CHAPTER 41

2308 Words
Chapter 41: Markiana first feeding & Meeting Uncle Miko SINAMAHAN ako ngayong araw ni Markin para ipa-check up si Markiana before ang first feeding niya at nang sabihin iyon ng doctor na kahit hindi na umabot pa ng six month ay puwede na raw kumain ang baby namin. Malapit naman na ang six month. Lalo na ikinuwento ko na rin na hindi na masyadong nabubusog ang bata kung hindi tatagal ng isang oras. Nagiging matakaw na kasi. Kaya dumaan kami kanina sa baby store para bumili ng Cerelac, banana flavor. Ayon din sa suggestion sa amin ng doctor. Cerelac na muna raw ang ipapain namin sa baby Markiana namin at biscuit naman para sa mga bata. Maraming box pa ang binili ni Markin kung hindi ko lang siya pinigilan na huwag nang bumili pa ng marami. Lahat ng mahahalagang niya ay diretso agad sa cart kaya ibinabalik ko rin iyon. Bibili naman na kami ang mauubusan ito. Tatlong beses sa isang araw naman itong kakain. Umuwi kami agad sa studio at excited pa kaming pakainin ang baby. Ako ang nagtimpla ng Cerelac niya. Bagong spoon and plate rin ang gamit ng anak namin, pati ang mini baso niya. Kaya nang makita ang colorful na mga gamit niya ay tuwang-tuwa na naman siya, akala niya siguro ay mga laruan iyon. Nakaupo sa lap ko ngayon si Markiana habang hawak na ng daddy niya ang plato. Siya raw ang gustong magpakain sa baby niya. Hindi ko naman ipagkakait sa kanya ito, dahil gusto ko rin na maging una siya sa lahat pagdating sa aming anak. Hindi puwedeng ako na lang palagi. "Dada..." "Ngayon ka na kakain, love," malambing na sabi niya. Yumuko pa siya para lang halikan ang matambok nitong pisngi. May tunog pa na ikinabungisngis na naman ng sutil na baby. Dahan-dahan na umangat pataas ang kamay niya at kitang-kita ko pa ang panginginig nito. "Pasmado ka, ah. Nanginginig ang kamay mo," ani ko sa kanya. Tumango siya na tila sang-ayon pa siya sa sinabi ko sa kanya. "First time," sabi niya. "Wala namang masamang mangyayari sa anak mo, ah. Kakain lang siya ng cerelac," ani ko pa. "Of course, unang beses ko ito na magpapakain sa kanya, kulot..." I just shrugged my shoulder. "Say ah, baby..." sabi niya rito at inosenteng napatingin naman sa kanya ang amin baby. Lumipat iyon sa maliit na spoon niya na nakatapat na sa kanyang bibig. "Eat ka na, love..." malambing na sabi ko sa kanya at hinalikan ang tuktok ng ulo niya. Ang bango-bango talaga ng baby ko. Mas inilapit pa ng daddy niya ang spoon sa bibig niya kaya binuka niya iyon. Saglit na napatigil pa siya at nang gumalaw na ang maliit niyang mga labi ay siya na mismo ang humawak sa kutsara niya. Natawa kami ni Markin dahil sa inasal niya. Mukhang napagtanto na niya kung gaano kasarap at katamis ang kakainin niya. "Dahan-dahan ka lang kakain, love. Huwag mong biglain ang little tummy mo," Markin told to our daughter. Nagustuhan ni Markiana ang Cerelac kaya hindi na nahirapan pa ang daddy niyang engineer na pakainin siya dahil hindi pa man nauubos ang pagkain sa bibig niya ay tinatawag na niya ang dada niya, habang matulis ang nguso niya. "Don't grow too fast, anak ko... Palakihin na muna natin ang tummy ni Mommy. Unahin muna natin." "Markin!" suway ko sa kanya. Inabot ko ang tainga niya at piningot ito. Humalakhak lang siya. "Bakit ba atat na atat kang sundan si Markiana? Hindi pa kita sinasagot, ah? Saka baby pa ang anak mo," wika ko sa kanya. "I just want a baby boy. Tapos magiging kamukha ko na naman siya." Binitawan ko ang tainga niya at malakas na binatukan ko siya. Napakapilyo niya talaga! Naramdaman ko ang pagbaling ni Markiana sa akin kaya ng bumaba rin ang tingin ko sa kanya ay kitang-kita ko ang pamumula ng kilay at mga mata niya. Paiyak na naman siya. "Hindi ko inaaway ang dada mo, love," malambing na sabi ko sa kanya. Mas lumakas ang tawa ng engineer habang pinagmamasdan niya kami. "My little Brilliantes, favoritism nga siya," he muttered. Halos kalahating oras naming pinakain si baby Markiana. Paano ba naman kasi nagkukulitan silang mag-ama. Tapos madalas na agawin sa kanya ang spoon niyo na tila ba siya na ang kakain na mag-isa. Naalala ko ang sinabi ni Rexus, kaya palihim kong pinagmamasdan si Markin. Nakikita ko sa mga mata niya ang kasiyahan at pagmamahal para sa aming anak. Kaya may doubt na rin ako kung kaya niya ba'ng saktan ang kanyang anak. Kung sa akin din naman... Kung darating ang araw na magagawa niya akong saktan... Magiging ayos din sa akin. Dahil alam ko naman na may mga pagkakataon talaga na masasaktan ako lalo na kung papasok na ako sa commitment. Hindi sa lahat ng bagay ay masaya ako sa buhay na mayroon ako. Ang masaktan, alam ko na normal na iyon at parte na ng ating buhay. Siguro ang gagawin ko na lamang ay ang maghanda... I can endure the pain, for now. *** "Gaano kalalim ang pagkagusto mo sa akin?" tanong ko kay Markin. Nasa loob kami ng painting room ko. Nakasuot ako ng black handgloves and apron ko. May hawak pa akong paint brush dahil kasalukuyan akong nagpipinta ng new subject ko. At ang magkamukhang mag-ama na ito ay pumasok talaga sa loob para lamang panoorin ako. Kahit distracted ako sa presensiya nilang dalawa ay nagagawa ko pa ring tapusin ang pinipinta ko. Nag-day off din sa work niya ang engineer. Kahit hindi naman na kailangan pa. See? Mas inuuna nga niya si Markiana. "Why did you ask me that, baby? Hindi pa ba enough sa `yo ang pagbibigay ko ng assurance? Tungkol na naman ba ito sa sinabi ni Rexus?" seryosong tanong niya. Sinulyapan ko silang dalawa. Naka-side view naman ako sa kanila. "Dahil nakagugulat na naman kasi ang bilis mong matanggap si Markiana--" "Because she's my daughter," he cut me off. "And she's a girl... God knows..." I said. "I will protect her no matter what, Rea. I'm her father and it's my responsibility to take care and protect her, even you," mariin na sabi niya sa akin. Tumayo siya at ibinaba niya si Markiana sa crib nito. Hindi naman umiyak ang bata kahit gustong-gusto pa niya na nasa bisig lang siya ng daddy niya. Humakbang siya palapit sa akin at nagsimula na namang tumaas ang balahibo ko sa katawan nang maingat niyang hinawakan ang siko ko para alalayan akong makatayo. Mabilis din siyang yumakap sa baywang ko at ang isang kamay niya ay sinakop na naman ang pisngi ko. "Kung darating man ang araw na masasaktan kita, Rea... Puwede mo akong gantihan. Puwede mo rin akong saktan, baby... Pero huwag lang ang iwan niyo ako ng anak natin. Huwag mo lang gagawin na lumayo kayo mula sa akin," nangungusap na sabi niya. Parang natutunaw ng yelo ang puso ko. Nakikita ko ang sensiridad sa boses niya at ang emosyon sa mga mata niya. "Hindi ko kakayanin