=== Naalala ko ang palitan nila ng I love you kahapon. I wish I was her, sana ako nalang ang sinasabihan nya ng mga tatlong salitang yun. Because if that would be happen, wala na akong mahihiling pa. Dahan-dahan kong inalis ang pagkakayakap nya sakin at bumangon. Kahit nahihilo ay nagawa ko namang makababa sa second floor. "Arf!arf!" "Lucky..." Nilagyan ko ang kainan nya ng dog food, dinamihan ko na para kung sakaling makalimutan ko ay mayroon parin. Kumakalam na ang sikmura ko, humigop lang pala ako ng soup kanina. Kailangan ko parin kumain dahil nagrereklamo na ang tyan ko. Kumuha ako ng noodle cup sa cabinet, eto yung kinakain ko pag tinatamad akong magluto. Nilagyan ko ng mainit na tubig at tinakpan muna gamit ang isang libro. Nakahalumbaba ako sa mesa habang hinihintay lumam

