CHAPTER 42

1787 Words
Chapter 42: Ghosted & new dada "REA baby. Sounds good, right? Ganoon din naman ang tawag ko sa fiancé ni Kuya Markus, Kuya. Theza baby. You won't mind, 'no Rea baby?" Hindi ko alam kung nang-aasar lang ba sa kanya ang kapatid niya or what pero nakatutuwa silang panoorin dahil sa inaasal ngayon sa kanya ng nakababatang kapatid. Halatang pilyo ito at hindi takot sa kanya. What about the other brothers? Katulad din ba kaya ang mga ito kay Engineer Miko? Kasi ang isang ito ay tanggap niya agad ang anak namin ni Markin. "Yes," sabi ko at marahas na binalingan ako ni Markin. He doesn't like the idea. But his little brother... Ang cute nga niyang tingnan. Nagkibit-balikat ako sa kanya dahil sumimangot na naman siya. At dahil magkatabi lang kaming nakaupo ay nagawa niya akong akbayan. He rested his chin on my shoulder. Dumikit tuloy ang tungki ng ilong niya sa aking pisngi at marahan na igagalaw iyon kaya nakikiliti ako. "Nagpapalambing ka rin sa akin, Engineer Markin?" nakangising tanong ko sa kanya. "Opo," masunuring sagot niya. Hinagod ko ang likuran niya. "Para kang bata. Mas bata kaysa kay Markiana," nang-aasar na sabi ko. "What are your plans, Kuya?" his brother asked him. "Plan for what?" "About Markiana and Rea baby." "Miko, mas magandang pakinggan kung Ate Rea na lang ang itatawag mo sa kanya. She's your soon to be sister-in-law," suggestion pa niya. Sister-in-law daw pero nanliligaw pa lamang siya. Ang yabang talaga "Ate Rea? Kuya, you've got to kidding me. Markiana's Mommy ganda looks so young... How old are you, by the way, Rea baby?" Ayaw niya talaga akong tawagin na ate. "Twenty four," I replied and his eyes widened in shock. "Your birthday?" he asked me. "March 17," I replied at bumagsak ang balikat niya. "November 28 ang birthday ko! So, mas matanda ka kaysa sa akin ng ilang buwan," parang bigong-bigo na sambit niya at matunog na ngumisi ang katabi ko. "That's good. So, you know your limitation," Markin muttered. "Whatever, Kuya." Buong araw lang nakipaglaro si Engineer Miko sa kanyang pamangkin at halos hindi na ito binitawan pa. Maski si Markin ay nagrereklamo na dahil hindi siya nabigyan ng pagkakataon na makuha ang anak niya mula sa kapatid. Nagseselos ang daddy ni Markiana, dahil naging close raw ito agad kahit na hindi naman nakaiintindi ang bata sa pinagsasabi ng tito niya pero tutok na tutok ang atensyon niya rito. Kaya nasisiyahan sa kanya ang kapatid ng daddy niya. Sabay silang nagpaalam sa amin after that and somehow unti-unti na nawawala ang doubt ko kay Markin. Dahil ipinakita niya talaga sa amin na sincere siya sa mga ipinapakita niya sa amin. Pero ang akala ko ay hindi na naman magsisimula ang doubt ko. Unexpectedly ay bigla siyang nawala. Walang paramdam sa amin ng halos dalawang linggo. Maski si Engineer Miko ay hindi na rin bumisita pa. Nag-aalala ako para kay Markin. Dati naman noong bago pa lang ay halos hindi na umuuwi sa condo niya para lamang makasama kami. Pero ngayon? Ni hindi ko mahagilap ang anino niya. I tried to call him too. Naka-on naman ang phone niya pero palaging busy ang linya. Ilang message na rin ang ipinadala ko sa kanya pero ni isa sa mga iyon ay wala siyang na-reply. Then suddenly, reality hits me. He totally ghosted us... Wala ngang rason para pagdudahan ang pagkatao ng engineer. Malapit siya sa aming anak at ramdam na ramdam ng kaibuturan ko na mahal na mahal niya si