Tumakbo ako ng tumakbo, sinita pa ako ng guard pagkalabas ng building pero hindi ko na sya pinansin. Nanlalabo na ang mata ko dahil sa mga luha, pero nagawa ko naman makarating sa lugar na pwede akong mapag isa. Sa rooftop. Napaupo ako sa tabi at niyakap ang tuhod ko. Umiyak ako, umiyak ng tahimik. Iniiwasang humikbi dahil baka makita ako ng iba. Sobrang sakit malaman ang lahat. Wala akong pakielam kung nilapitan nya ako para sa isalba ang banda nila, pero ang gamitin nya ako para bumalik ang taong mahal nya ay hindi sang ayon sa sitwasyon ko. Gusto ko na sya, baka nga mahal ko na sya eh. At hindi ko tanggap na ginamit nya ako para bumalik ulit si Sierra sa kanya. Hindi ko man sineryoso ang sinabi nya na magm-move on kaming dalawa pero yung ang nangyari sakin. I get over Damon and fa

