Chapter 43: Jealous & silent treatment "DADA..." "She called me, Dada..." tuwang-tuwang sabi ni Rexus na tinanguan ko lang. Tinawag ka ngang dada na alam kong pagseselosan 'yan ng daddy nito. Eh, sa kapatid pa nga ay nagreklamo na at pinaalalahanan na tito lang nito si Miko. "Magdadalawang linggo na namin kasama ang tatlo pero hindi pa rin siya makuha-kuha ng mga ito. Pero ikaw...wala pa yatang isang minuto ay nakuha mo agad ang loob niya," saad ko sa kanya. Siguro nga na-miss lang nito ang kanyang ama kaya naghahanap ng daddy figure sa iba. Kinandong niya si Markiana na madalas siyang tinitingala para matingnan siya nito at yumuyuko naman si Rexus. Nag-iingay ito na para bang kinakausap siya nito. Iyong cute niyang lips na tumutulis dahil sa pagnguso. "You are so beautiful, Markian

