projects celestial objects onto the dome" "Nakamangha talaga ang science.." "Yeah. Pero mas nakakamangha yung mukha mong manghang-mangha" "Pinagtatawanan mo ko ha?" Sinamaan ko sya ng tingin. "Kidding babe.." yumapos sya sa bewang ko. "Ano babe ka dyan? Tumigil ka Caspian ah!"naiilang akong umirap at inalis ang kamay nya. "Haha! Still not used to it babe?" "Che! Tara na nga" lumabas na ako sa dome. Nakasunod naman sya sakin habang nakapamulsa lang at cool na cool sa paglalakad. Tignan mo ang isang 'to, nasa ramp model lang ang peg? Pinagtitinginan na sya ng mga studyanteng nag f-field trip eh! "Kuya! Diba ikaw si Zach ng Lovesickers?!" "Kuya Zach papicture po!" "Kuya Zach! Ang ganda po ng bagong release na kanta ng Lovesickers! Kyah!" "Kuya please papicture po!" Dinumog si Caspian ng mga studyante. Hindi sya makatanggi at napapangiti nalang sa mga camera ng phone nila. Nakatingin lang ako sa kanya, ang famous ni Caspian lalo na sa mga babae. Kaya hindi talaga nakakapagtaka bakit marami syang nagiging babae dahil bukod sa gwapo, talented pa at matalino. Full package kung baga. "Sorry girls enough na, nag d-date kasi kami ng girlfriend ko" he said politely. "Aww.. sayang naman.." "Ang pogi talaga ni Kuya! Hihi!" Mabilis akong nilapitan ni Caspian at hinawakan agad ang kamay ko. "Sorry about that"aniya. "Mukhang sikat kana" "I know babe. Ang gwapo kasi ng boyfriend mo eh"he chuckled. "Tae, ang hangin mo" sabi ko at inunahan na sya maglakad. "Oh saan ka pupunta?" Tanong nya. Napahinto ako at muli syang hinarap. Takte, hindi ko alam kung saan. Bago lang ako sa Manila at hindi ko kabisado ang pasikot-sikot dito. Natawa sya at inakbayan ako. "Yan kase nangunguna pa haha!" Sumakay ulit kami sa kotse. Pumunta kami sa moa at dinala nya ako sa skating rink. Pinaupo nya ako agad at sinuotan ng ice skating shoes. "C..Caspian, hindi ako marunong nito!" Medyo kinakabahan ako, never pa kasi akong nakapag skate! Dahill uulitin ko, hindi ako gala noon! Bahay at school lang ang buhay ko! "Don't worry I'll teach you how"nginitian nya ako. Nagsuot narin sya ng skating shoes at inalalayan ako papunta sa rink. "C..Caspian..w..wag mokong bibitawan" kinakabahan ako. "C'mon, I'm here. Aalalayan kita" hinawakan nya ang isa kong kamay habang ang isa ay nakahawak sa rail. "Bumitaw ka sa rail Al, hahawakan kita" "Eh ayoko!" Dalawang kamay na ang inihawak ko sa rail. "Psh! Sige na wag parang bata. Look at those kids.. di sila natatakot oh" "Eh marurunong yan eh! Sinong niloko mo?" "Fine.fine. Kaya nga nandito ako diba?" Lumapit sya sakin ay kumapit sa bewang ko. "It's alright, I'll catch you if you fall"bulong nya. Napatitig ako sa kanya ng sabihin nya yun. Lumalakas na naman ang pintig ng puso ko. Lintek na yan, kanina ka pa puso ah? Kumalma ka please lang! "C'mon trust me" Tumungo naman ako at humawak sa magkabilang kamay nya. "Okay, glide forward, don't worry I got you" Sinunod ko naman sya, humigpit ang kapit ko sa kanya habang umaabante. Nanginginig pa ang mga tuhod ko, pero inch by inch ay nagagawa ko naman kahit papaano. "Good.. you're learning fast. Now glide with me. Sabay tayo" saad nya. Hinila naman nya ako, nasabayan ko naman sya kahit papaano. Nanginginig pa ako kaya hindi stable ang pag balance ko. Napapunta kami sa gitna. Pansin ko pa ang pagtingin ng mga babae kay Caspian. Tapos nagpapakitang gilas pa sa pag skate. Aba? Hello? Girlfriend here? "Oh ano? Can you skate on your own?" "Don't you ever think about letting me go Caspian! Malalagot ka sakin!"inis na sabi ko. Tumawa naman sya at bigla akong binitawan. "C..Caspian!!" Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, natatakot akong gumalaw dahil ayoko bumagsak sa yelo! Kahit nanginginig ay nagawa ko naman mag balance habang si Caspian ay umikot ikot sa paligid ko. "Ano ba?! Nang aasar ka ba?! Halika dito!" "Abutin mo muna ako"he said with a teasing smile. Nagpatuloy sya sa pag ikot sakin hanggang sa medyo lumayo sya sakin. Doon na ako nakaramdam ng sobrang kaba. Pano kung bumagsak ako? Maaksidente? Tapos yung talim sa skating shoes ko tumama sa iba?! Waahh!! "Caspian kasi!! Ano ba?! Natatakot na ako!!" "Why would you? Ang laki mo na Al. You can do it" medyo malakas na ang boses nya, medyo malayo na kasi sya sakin. May lumapit sa kanyang babae. Nakipag usap sa kanya, hindi ko naman marinig ang usapan nila dahil medyo malayo. Nakangiti si Caspian at bahagya pang naglalaro sa yelo habang nakikipag usap. Tuluyan na akong nainis, at the same time ay feeling ko mukha akong kawawa dito sa gitna. Sinubukan kong umabante pero bigla akong bumagsak. "Aray!" Nagulat ako ng makita ang dugo sa daliri ko. Nadaplisan ako sa sapatos ko! Sabi ko na nga ba posibleng mangyari 'to! "Miss okay ka lang? Kanina ka pa naka stuck dyan sa pwesto mo" Tumingala ako at tinignan ang lalaking nagtatanong sakin. Napakunot ang noo nya sakin. "Bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo?" Pinahid ko ang luha ko at nanlaki ang mata ng lalaking nasa harap ng makita ang dugo sa daliri ko. "Sh*t! You're bleeding!"tinayo nya ako at inalalayan. Hindi naman masyadong masakit yung daplis eh, ewan ko lang kung bakit bigla akong umiyak. "Al what happened to you?" Narinig ko ang boses si Caspian. Tinignan ko sya ng pagalit at humawak sa braso ng lalaki. "Kuya pakidala mo ko doon sa gilid" "Okay" Inalalayan naman ako ng lalaki. Mabuti at nasabayan ko sya sa pag glide. "Hey wait!" Hindi ko pinansin si Caspian. "Thank you"sabi ko sa lalaki. "Yung daliri mo, nagdurugo pa. Linisin natin"saad nya. "Ayos lang po, namamanhid naman dahil sa lamig kaya di ko maramdaman yung sakit" sabi ko at inalis agad yung sapatos. "You sure?" "Yeah"sabi ko at tumungo. "Altair" Kakalabas lang ni Caspian sa rink. Inalis nya rin yung sapatos nya pero hindi ko na sya hinintay na matapos dahil umalis na agad ako. "Altair wait!" Nakalayo na ako sa kanya, masyadong malaki ang Moa at maraming pasikot sikot. Bumaba ako ng escalator at inalala ang mga dinaanan namin kanina. Masyadong maraming tao, at unti unti ng napapagod ang mga paa ko kakalakad. Huminto muna ako sa gilid para magpahinga ng may lumapit sa aking isang lalaki. "Hey lady" nakangiti sya sakin. "Kanina pa tayo nagkakasalubong. At kanina ka pa pa ikot-ikot dito. Want some help?" Bago pa ako makasagot ay naramdaman ko ang mga brasong biglang yumakap sakin. "Babe.." It's Caspian. At hingal na hingal sya kaya ramdam na ramdam ko ang paghinga nya sa leeg ko. "A..ano ba?! Bitaw nga!" "Just a minute.. *pant*pant* pagod ako kaka..*pant* hanap sayo" para syang naghihingalo kung makapagsalita. "Miss? Who is this guy?"tanong ng lalaki sa harap ko. "Her boyfriend! Ikaw sino ka?" Sinamaan sya ng tingin ni Caspian. Napaiwas naman ng tingin ang lalaki at mukhang nag back out ang dila sa gusto nya sanang sabihin. "N..napadaan lang. S..sige alis na ako" Nang makaalis yung lalaki ay inalis ko agad ang braso ni Caspian sakin. Inis parin ang mukha ko sa kanya. Sya naman ay mukhang worried pero wala akong pake! Pinabayaan nya ako kanina at nagawa pang maglandi sa iba! "Altair sorry about-" "Ayoko na. Ihatid mo na ako pauwi" ✴✴✴ To be continue...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD