CHAPTER 40

2067 Words
Chapter 40: Meeting the art collector Buong araw ay hindi humiwalay sa akin si Markiana. Ni ayaw niyang bitawan ko siya at maski sa crib niya ay hindi ko siya mailagay roon. Kung ano-ano'ng mga laruan na rin ang ibinigay ko sa kanya pero ayaw niya pa rin bumitaw. Alam kong masasanay rin naman siya kalaunan. Hindi pa naman sa ngayon, but soon... `Saktong 4PM na ng may iilan na mga tao ang pumasok sa studio ko. Ang isa roon ay pamilyar na sa akin at natatandaan ko pa ang pangalan niya. Dahil noong isang araw lang naman siya nagpunta rito. "Mae Amor..." "I'm glad na natatandaan mo pa ako, honey. The one and only Mae Amor, and by the way this is my friend, Abegail Hona. She's an art collector and she's interested in your artwork..." Art collector.. Dumako ang tingin ko sa kasama niya. Ang tinutukoy niya na kaibigan niya na art collector. She wore her light pink longsleeve na pinatungan ng white coat niya and a pair of pink slacks. Short hair, na hindi rin umabot sa balikat niya pero bumagay iyon sa kanya. Maganda ang eyes niya na tila kumikislap pa, matangos ang may kaliitan niyang ilong. Hindi ako sure kung natural na may pagka-pinkish ba ang lips niya. Dude, she's beautiful too na hindi yata nag-effort na maglagay ng kung ano-ano'ng make-up sa mukha niya. "Abegail Hona. I love your artwork, by the way," she said at naglahad siya ng kamay sa akin. Ang lambing ng boses niya pero parang ang lalim din. Hindi naman siya mukhang lesbian, ah... Sa sobrang ganda niya ay sayang lang kung pusong lalaki pala siya... Sayang ang lahi nila kung nagkataon. Inilipat ko sa kaliwang bisig ko ang baby ko at inabot ang kamay niya pero mabilis lang iyon ay bumitaw na kami sa isa't isa. "Rea Suwaib," I uttered my name. "Ms. Rea, is she your daughter?" Mae Amor asked me. I nodded my head. "Markiana Reyan," bigkas ko naman sa pangalan ni Markiana na malayo na naman ang kanyang tingin. "They are my staffs," sabi ni Ms. Abegail nang mapansin ang pagsulyap ko sa mga taong kasabay nilang pumasok. "Actually, last week pa kami rito pero nakita namin na close pala iyong studio mo that's why we decided na bumalik na lamang sa ibang araw..." Mae Amor reasoned out. "Let's have a sit first," pag-aaya ko sa kanila at itinuro ko ang sofa. Tumango silang dalawa at nauna nang naglakad doon. Kahit baguhan pa lamang ang tatlo ay parang pamilyar na agad sa kanila ang pasikot-sikot nitong studio ko kahit hindi naman ito kalakihan. Pina-tour ko na kasi sila, eh. "Puwede niyo ba kaming ipaghanda ng maiinom, Rafida? Umakyat ka sa second floor at may kitchen ako roon," sabi ko sa kanya. "Sige po, Ma'am," magalang na pagsang-ayon niya. "Iyong mga kasama niyo?" tanong ko sa dalawang magandang babae at bahagya kong tiningnan ang anim nilang kasamahan. Dalawa lang ang nakita kong lalaki. May mga naka-display na ulit na paintings kaya iyon ang pinagkaabahalan nila, na pinagmamasdan ng mga ito. "Don't bother, Ms. Rea," sabi naman ni Mae Amor at sinuklay pa ng mga daliri niya ang blonde niyang hair. "You have a daughter? But I didn't see any ring in your finger. So, I assume na hindi ka pa married," mausisa na sabi ni Abegail Hona. Tahimik lang na ngumingiti si Mae Amor at ang tingin niya na kay baby Markiana. Pilit na kinukuha niya ang atensyon nito na halos pumasok na sa loob ng blouse ko ang mukha ng baby ko, humigpit pa nga ang paghawak niya sa damit ko. Mukhang nahihiya siya pero parang hindi naman siya takot. Nararamdaman niya siguro na may nanonood sa kanya. "She's familiar... I mean, her looks... I have this feeling na may kamukha siya na na-meet ko na... somewhere I guess..." sabi niya. Hindi naman ako kinabahan doon dahil alam kong hindi rin siya sure kung sino nga ba ang kamukha ni Markiana. Pero baka ang Brilliantes clan na iyon. "Of course, Mae. You're a sculpture artist kaya magiging familiar na sa `yo ang face ng mga tao," natatawang sabi ni Ms. Abegail. Mukhang friendly ang isang ito at palaging naka-smile na hindi katulad ni Ms. Mae Amor. Palaging expressionless. "Sculpture artist?" pag-uulit ko sa sinabi nito kanina. "It's just a face or half, uhm... Puwede rin buong, you know. You know the statue art? That's her work," paliwanag sa akin ni Ms. Abegail. Kaya naman pala mahilig din siya sa art dahil iyon pala ang ginagawa niya at trabaho niya. "How about you, Ms. Abegail?" I asked her. "I'm a doctor..." she said. Kaya naman pala naka-white coat siya. Hindi halatang doctor siya. "But I'm not dealing with the wounds or something operations." "Siya iyong doctor ng mga... plastic surgery." Napatango-tango na lang ako. Hala, parang may connection kaming tatlo... "Anyway, we have an offer for you, Ms. Rea. Isa kami sa owner ng Dark Museum sa Switzerland and madalas kaming nagkakaroon ng exhibit and sometimes, bidding. If you are interested to work with us..." Ms. Abegail said. Nalula naman ako. Alam ko ang Museum na iyon. Iyon na ang pinakamalaking museum sa Switzerland, pero alam kong may sister studio pa ang mga iyon. Hindi ko inaasahan na makikilala ko pa sa personal ang may-ari nito. Hindi ko pinangarap na makapunta sa Dark Museum o magtrabaho rin sa kanila pero nakagugulat and nakaka-excite rin at the same time dahil may offer agad sila sa akin. "That's..." "No pressure, honey. You have time to decide, we're not forcing you naman," saad ni Ms. Mae Amor at umiling pa siya sa amin. Napaisip naman ako sa offer nila. Kung tatanggapin ko... Sasama ba ako sa kanila sa Switzerland o hindi na? "Pero sa Switzerland kayo naka-base?" I asked them. "Once in a month lang kami pumupunta rito and yes... Pero kahit hindi ka na sasama sa amin. We have staff to deliver your paintings sa Dark Museum. Kung exhibit lang ay required din na dapat present ka or it's up to you kung magpapakilala ka kaagad." Hindi na ako nagdalawang isip na tanggapin ang inaalok nilang offer para sa akin kaya nang hapon din iyon ay agad naming napag-usapan ang lahat-lahat. Masaya ako dahil may nakakilala na naman sa akin na isa pang art collector at mukhang...umuusad na nga ang buhay ko, ang buhay namin ni Markiana. "Ikaw talaga ang lucky charm ko, love..." sabi ko sa baby ko at hinalikan ko ang magkabilang pisngi niya. Ibinalita ko agad ang good news sa pamilya ko kaya tuwang-tuwa sila at masaya na dahil sigurado na raw na makikilala na ako ng lahat at hindi na ako magiging underrated artist pa. Dumating nang 7PM si Markin at ang mga tauhan niya ay matutulog sa kabilang kuwarto. Mabuti na lamang ay may extra room pa ako kaya ipagkakasya na lamang daw nila ang mga sarili nila roon. Ayaw naman nilang umuwi, dahil mananatili rin sila rito sa amin ni Markiana. Iyon daw ang gusto ng engineer nila. May bouquet of roses siyang dala at sa kabilang kamay naman niya ay ang malaking manika. Halatang sa anak niya ibibigay ito. "Hi, good evening," bati niya sa akin at mabilis na hinalikan ang pisngi ko. Ibinigay niya