Markiana. Nararamdaman ko rin ang feelings niya towards me. Kahit nga sa simpleng bagay ay pinagseselosan niya. Ang pag-uugali niya, kahit pilyo ay napaka-gentleman pa rin niyang lalaki. Maalalahanin, iyong tipong minu-minuto ay tinatawagan ako para lamang kamustahin kaming mag-ina. And I planned to say 'yes' to him but how? How can I answer him, when he ghosted me and our daughter. Hindi mahirap ang magkagusto rin sa kanya. Dahil first meeting pa lang namin ay may crush na ako agad sa kanya. Kahit hindi naman siya nakatingin sa akin ng mga oras na iyon. Kahit na nasa iisang babae lang nakatutok ang kanyang atensyon. Kaya habang tumatagal na palagi ko siyang kasama...ay hindi ko maiwasan ang mahulog sa kanya. Kahit na...masyado pang maaga para sa bagay na iyon. Sa dalawang linggo na wala si Markin ay nakikita ko ang pagtamlay ng aking anak. Palagi siyang tumitingin sa paligid niya at madalas binibigkas ang salitang 'dada'. Ang bata pa niya pero marunong nang maghanap ng ama. Kapag nilalaro ko naman siya ay bumabalik naman ang sigla niya. "Kasama niya kaya si Leighton sa mga oras na ito?" bigla ay naitanong ko sa aking sarili. Sa naisip na posibleng si Leighton na naman ang dahilan kung bakit wala siya rito ay hindi ko na naman maiwasan ang masaktan. Kasi parang mas inuuna niya ang ibang tao kaysa sa sariling niyang anak na naghihintay sa kanya. Kahit wala pa itong kamuwang-muwang sa mundo. Siguro masyado lang siya busy sa trabaho niya? Kaya kung iyon man ang dahilan ay maiintindihan ko naman. But I'm just worried about him, even though there's no need to feel about that. Marami siyang kapatid at pinsan. Kahit wala ang presensiya ni Engineer Markin ay tuloy-tuloy na rin ang career ko. Nakakausap ko na ang dalawang babae tungkol sa mga painting ko at unang display lang daw ito ay sold-out agad. Hindi ko alam kung paano nangyari pero iyon ang ibinalita nila sa akin. Kaya nakatanggap ako agad ng payment and prize for that. Sobrang saya ko dahil unti-unti na akong nakikilala at pinag-iisipan ko pa ang exhibit next year. Kailangan kong pumunta sa main studio nila. "Dadalawin ba natin si Daddy, love?" malambing na tanong ko sa baby ko. "Worried lang si Mommy at alam kong hinahanap mo na siya. Pero ayos lang ba kaya na bumisita tayo sa kanya?" tanong ko pa. Wala naman akong makukuhang sagot mula sa kanya dahil inosente lang siyang nakatingin sa akin. I kissed her nose and she made a sound again. "Miss mo na si Daddy engineer? Dadalawin ba natin siya sa working place niya? But what if hindi naman tayo welcome doon? Pareho tayong uuwi na bigong-bigo at ikaw naman ay baka umiyak." I smiled at her when she sucked her finger. How cute, baby na baby pa talaga siya. "Milk ka na? Hungry ka ulit?" I asked her. Kinuha ko lang ang baby bottle niya. Nakarinig ako ng mga yabag sa labas ng opisina ko. Tinapunan ko ng tingin ang pintuan at hanggang sa may kumatok dito. "Pasok," sabi ko at bumukas naman ang pintuan. Si Nole ang kumatok. "May bisita po kayo, Ma'am Rea," magalang na sabi nito sa akin. Hindi na ako nagtataka pa kung marami ng bumibisita sa studio ko pero nakakapanibago pa rin naman. "Sige, lalabas na kami," nakangiting sabi ko sa kanya. Hindi pa rin nila nakukuha ang loob ni Markiana dahil kahit sinusubukan nila na kunin ito ay umiiyak agad. Nagtatago sa leeg ko. Natatakot pa ito sa presensiya nilang tatlo. Si Rexus ang naabutan ko na abala sa