Chapter 46: Argument HINDI agad umalis si Miko. Saka na raw siya uuwi kung darating na ang nakatatanda niyang kapatid. Kaya pinakain ko ng miryenda ang tito ni Markiana at inasikaso. Mayamaya lang ay narinig ko ang ringtone ng phone niya. "I'll accept this call, excuse muna love, ah?" Agad kong niyakap ang anak ko nang ilipat niya ito sa akin. Hinalikan pa niya ang ulo nito. "Nasa studio ako ng mag-ina mo, Kuya. Bakit? Why? Akala ko ba ay may pupuntahan kayong tatlo? What happened?" Ayoko sanang pakinggan pa iyon pero naririnig ko pa rin ang boses niya kahit lumalayo na siya sa side namin. "Kuya, pinaghihintay mo lang ang mag-ina mo. Ano ba ang ginagawa mo sa condo ni Leighton?" Wala sa sariling napatingin ako kay Miko. Huwag mong sabihin na hindi siya makakarating? Na hindi matutul

