"Alam mo? Noong una ay hindi rin ako makapaniwalang anak ka ni Tania. Cause you are totally look like your dad. Para kang girl version ng dad mo"Saad ni tita Ruan.
Nasa sala kami ngayon. Buhat ni tita Ruan si Keila, habang si tito Rein ay pinapatulog na ang makukulit na kambal.
Sina Yohan at Jairo ay naglalaro ng Xbox sa gilid. Naghuhugas naman ng plato si Caspian. Oo, NAGHUHUGAS SYA, NG PLATO AT MGA KALDERO.
May maid naman sila, pero taga laba, taga linis at taga alaga lang ng bata. Sinadya kasi ni tito at tita na dapat ay hindi sila umasa sa mga utos at dapat ay gumagawa rin sila sa bahay.
Grabe, hanga na talaga ako sa kanilang dalawa.
"Pwede nyo po akong kwentuhan tungkol kay mama? Wala po kasi ako masyadong alam sa kanya"
"Alam mo kasi.. hindi kami ganun ka close ni Tania dati. But Tania is quite smart and pretty like you" Napangiti naman si tita at sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay nya.
"Tita... alam nyo po ba kung bakit naging ganun ang condition ni mama?" Hindi ko maiwasang malungkot ng itanong ko yun.
Isang doctor ang papa ko. Isang Psychiatric doctor to be exact, at si mama... si Tania Lacosta ang pasyente nya. Oo, may mental disorder si mama pero hindi ko alam kung bakit sya nagkaganun. Isang taon ako ng namatay sya dahil sa sakit na breast cancer, medyo magaling na sya nun sa mental disorder pero tinaaman naman sya ng ibang sakit.
"Masyadong maraming hindi pagkakaintindihan sa pagitan namin ni Tania noon. And because of her, na miscarriage ako sa unang anak namin ni Rein"
Napatakip ako ng bibig dahil sa sinabi ni tita. Hindi ako makapaniwalang naging dahilan si mama ng isang hindi katanggap tanggap na pangyayari.
"Galit na galit si Rein kay Tania dahil sa nangyari and that leads her condition to became worst. May signs na ng depression na nakikita noon kay Tania dahil sa past nya, at dahil sa mga nangyari at sa galit ni Rein ay mas nagiging malala sya at umabot sa schizophrenia"
Hindi ko akalaing hindi pala naging maganda ang nakaraan nila ni mama. Nakakahiya dahil mukhang napakaraming kasalanan ni mama noon.
"Tita.. g..galit parin po ba kayo sa mama ko?"tanong ko.
Ngumiti naman sya sakin at tinap ang ulo ko.
"Napatawad ko na sya dati pa, as well as Rein. Well hindi yun ganun kadali but I know she regret everything she did before. Sa sobrang pagsisisi nya ay binigay ka nya samin para palitan ang baby na nalaglag sa sinapupunan ko noon"
"G..ginawa nya po yun?"hindi ako makapaniwala sa sinabi nya.
May part sa akin na nasaktan dahil parang ipinambayad nya lang ako sa kasalanan nya noon. Pero ng marealize kong sila Tita Ruan naman ang mag a-adopt sakin ay wala namang problema. Ang sakit lang sa damdamin na parang hindi ka naman pala planadong alagaan ng sarili mong nanay.
"Hindi ko din expected na gagawin nya yun. Alam kong ang unfair ng ginawa ni Tania sa part mo. Pero masaya ako ng binigay ka nya sa amin, you and Zach are our angels that time, until na-meet namin ang papa mo at nakiusap na kunin ka. One year old palang kayo ni Zach nun, at wala naman kaming nagawa kundi ibigay ka dahil sya ang mas may karapatan sayo"
"Thank you po, sa pag alaga sakin noon"sincere na saad ko.
"Oh Altair.. you've grown up a lot now. I really miss you sweetheart" niyakap ako ni Tita.
Hindi ko maiwasang mapangiti at niyakap din sya. Ewan ko, pakiramdam ko ay miss na miss ko din sya. Pakiramdam ko ay kayakap ko din ang mama ko.
"Misshuu..." biglang humalik sakin si Keila na nasa pagitan namin.
Natawa kami pareho ni Tita Ruan, kinurot ko ang pisngi ni Keila. Super cute nya kasi!
"She was once your daughter-like mom. But now she's Kuya's girlfriend" biglang nagsalita si Jairo na hindi parin inaalis ang tingin sa screen ng napakalaking flat screen tv nila.
"Wow.. destiny"komento din ni Yohan habang naglalaro.
Nakaramdam ako ng hiya. Ewan ko ba, pakiramdam ko nga ay namumula ang mukha ko. Wag naman sana.
"Kailan pa naging kayo ni Zach?"nakangiting tanong ni Tita.
"Uhh...L..last week po yata"
"It's a week before last week"
Napatingin ako kay Caspian na nakatayo habang nakahalukipkip ang mga braso. Napangiti agad si Tita.
"Oh I see... tignan mo nga naman, noon magkasabay namin kayong pinapaliguan, magkatabi kayo matulog at kalaro nyo lagi ang isa't isa"
Nagulat ako ng hawakan ni tita ang magkabilang kamay ko.
"And then now.. you two are now cute couples"proud nyang sabi.
"Ah...hehehe"wala akong masabi. Bukod sa medyo awkward ang sinabi ni Tita ay nahihiya ako sa reaksyon nya.
Isa na namang fan ng loveteam namin.
"Mom, are you done with her? Pwede ako naman?"
"Smooth.." sabi nina Jairo at Yohan tsaka tumawa. Mga baliw na kapatid.
Tumawa rin si tita at tumungo.
"Sige na Al, sumama kana kay Zach at baka—"
"Mom! I'm home!"
Pare-pareho kaming napatingin sa pinto at nanlaki ang mata ko ng makita si Olivia. Mom? Tinawag nya bang mom si tita Ruan?
"Oh my god!!" Napatakip sya ng bibig ng makita ako.
"Ate Loui!!!" Bigla syang tumakbo papunta sakin at niyakap ako ng napakahigpit.
"Oh my god! What are you doing here?! Nandito ka ba para dalawin ako?! Omg!"
Hindi naman ako makasagot sa kanya dahil ipit na ipit ako sa mga yakap nya.
"Nagbago ba ang isip mo nung nakaraan?! Tuturuan mo na akong magbake?! Tara na sa kitchen!!" Hinila nya ako ng bigla ngunit may humawak din sa kabilang kamay ko at hinila din ako.
"Aray!" Napahawak ako sa noo ko ng nauntog sa matigas na dibdib ni Caspian. Argh! Kailangan hilahin ako ng malakas.
"Hoy maingay na babae, she's here for me not for you"nakasimangot na saad ni Caspian.
"Excuse me kuya, niyaya ko sya para turuan akong magbake!" Pumameywang si Olivia sa harap ni Caspian at tinarayan ng bongga.
Kuya? Kapatid nya si Olivia?!
"Bakit ka nya pupuntahan? Ano ka ba nya?" Ngumisi si Caspian.
"Ate ko sya! Kasamahan ko sya sa part time ko!"
"Boyfriend ako. Mas lamang ako"inirapan nya si Olivia at hinila agad ako.
Naiwan si Olivia na nakanganga sa harap namin. Halatang nagulat din sya.
"Wait! Boyfriend?! Girlfriend mo si Ate Loui?!" Sinundan nya kami paakyat sa second floor.
Kita ko ang pagkinang sa mga mata nya habang nakatingin samin. Hindi sya pinansin ni Caspian at tuloy tuloy lang sa paghila sakin.
"Kuya wait! May itatanong pa ako! Ate Loui—"
"Manahimik ka madaldal! Wag kang istorbo!" Pinasok agad ako ni Caspian sa isang kwarto at mabilis yung ni-lock.
"Arghhh!! Kuya!! Napakadamot!!!" Sinipa ni Olivia ang pinto pero hindi sya pinansin ni Caspian at humiga sa kama.
Sa pagkakataong yun ay tsaka lang nag-sink in sa utak ko ang nangyari. Ako at si Caspian ay nasa iisang kwarto na naka-lock.
Nakatayo lang ako, sya naman ay nakahiga habang nasa likod ng ulo ang isa nyang braso at nakatingin sa kisame.
Bigla akong napakagat ng labi dahil sa posisyon nya. Nakasuot parin kasi sya ng sleeveless shirt at medyo basa pa ang damit nya at buhok tapos nag f-flex pa ang muscle nya dahil sa pag unan nya ng braso.
Wtf, Caspian? Nagmomodel ka ba sa harap ko? Feeling may photoshoot? Tapos mata ko yung camera?
"Hey, tatayo ka lang dyan? Baka gusto mong umupo?" Nag iwas agad ako ng tingin ng bigla syang tumingin sakin.
"A..akala ko ba may practice kayo? Bakit nandito tayo? Nasaan sina Kurt?"tanong ko at inilibot nalang ang paningin sa buong kwarto nya.
Ngayon ko lang napansin ang pagiging organize nya, malinis at napaka aliwalas.
"Hindi ko na sila pinapunta"
"Ha? Bakit?"
"Dahil wala pa naman kaming p-praktisin. Gagawa palang tayo ng kanta ngayon. Next time na sila sasama"
"Magkalinawan nga tayo Caspian, hindi ako kasali sa Lovesickers—"
"Kasali ka na ngayon"
"Sabing hindi—"
"Sabing oo. At wala ka ng magagawa dun Altair. Pag sinabi kong kasali ka, kasali ka"
"Excuse me? Hindi kita boss okay? Gusto ko kayong tulungan pero wala parin akong interes na sumali sa inyo. At sino ka para sundin ko ha? " Pumameywang ako at tinaasan sya ng kilay.
"Di pa ba sapat na boyfriend mo ko?"ngumisi sya.
Napabuntong hininga ako. Bakit ba ang hilig nya mag rebat kahit hindi naman connected sa topic?
"Diba sinabi mong susundin mo ang utos ko kapalit ng pagtulong ko? Ayokong sumali"seryosong saad ko.
Ayokong isipin ni Damon na kaya ako sumali sa Lovesickers ay dahil sa kanya. Ayokong isipin nya na apektado at bitter parin ako. Yung puso ko wasak na dahil sa kanya at pride nalang ang meron ako.
"Psh. Fine. Whatever" tumayo sya at kumuha ng tuwalya.
Bumuntong hininga nalang ako. Halata kasing na disappoint sya sakin.
"I'll just take a shower. Dyan ka muna at wag kang lalabas"
✴✴✴
To be continue...