pagtingin sa paligid niya. Nakaupo siya sa sofa habang magkasiklop ang dalawang palad. Napatayo siya nang makita kami. Bumaba ang tingin niya sa baby ko. Nginitian pa niya ito pero mabilis na tumingin sa ibang direksyon ang anak ko at ang likuran ko na lamang siya nakatutok. Humigpit pa ang pagyakap ng braso niya sa leeg ko. "Hi," pagbati niya sa akin. "Napadalaw ka?" Nag-aalangan man na kausapin siya kasi baka may sasabihin na naman siyang hindi maganda tungkol kay Markin. Wala naman akong kinakampihan sa kanila. Saka ayoko namang maging rude sa kanya. Na isa pa matagal na panahon ko rin siyang nakasama, bilang kaibigan. Sa may center table ay may bouquet and basket of fresh fruits doon na nakalagay at nang mapansin niya ang tingin ko roon ay kinuha niya ang bulaklak. "I brought this for you and for your baby, Rea." "But you don't need to do this, Rexus. Nag-abala ka pa," sabi ko na ikinailing niya. "This is my way to apologize what I have told you... I just realized na pinapakialaman ko na pala ang buhay mo...sa mga taong gusto mong makilala at sa ama pa ng anak mo. I'm so sorry for my behavior, Rea," sambit niya. Noon pa man ay wala ng ipinakita na masamang motibo si Rexus kaya naging matalik na kaibigan ko siya. Nawala lang ang relasyon na iyon dahil kay Annaliza. Pero naiintindihan ko naman kung ang babaeng iyon ang pinili niya. Dahil sino ba naman ako, 'di ba? Kaibigan niya lang ako at mahal niya si Annaliza, ito ang girlfriend niya. Kaya natural na hindi ako ang pipiliin niya. Hindi ko naman iyon hiniling. "Wala naman na iyon sa akin, Rexus. Alam kong nag-aalala ka lang talaga sa akin," sabi ko at sinenyasan ko ulit siya na umupo. Tinanggap ko naman na ulit si Rexus. Siya ang nagkusang ibalik ang pagkakaibigan namin at hindi ko naman iyon ipagkakait sa kanya. "Thank you, Rea," he uttered at kinuha ko mula sa kanya ang bulaklak. "Salamat dito. Raf..." tawag ko sa tauhan ni Markin na mabilis namang lumapit sa amin. Si Rafida iyon pero Raf na ang tawag ko sa kanya. "Ano po iyon, Ma'am Rea?" "Pakilagay po ito sa vase at dalhin sa loob ng office ko." Kinuha naman niya iyon sa akin at tumango lang din saka niya kami iniwan dito. "May gusto ka bang inumin, Rex?" tanong ko sa kanya. Matamis na ngumiti siya sa akin ng marinig ang tinawag ko sa kanya. Rex, simula pa pagkabata ay iyan na tawag ko sa kanya at ngayon niya lang ulit ito maririnig. "I missed that nickname. But I'm fine, Rea," he said. Inayos ko ang pagkakaupo ni Markiana sa hita ko at pilit na pinapatingin ko siya sa side ni Rexus. "Love, he's harmless naman. Come on, look at him. He's Mama's friend. Siya si Tito Rexus, engineer din siya just like your dada. Markiana, love..." Hayan na naman ang puppy eyes niya. I glanced at Rexus, may aliw sa mga mata niya habang nakangiting pinapanood niya kami. "Nangingilala pa siya, Rex, eh," I told him. He nodded his head at inilahad ang kamay niya para makuha si Markiana. Tiningnan lang iyon ng baby ko pero nagtagal naman ang titig niya sa Tito Rex niya. Hanggang sa kusang nagpapakuha na siya rito sabay bigkas ng mga katagang ito... "Dada..." Hala ka, Engineer Markin. Nakakita lang ng bagong engineer at nagpakuha na siya. Tinawag pa niyang dada, na bukod kay Miko ay may bago na naman siyang tinatawag na dada. Ano kaya ang magiging reaksyon mo? Lalo na mukhang pagseselosan mo na naman si Rexus.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD