ISANG LINGGO na mula ng manggaling ako sa mansion nina Caspian.
Sya ang nagcompose at nag arrange ng kanta. Ako naman ay nagrevise lang ng kaunti para magfit sa tono na ginawa nya.
Nasa studio kami ng Lovesickers ngayon. Nag k-kwentuhan sina Caspian at Cooper sa gilid habang si Axel ay tinuturuang mag gitara si Kate. Ako naman ay umiinom lang ng delight at pinapanuod sina Kate at Axel. Hinihintay kasi namin si Kurt, galing sya sa cr kaya hindi makapagsimulang magpractice ang Lovesickers.
"That's not G Kate, E minor yang ginagawa mo"
"Eh nakakalimutan ko eh!"
"Haist. Hindi para sayo ang music, tanggapin mo na"
"Argh!dali na! Matututunan ko din yan!"
"Wag na, wala kang pag asa"
Napanguso si Kate at tumingin sakin. Umiwas naman ako agad. Nah, ayoko magturo no.
"Grabe kayo sakin!"inis na sabi nya at hinampas si Axel.
Pareho kaming natawa ni Axel at umiling iling nalang. Nagulat naman ako ng may tumabi sakin at sumipsip sa delight ko.
"Saya nyo ah" saad ni Caspian.
Nagkatinginan kami, pareho naming itinaas ang kilay sa isa't isa. Palagi kaming ganito, kunwari nagtatarayan but that's actually our own way of greeting.
"Yiie indirect kiss!" Panunukso ni Kate.
Napairap nalang ako sa kanya. Palagi talaga syang ma issue samin. Konting kibot lang tukso agad.
"Yiee di marunong mag gitara!" Asar ni Caspian.
Sinamaan naman sya ng tingin ni Kate at imbes na si Caspian ay si Axel ang hinampas sya dahil sya ang malapit.
"Aray bakit ako!?"
"Turuan mo ko!!"
Itong dalawang 'to, palagi nalang nag aasaran.
"Did you know that Axel had a crush on Kate?"bulong ni Caspian.
"Oh?"
"Yeah. But Kurt refuse him. Bawal daw taluhin ang kapatid nya lalo na si Axel"
"Bakit?"
"Because he's a playboy"
"Makaplayboy 'to kala mo sya hindi"inirapan ko sya.
Natawa sya ng mahina. Ang lalaking 'to talaga ay hindi parin nagbabago. Minsan nakikita ko syang nakikipaglandian sa mga babae. Ang landi landi talaga kahit kailan. Hindi nya ba naiisip na sa mata ng mga tao may girlfriend sya? Palibhasa ang galing magtago, pati yung mga babae lihim din kung lumandi.
"Simula ngayon hindi kana pwedeng mambabae"
"Seriously?"
"Yeah"
"Haha bakit? Are you jealous?"
"Nope and never. Iniisip ko lang ang sasabihin ng iba tungkol sayo. Alam ng lahat na may girlfriend ka tapos makikipaglandian ka pa? At ayusin mo ang image mo para sa comeback nyo sa intraschool. Naiintindihan mo ba?"
"Ayos ah. Manager ba kita?"
"Kung ayaw mo kong sundin bahala ka. Para sayo din naman yun. At isa pa girlfriend mo ko, kahit no feeling involve ang relationship na 'to, you need to be loyal"
"Blah blah oo na. Susunod na. If I know nagseselos ka lang"
"In your dreams"sagot ko.
Mula ng makarating ako sa bahay nila Caspian, madalas akong niyaya nina Tito Rein at Tita Ruan para sa dinner. Madalas ko narin kasama si Caspian dahil dun, hinahatid nya ako pauwi at sinusundo sa bahay pag papasok ko.
We're quite close in a different ways. Couple parin kami sa mata ng lahat, pero hindi para sa aming dalawa. We're more like... buddies? Or close friend parang ganun.
Matapos nya akong halikan sa kwarto noong nakaraan ay nag sorry sya sakin. Hindi ko alam kung para saan ang sorry na yun. Dahil hinalikan nya ako? Or dahil tinawag nya akong Sierra?
Ang totoo nga ay nakaramdam ako ng ilang sa kanya nun pero pinilit nyang maging komportable ulit sa kanya.
