Chapter 45: First date & disappointment "BABY! hindi na puwede `yang tanggalin!" sigaw niya kaya malakas ko siyang binatukan. Kaya hinimas-himas na lamang niya ito. Tiningnan ko na lang ito sa kamay ko at napangiti ako dahil sa sobrang ganda niya. Sobrang mahal din. "Gago ka talaga. Ang mahal nito, ah," sabi ko at wala na yata siyang pakialam pa sa presyo nito dahil pinagmamasdan na niya ang reaksyon ko. "Pero nagustuhan mo naman, `di ba?" I nodded. "Sinasagot mo na ba ako?" tanong niya. "Bakit? Sinagot na ba kita?" balik na tanong ko sa kanya. He pinched the bridge of his nose. Kaya mariin kong pinisil iyon. "You didn't tried to remove this from your hand. So..." "Oo na..." mahinang sabi ko at ramdam na ramdam ko ang init sa mukha ko. I couldn't look straight at him but he touched m

