Pagpasok ni Caspian sa banyo ay napaupo nalang ako sa kama. Malaki ang kwarto ni Caspian, puro puti ang gamit nya at dingding. Napansin ko pa ang maliit na poster ng The Vamps sa gilid.
Fanboy?
Humiga ako sa kama at tumingin sa side desk nya. Doon ko napansin ang isang red na parang libro. Bumangon ako at kinuha yun. Isang makapal na scrapbook na may nakalagay na Best Memories.
Binuklat ko yun at tumambad sakin ang isang babae at lalaking teenager na nakangiti. Nakaakbay yung lalaki sa babae at kung titignan ay sobrang sweet nila sa isa't isa.
Teka? Sina tita Ruan at tito Rein 'to ah?
Binuklat ko pa ang iba pang pahina. Mga pictures nga nila 'to! Pero mukhang mga bata pa sila dito, mga kasing edad palang namin ni Caspian. Ibig sabihin sila na pala dati pa? Wow.. ang tagal na pala nilang dalawa magkasama at hanggang ngayon ay mukhang walang pinagbago sa sweetness nila.
Nakakainggit. Kung pinansin kaya ni Damon ang nararamdaman ko sa kanya... ganito rin kami ka-sweet?
Ang kapal na ng scrapbook na 'to. Halatang effort na effort ang gumawa nito. Dinugtungan pa kasi ulit ng mga pages dahil nagkulang na sa espasyo. Tapos ang ganda ng design at pagkakagawa.
Nagpatuloy ako sa pag scan, nandoon din ang wedding picture nila, may nakadikit pang rings sa gilid ng picture, tapos itim na bracelet. May picture din ni tita Ruan with her baby bump kasama si tito Rein.
Hindi ko maiwasang mapangiti sa kanilang dalawa. Ang saya saya ng mga memories nila dito sa scrapbook. Mukhang inlove na inlove talaga sila sa isa't isa.
Pinihit ko ulit ang pahina ng makita ko ang picture ko ng baby pa ako.
"This is my first birthday"bulong ko.
Nakasuot ako ng blue dress at katabi ko ang isa pang batang lalaki na naka blue tuxedo. May cake sa harap namin at nakasulat ang 'happy first birthday Altair'
Kung ganon Altair na pala talaga ang tawag nila sa akin noon. At itong lalaking katabi ko ay si... Caspian?
Hindi ko maiwasang mapangiti. Sobrang cute nya kasi! Nakatingin sya sakin habang ako ay nakatingin sa cake ko. Paglipat ko ng page ay puro kaming dalawa ang nasa pictures, mayroong magkayakap kami, naglalaro sa loob ng crib, meron ding magkatabing natutulog.
Nanlaki ang mata ko ng makita sa isang picture na nag-kiss kaming dalawa. As in lips to lips na nakanguso pa! Hinawakan ko ang labi ko, the heck? Baby pa ako may first kiss na ako?! Seriously?!
"Caspian.. noon palang nanghahalik kana talaga!" Inis na bulong ko.
Nagkaroon na ako ng first kiss noong elementary pero hindi ko akalaing mas may nauna pa akong kiss!! Wtf Caspian!?
"Err.. my lips.. kawawa ka naman pala kay Caspian noon"
Nakita ko pa ang isang picture namin na nakayakap sakin si Caspian habang nasa likod ko sya, may picture pa na naliligo kami sa beach, naka swimming attire at naglalaro sa tabi ng dalampasigan kasama si tito Rein.
This is how close we are? Para kaming magkapatid noon at mukhang close na close kami noong one year old palang kami.
Pagkatapos ng maraming pictures namin ay sumunod ang mga pictures na Yohan, Olivia, Jairo, yung kambal at si Keila.
Naisara ko ang scrapbook at binasa ko ulit ang title nitong 'Best Memories'
Kusang kumurba ang labi ko ng mapagtantong naging parte pala ako ng Best memories nina Tita Ruan at Tito Rein. Nakakatuwang isipin na naging parte pala ako ng pamilya nila noon at itinuring na isang tunay na kasapi ng mga Anderson.
Ibabalik ko na sana yung scrapbook ng may nahulog na pendant mula sa loob. Nanlaki ang mata ko ng makilala ang silver pendant star, ito yung pendant ng kwintas ko noon! At naiwala ko 'to nung astrocamp namin nung elementary! Bakit na kay Caspian 'to?!
Sakto naman ang pagbukas ng cr at bumungad si Caspian na nakatapis lang ang ibaba.
"Hoy!!" Nanlaki ang mata ko at hindi malaman kung magtatakip ba ako ng mata o hindi. Nakakatuliro!
"What?" Tinaasan nya lang ako ng kilay habang nagpupunas ng buhok.
"B..bakit nakatapis ka lang?!"
Natawa naman sya at ngumisi sakin. Tinignan nya ako ng diretso at dahan dahang inalis ang tapis nya, take note in a sexy way pa! Kulang nalang may background music pa para dama eh!
"Yak! Ano ba!" Tinakpan ko na ang mata ko.
Binato nya ako ng tuwalyang pinantapis nya at tsaka tumawa ng malakas! Walangya!
"May short ako. Feeling mo naman maghuhubad ako sa harap mo"
Inalis ko ang takip ng mata ko tsaka sya tinignan. Nakashort lang sya pero topless parin. Binuksan nya ang cabinet nya at naghanap ng maisusuot na t-shirt.
Di ko maiwasang mapatitig sa build edd nyang katawan. May biceps sya, baby abs at... at.... V line? Napalunok ako ng makita ang V line nya. Takte bakit ang init? Patay ba aircon?
O jusko marya, for a split of second ay naging Hot si Caspian sa paningin ko. Damn.. bakit ba ganito ang mga naiisip ko?!
Bigla syang napatingin sakin kaya agad akong umiwas at tumingin sa ibang direksyon. Narinig ko syang tumawa at nagsuot ng t-shirt.
"Admiring my body huh?"
"Hoy ang kapal"inirapan ko sya.
"What did you do while I'm in a bathroom?" Bigla syang napatingin sa scrapbook na nasa kama.
Umupo sya sa tabi ko at kinuha yun agad.
"Tinignan mo 'to? Pakielamera"
"Na curious ako eh! Tsaka... ang dami kong nakita sa scrapbook"
"Pictures natin? Yeah. Mom and Dad compile every pictures they have captured. Ito yung regalo ni Mom kay Dad nung first monthsary nila"
"Talaga? So sobrang tagal na nyan?"
"Yeah probably about 20 years old"
"Woah.. mas matanda pa satin? Grabe ang galing! naconserve yan nina tito at tita ng ganun katagal?"
"This is the most important and special gift for dad. Kami ni Dad , Jairo at Yohan ang nagcontinue nito lahat at sa birthday ni mommy ipapakita namin 'to sa kanya. At ikaw pakielamera ka, baka makita pa 'to ni mommy. Sisirain mo pa yung surprise namin"
"Aww.. ang cute naman. Lahat ng boys ng Anderson family may surprise na mommy nila—ay! Oo nga pala! Bakit na sayo 'to ha?!"
Pinakita ko sa kanya yung pendant na star sa kanya.
"You don't remember?" Nagpigil sya ng tawa.
"Anong remember? Pano 'to napunta sayo?"
"Regalo yan ni daddy sayo noong first birthday mo. Nang magkita ulit tayo noon sa astrocamp noong elementary, nakilala kita dahil sa necklace na yan"
"Nagkita ulit tayo dati?!" Nagtataka na ako. Wala kasi talaga akong maalala!
"Have you been in an accident tapos nagka amnesia? Alalahanin mo! nga!"
"Magtatanong ba ako kung naaalala ko?"
"Psh. You really don't remember? If I do this maaalala mo kaya?"
Unti unti nyang inilapit ang mukha nya sakin ngunit bago pa nya ako mahalikan at nasapok ko na agad sya.
"I...ikaw!!"
Naalala ko na yung gabi ng astrocamp! Grade 3 ako noon at pumunta kami sa isang soccer field, doon ginanap yung astrocamp kasama ang iba't ibang school. Doon ko na-meet ang isang batang hindi ako tinatantanan dahil sa suot kong bracelet!
"Ikaw yung batang kumuha ng first kiss ko!!" Hinampas ko sya ng malakas pero tinawanan nya lang ako.
Hinalikan nya noon dahil sa inis! Hindi ko kasi sya pinapansin! Bakit ko naman kasi sya papansinin? Eh hindi ko nga alam na magkakilala kami diba?! Palagi pa naman akong pinapaalalahanan na don't talk to strangers kaya hindi ko sya kinakausap!
"Yes that's me. You're so innocent that time! Sabi mo pa na baka mabuntis ka dahil sa kiss kaya inulit ko yung kiss tapos umiyak ka pa! HAHA!!"
"Napakamanyak mo talaga!! Bata palang tayo minomolestya mo na ako!!"
Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. Grabe talaga sya! Wala syang awa sa walang kamuwang muwang na kagaya ko! Huhu!
"Excuse me? Fyi, noong baby pa tayo ikaw ang halik ng halik sakin"
"Anong pinagsasabi mo?! At pano mo yan nasasabi ha?! Eh baby pa tayo non?!"
"Mom and dad used to film us together, at sa mga video palagi mo kong kinikiss" hindi parin mawala ang ngisi nya sakin.
Ewan ko kung bakit nakaramdam ako ng hiya, hindi ko naman maalala yun dahil baby pa ako! At tsaka bakit binibigyan nya agad ng malisya yun?! Eh baby pa nga kami nun?!
"Wag ka ngang gumawa ng kwento dyan, ikaw ang mang aagaw ng halik! Sinira mo ang virginity ng lips ko!"
"Yeah whatever you say. Ikaw rin naman ang sumira sa virgin lips ko noon. So that means.. we're even"
"Even? Argh! You're so imposibble Caspian! My first is not suppose to be you! Nakakainis ka!"
It should be the one whom I really love! The one who is very special to me! Like Damon! First kiss is a very special kiss among all of the kisses for me! Bakit ba kasi kahit isang beses ay hindi manlang nya ako hinalikan? Ganun ba talaga ako kapangit sa paningin nya?
"Sobra kang affected no? Tsaka ayaw mo yun? I'm your first.. second..third.."
Unti unti na naman syang lumapit papalapit sa mukha ko. Diretso ang tingin nya sa mga mata ko na para bang nanghihipnotismo sakin.
"Fourth..fifth...sixth..seven... and nth kiss"
Ilang inch nalang ang pagitan namin. Bumaba ang tingin ko sa mga labi nyang kaakit akit, err.. bakit kasi ganun? Bakit ang ganda ng hubog ng labi nya?!
"And you're also my first. First kiss natin ang isa't isa, but what's the matter with that?"
Iniwasan ko ang pagtingin sa mga labi nya. Baka maakit na naman ako at hindi ko rin mapigilang makagawa ng mga bagay na alam kong hindi ko sasangayunan pagkatapos.
"Because every kisses of mine suppose to be shared by someone special. Not you"medyo inis na sabi ko.
"Special huh?"
"Let's start composing now. Maraming nasasayang na oras—"
Napatigil ako ng hawakan nya ang chin ko at ibinalik ang tingin ko sa kanya. His eyes are seriously looking into mine until he lower his gaze and look into my lips.
Doon palang ay alam ko na ang susunod nyang gagawin. Pero bakit hindi ko maigalaw ang katawan ko para itulak sya? Parang may maguudyok pa sakin na titigan sya ng matagal.
"We can make the kiss special itself. Even though I am not special to you"
"H..huh?" Tuliro ako at tila nawala sa sarili ko.
"Close your eyes and think about Damon"
"At bakit ko—"
"Just do it!"
Sinunod ko naman sya at pumikit. Naramdaman ko bigla ang malambot na labing dumikit sakin.
Nasa isip ko si Damon, yung Damon na nakilala ko noon. Yung sobrang sweet at palaging nag aalala sakin. Yung Damon na mapangasar tapos kapag napikon ako ay yayakapin ako ng mahigpit at ililibre ng pagkain.
Hindi ko namalayan na napatugon pala ako at si Damon parin ang naiisip ko. Niyakap ko ang leeg ko nya at sumunod sa ginagawa nyang ritmo.
Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Umiikot ang kalamnan ko sa kilig at saya. At yung puso ko...kumakabog ng sobra.
Para bang ito ang napaka espesyal na halik sa lahat.
Naramdaman ko ang mga braso yumakap sa bewang ko. Lumalalim ang paghalik namin sa isa't isa at nararamdaman ko na ang kakaibang sensasyon ng may bumukas ang pinto.
"Kuya! Akala mo hindi ko nahanap yung duplicate key mo—omg!"
Napahiwalay agad kami sa isa't isa ng pumasok si Olivia sa loob. Nakatakip sya ng bibig at gulat na gulat ang mukha.
"Olivia!!" Napasigaw si Caspian sa inis.
"Sorry kuya! Hehe!" Mabilis syang lumabas at isinara agad yung pinto.
"Tch! That girl... sorry about that Sierra—"
Napatigil sya ng mapagtantong hindi ako si Sierra. So he's also thinking about that girl? I don't know why but I felt a sudden pinch on my heart with that.
What's with me? I've been thinking about Damon with that kiss tapos biglang may kukurot sa puso ko ng malamang si Sierra ang iniisip nya habang hinahalikan ako?
Wtf?
✴✴✴
To be continue...