However, sa ngayon 2 weeks nalang bago ang monthly intraschool. Kumakalat narin ang rumors about sa comeback ng Lovesickers at sa bago nilang ire-release na kanta. Masaya ako para sa kanila, at masaya ako dahil isa ako sa tumulong sa kanila.
Pero sa kabila nun ay naiisip ko parin si Damon, sya ang dahilan kung bakit ayokong sumali sa Lovesickers. Tinuring ko rin syang kaibigan at higit pa doon. At sa ilang taon naming magkasama, wala siyang ibang bukambibig kundi ang pangarap nya.
Ayokong masaktan ang ego nya, kahit papaano ay mahalaga parin sya sakin.
"Okay everyone settle na! Magsisimula na tayo" pumasok si Kurt habang nilalaro ang drumstick nya.
"Tagal mo ah, tumae ka ba?"puna ni Cooper.
"Hmm.. may chicks kasi akong nadaanan, alam mo na? Hehe"
"Wow.. parang walang girlfriend ah"
"Nagtanong lang sya sakin! Mukhang transferee yata yun kaya tinulungan ko-Anyway! Let's start to rock and roll!"
»»»
"Waaahhh! Lovesickers!!"
"Omg! Hindi ko akalaing magiging pasabog ang comeback nila!!"
"I love you Lovesickers! I LOVE YOU ZACH!!"
TODAY is monthly intraschool. Nasa stage na ang Lovesickers at pinapakilig ang crowd. Maraming lightnings at mga fireworks sa paligid. Tila nasa isang tunay na concert kaming manonood.
Nasa VIP seat ako syempre, kasama si Kate at ang girlfriend nina Kurt at Cooper na si Janelle at Sharmaine.
"Omg! Grabe ang galing ng honeybunch ko!" Kinikilig si Janelle habang manghang mangha sa boyfriend nyang si Kurt.
"Look at Cooper, Wahh!! Ang gwapo gwapo!" Si Sharmaine over sa ngiti.
Tinignan ko naman si Kate at kita kong nakafocus sya sa pag gigitara ni Axel, hindi naman sya totally kay Axel nakatingin, kundi sa gitara! Haha gusto nya talagang matuto.
Ibinalik ko ang tingin sa stage. Hindi ko maiwasang mapangiti pinapanood si Caspian na kumakanta. Noong una hindi talaga ako makapaniwalang napakaganda ng boses ng lalaking 'to. Totoo, aaminin kong nakakakilig ang boses nya, kaya nga ang daming nagtitilian ngayon.
"Your smile makes my day complete
When I look in your eyes I see paradise
And when you talk, I hesitate
'Don't know what to say"
Nagtama ang tingin namin. Bigla syang ngumiti sakin na biglang nagpakaba sa loob ng dibdib ko.
Naramdaman ko ang pagsiko ni Kate sakin. Nakangiti sya at tinutukso na naman ako.
"Girl, nakatingin sayo oh. Iba na yan"
"Manahimik ka"
"Hahaha! Go Zach!! Wooohh! Loui Loves you!!!"
"Ano ba!?" Siniko ko sya.
"Hindi naman nya maririnig eh!"
"Baliw kana talaga" napailing nalang ako.
"I don't know what to do
But to think of you
I wonder if
You feel the same way too"
Natapos ang kanta ngunit ang hiyaw ng mga tao ay nagpatuloy parin.
"Thank you everyone"saad ni Caspian bago sila bumaba sa backstage.
"LOVESICKERS! LOVESICKERS! LOVESICKERS!LOVESICKERS!"
Pinuntahan agad namin sila sa backstage. Abot parin ang sigawan ng mga tao hanggang sa likod.
"LOVESICKERS! LOVESICKERS! LOVESICKERS!LOVESICKERS!"
"Wow guys.. did you see how wild those people out there?"di makapaniwalang saad ni Cooper.
"Kaya nga! Ang galing galing ng honeybunch ko!" Yumakap agad si Janelle kay Kurt.
Si Sharmaine ay nagpunas pa ng pawis ni Cooper.
"Kate punasan mo din ako oh.."ngumuso si Axel pero inirapan lang sya ng Kate at pinunasan din naman.
"Ako magpupunas! Kate alis dyan"
Napasimangot si Axel ng tabigin nya ang kambal palayo. Haha grabe naman si Kurt.