iyon, Rea... Hindi ko kakayanin na hindi ko na kayo makikita pa ni Markiana... Kaya kung masasaktan man kita, kahit bigyan mo pa ako ng parusa ay tatanggapin ko pa rin," dagdag pang sabi niya. Marahan na hinapit ako palapit sa katawan niya at mahigpit na niyakap. Naramdaman ko ang labi niya sa gilid ng sentido ko. "Gustong-gusto kita... I didn't feel this towards Leighton but you... Only you, baby..." Kulang na lang ay sabihin niya sa akin na mahal niya ako. "Iyong damit mo," untag ko sa kanya. Kahit huli na para balaan ko siya dahil may nakadikit na sa damit niyang dumi. Humiwalay naman siya sa akin. "Ayos lang," aniya at tinanggal niya lang ang coat niya. Naiwan ang puting longsleeves niya. *** Ang akala ko ay hindi ngayong araw dadalaw ang kapatid ni Markin. Kaya nagulat ako nang paglabas niya lang at nang bumalik ay may kamukha na siyang kasama. May dala pa itong malaking teddy bear at bouquet of roses. Kinabahan na naman ako sa presensiya ng bagong tito na makikilala namin ngayon ng aking anak. Muntik ng malaglag ang panga ko sa floor nang makita ko ito. Naka-office attire din siya at pormal na pormal ang poise niya. Matangkad din ito at malaki ang pangangatawan. Guwapo rin pero hindi katulad ni Engineer Markus, ay kakaiba ang dating ng isang ito. Ang kuya nila kasi ay makikitaan na bihira lamang kung ngumiti at palaging seryoso, wala ring emosyon. Unlike this one, ang light ng aura niya at mukhang happy-go-lucky dahil hindi pa man sila nakalalapit sa amin ay malapad na agad ang ngiti niya. "Where is she, Kuya?" narinig kong tanong nito sa nakatatandang kapatid. Nasa boses pa ang kasiyahan at excited na makilala nito ang kanyang pamangkin. "Excited, much?" nang-aasar na tanong pa sa kanya ng kuya niya. Nag-ingay agad sa bisig ko si Markiana nang makita ang bagong bisita niya. Nang mahagip kami ng tingin nito ay nanlaki pa ang kanyang mga mata. "Wow!" bulalas nito habang nakatingin sa akin, palipat-lipat na iyon sa amin ng baby ko. Inunahan niya sa paglapit sa amin ang nakatatandang kapatid niya at ibinigay pa rito ang dala niyang pasalubong. "Siya na ba iyon, Kuya? Siya na ba si Mommy ganda?!" tanong nito na makikitaan ng pagkamangha. Salubong ang kilay ni Markin at mukhang hindi pa nagustuhan ang sinabi ng nakababatang kapatid o tamanang sabihin na ang pagtawag nito sa akin. "Shut up, Miko," supladong sabi nito. "Hi," bati niya sa amin and he seems friendly. Ang tamis ng pagkakangiti niya at mukhang siya rin ang naiiba sa mga kapatid ni Markin. Madaling pakisamahan ang isang ito. "Hello," I greeted him back with a smile na mabilis ikinahawak niya sa dibdib. I don't know why... "Kuya Markin is right, you're so maganda nga. I'm Engineer Miko S. Brilliantes, the youngest brother of the clan," pakilala niya sa akin. "What is youngest brother? There is Mikael, Miko," his older brother told him. Ibinaba nito sa may sofa ang dala ng kanyang kapatid. "Oh, Kuya. You know nothing. So, shut up," makahulugang sabi lang ni Miko, or rather Engineer Miko. Hindi ko siya puwedeng tawagin na Miko lang na. We're not even close pa na tawagin ko siya in first name basis. Lahat naman sila sa pamilya nila ay puro engineer. Kaya hindi na nakapagtataka na mayaman nga ang Brilliantes clan at may malaking firm ang ipinapatakbo nila. "Pamangkin ko na ba ito?" excited pang tanong niya sa akin. I glanced at Markin, nahuli ko naman siyang nakatingin sa akin at tumango lang siya. Ibinalik ko ang tingin kay Engineer Miko na naghihintay pa rin sa isasagot ko sa kanya. "Yeah, she's Markiana Reyan," bigkas ko sa pangalan ng pamangkin niya. "Markiana Reyan... Wow... She's really beautiful and looks innocent. Can I?" He spread his arms para sana buhatin nga si Markiana. Ngumiti ako sa kanya at tumango. Maingat na inilipat ko sa kanya ang kanyang pamangkin. Mahinang napasinghap ako ng makita ang pagtulo ng luha nito sa kaliwang mata nito. I was amazed... "Hi, Markiana Reyan. I'm your father's brother, your Uncle Miko. I'm handsome among them, right? I'm glad to meet you and happy to have you as my niece." Napangiti ako nang kausapin niya ito sa maliit na boses. Gamit naman ang malaya niyang kamay ay hinawakan niya ang maliit nitong palad at marahan na iginalaw pa iyon na para bang nakikipag-handshake rin siya sa bata. "Nag-meet na tayo noon sa hospital and you were crying, honey. You're so cute little champ." Patuloy pa rin niya itong kinakausap at inosente lang din talaga siyang tinitigan nito. Paminsan-minsan ay nakikita ko ang maliit na pagkunot sa kanyang noo. Saglit na sinulyapan pa niya ako. Mukhang nalilito siya at kinikilala pa niya ang engineer na buhat-buhat siya ngayon. "It's okay, love. It's your Uncle Miko. No worries," I told her. Binitawan din naman ng tito niya ang kanyang kamay at inabot naman niya ang pisngi nito. "Dada? Dadadada..." Aliw na aliw tuloy sa kanya ang kapatid ng daddy niya nang tawagin niya itong dada. "She can uttered 'dada' words... Imagine, she's just five months old? Kay Uncle Miko ka nga nagmana, love. Matalinong bata," ani Miko. Nawala ang ngiti sa labi ko. Dahil hindi lang ang kuya niya ang nanggagaya sa pagtawag ko sa baby ko. Maging ang tito ni Markiana ay nakiki-love din. "It's Markiana, Miko. Don't call her, love. Kami lang ang tumatawag no'n sa kanya," nagsusungit na sabat ng isa. Ngumisi lang din ito sa kanya at nakipagtitigan na naman sa bata. Idinikit pa niya ang noo niya kay baby Markiana. Mabuti na lamang ay hindi ito umiyak sa kanya. "Miko, don't kiss my daughter on her lips!" Dumagundong sa loob ng studio ko ang malakas na boses niya. Lalapit pa sana siya nang mabilis ko siyang pinigilan. Hinawakan ko ang braso niya at may guhit na naman sa kanyang noo. "Hayaan mo na. Parang bata ang kapatid mo, eh. Tuwang-tuwa na makita ang pamangkin niya at ganoon din yata ang anak mo, oh. Dinidikitan na niya ng laway niya ang pisngi ng tito niya," sabi ko sa kanya. Sumimangot lang siya. Umupo sa mahabang sofa ang mag-tito at inabot pa nito ang dala niyang malaking teddy bear na mas malaki pa talaga sa pagbibigyan niya. "I bought this for you, love... Did you like it?" nag-angat pa ito ng tingin sa kanya bago hinawakan ang stuff toy. "Dadadadadada..." Engineer Miko laughed so hard. "Love lotus, ako lang ang dada mo. Tito mo lang siya, tito..." malambing na paalala pa ni Markin sa kanyang anak. "Hmm, dadadada?" Ang kulit. "And by the way, para sa `yo ang roses na `yan, Miss?" "Rea Suwaib," bigkas ko sa aking pangalan. "Rea, what a simple name. Para humaba naman, you don't mind if I call you Rea baby?" "Miko!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD