i. Extra Chapter Point of View: Third Person Nang makalabas ng bulwagan ang ikalawang prinsipe ay napahawak na lang siya sa kaniyang dibdib sa may bandang puso. Pakiramdam niya ay ngayon lang siya ulit nakahinga dahil sa kaba at tensiyon sa loob ng silid na 'yon. Masyadong mabigat ang paligid sa loob ng bulwagan at hindi niya kaya ang pakiramdam na ‘yon. Ito ang isa sa mga dahilan kaya ayaw niya nang may kinalaman na kahit ano patungkol sa palasyo. Mas nais niya talagang lumalabas sa palasyo dahil mas payapa at malayo sa mga pagtatalo na patungkol sa politika. “Mukhang masaya ka sa naging pasya ng ating ama.” Napatingin ang ikalawang prinsipe sa kaniyang likuran nang marinig ang boses ng nakatatandang kapatid. “Masaya lang ako na hindi sila pinatawan ng kamatayan matapos ang lahat. Ma