Napatingin naman ako kay Caspian, nakatingin sya kay Sierra na sa kanya din ang titig. Aba? Bakit nagtititigan ang dalawang 'to?
"Ehem" I fake a cough.
"Hey.." napansin nya ako at umiwas kay Sierra.
Binigyan ko sya ng tubig at tinanggap naman nya yun.
"You did great"puri ko.
"Thanks"tipid syang ngumiti tsaka uminom.
"May mga binago ka pala sa kanta. Hindi ko alam"
"Sorry, medyo nilagyan ko lang ng konting twist. Galit ka ba?"
"Nope. Actually maganda sya"
Napangiti sya at biglang ginulo ang buhok ko.
"Wow.. dalawang compliment na ang natanggap ko sayo ah. That so unusual"
"Ano ba!" Tinabing ko ang kamay nya. Natawa nalang sya at ginulong muli ang buhok ko sa huling pagkakataon.
"Ayiieee!!!" Inasar na naman kami ng koponan nina Kate.
Mga baliw talaga. Lahat nalang bibigyan nila ng meaning. Lumabas na kami sa auditorium para magpahinga. Hindi na kami nanood ng iba pang banda kasi confident na ang mga tukmol na 'to na panalo na daw sila. Grabe ang bilib sa sarili. Umaapaw!
Naglalakad kami sa hallway papuntang music building, nang kalabitin ako ni Caspian.
"Available ka ba this Saturday night?"biglang tanong ni Caspian.
"Huh?" Nagulat ako sa kanya. Ang lapit lapit nya kasi sakin eh.
"I'm asking if you're available this saturday"
"Uhh... hindi eh may lakad ako"
"Ah okay"
"Bakit?"
"It's my grandma's birthday. Isasabay din ang birthday ni mommy sa celebration tapos yung 51th anniversary ng company ni Lola. Sa Laguna kasi gaganapin kaya isasama sana kita"
"Sayang.. magkikita kasi kami Papa sa Saturday, pupuntahan din namin ang puntod ni mama. Ilang buwan na kaming hindi nakakadalaw"
"It's alright. I'll just tell them" saad nya.
Nahalata ko ang disappointment nya sa mukha. Medyo natuwa ako, malungkot ba sya dahil hindi ako makakasama?
"Pero may regalo ako kay tita! Isasama ko narin ang lola mo. Promise! Ibibigay ko nalang sa susunod na araw"
"Mas gusto ni mom ang presence mo kesa sa regalo"halatang sarcastic sya sa pananalita nya.
"Baka naman gusto mo talaga kong kasama ha?" Siniko ko sya at inasar.
"Asa. Yung madaldal kong kapatid na si Olivia tsaka si mommy. Sila ang gusto kang kasama. Palibhasa mga babae"
"Wala ka namang problema samin no?"
"Psh. Pwede bang sa sunday ka nalang kayo magkita? Ihahatid agad kita pagkatapos ng party"
"Si Papa ang nagset ng date. Tsaka baka hindi sya available ng ganung araw. Doctor si papa kaya hindi ganun kadaling magleave o umabsent"
"Psh. Fine. Ano pa bang magagawa ko?"sumimangot nalang sya.
"Gusto mo talaga akong makasama no?"
"Psh! It's not like that! Sina Jairo at Yohan kasi may date. Ako lang yung wala"bigla syang ngumuso at sumimangot.
Napakagat ako ng labi dahil sa sinabi nya.
"Yun lang ang pinuputok ng butsi mo? Haha!"
"Don't make fun of me! Can't you see? Tinatalo ako ng dalawa kong kapatid. Mas bata sila pero may niyaya silang ka date sa party. The heck, tapos ikaw naturingan girlfriend hindi sasama"
"Eh sa hindi nga ako available! Haha! Tsaka hindi naman kailangan ng date dun! Birthday party yun eh!"
"That party is exlusive okay? Hindi pipitsugin lang na party. Tsaka nandun yung mga pinsan ko at yung mga anak ng business partners ni lola. I'm sure dala dala din nila ang date nila"
"Aww.. kawawa naman pala ang boyfriend ko walang date sa party..." tinapik ko ang balikat nya na kunwari'y nakikisimpatya pero nang aasar lang naman talaga ako.
"Dun ka nga! Psh. You owe me one day Altair. Siguraduhin mong sa susunod may isang araw kang ilalaan sakin"
✴✴✴