sa akin ang bulaklak na agad ko namang kinuha. Nag-init na naman ang magkabilang pisngi ko. Hayan na naman ang mabilis na pintig ng puso ni self. "Salamat," sabi ko na ikinalapad ng ngiti niya. "Ang matamis mong oo, baby. Don't forget that," nakangising sabi pa niya. Inirapan ko siya at saka siya sumampa sa kama. Nakahiga na roon si Markiana at tapos ko na rin itong pinalitan ng damit niya. "Good evening din sa `yo, love..." malambing na sabi niya. Ibinaba pa niya ang hawak niyang manika at maingat na binuhat ito. Nag-ingay agad sa bisig niya ang baby. "Dada..." Umupo sa may gilid ang mag-ama at inabot nito ang binitawan niyang baby doll. "This is for you, love..." Inosenteng kinuha iyon ng anak namin at tiningnan pa ang mukha ng manika. Nakakuyom ang kamay nito sa buhok na sobrang higpit. Humiyaw ito at basta na lamang itinapon sa sahig. "Natakot yata ang baby," ani ko at paiyak na naman ito. "Sorry, love. Ayaw mo pala sa ganoon... Hindi sinasadya ni daddy..." pag-aalo niya rito at pahikbi-hikbi pa. Natawa ako sa reaksyon ng dalawa, sinulyapan pa ako ni Markin. "Pinagtatawanan mo ang baby natin, Rea?" hindi makapaniwalang tanong nito sa akin. "Ang cute niyang umiyak, eh. Kaya bukas... Sumama ka sa clinic para sa check up niya bukas," sabi ko at umupo sa tabi niya. Hinagod ko ang likod ng anak ko. "What happened? Bakit magpapa-check up si Markiana?" nagpa-panic na tanong nito sa akin at humigpit ang yakap niya rito. "Baka puwede na siyang kumain kahit hindi na aabot ng anim na buwan. Ang takaw-takaw na niya kasing mag-milk, eh at kahit halos isang oras pa iyon ay iiyakan niya dahil mukhang gutom pa siya," kuwento ko sa kanya. Tiningnan ako ni Markiana na may namumulang mga mata at butil na mga luha sa kanyang pisngi. Ngiti-ngiting pinunasan ko iyon at dumako ang tingin niya sa hawak kong bouquet. Tinuro niya iyon at sinundan pa ng pagtulis ng nguso. "You want this, love?" I asked her. Hindi nawala ang tingin niya roon kaya kumuha ako ng isang tangkay ng rosas at ibinigay iyon sa kanya. Tumahan na siya at may ngiti na sa labi. "Ah... Now daddy's know kung ano na ang pasalubong ko sa `yo, love... Mukhang nagustuhan niya ang rosas," sabi niya. "Yeah... and uhm..." nag-aalangan na sambit ko nang maalala ko ang dalawang babae kanina. Sina Mae Amor at Abegail Hona. "What is it, kulot?" "May nag-offer pala sa akin na art collector. Sa Switzerland--" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang magsalita na siya agad. "Aalis ka? Aalis kayo? Pupunta ka sa Switzerland?" sunod-sunod na tanong niya sa akin. Tumango ako kahit hindi naman kailangan na umalis ako ng bansa pero gusto kong makita ang magiging reaksyon niya. "Two years lang naman kami roon ni Markiana..." sabi ko pa at napakagat ako sa lower lip ko. Two years, iyon ang kontrata ko sa Dark Museum. Puwede rin naman siyang mag-renew "Iiwan niyo ako rito, Rea? Aalis ka ng hindi mo pa ako sinasagot? Ilalayo mo ba sa akin ang anak natin?" "Uhm..." Any moment ay matatawa na talaga ako. Para siyang namumutla na ano... Kulang na lang ay himatayin siya sa takot na maiwanan. "Rea..." "Dadalaw naman kami..." "Walang aalis!" biglang sigaw niya at doon ay hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Malakas na natawa ako. "Rea..." "Nagbibiro lamang ako. Masyado kang OA. Pero totoong may nag-offer sa akin..." Umigting ang panga niya sa sinabi ko. Parang gusto niyang magmura pero hindi niya lang magawa. "Takot kang maiwanan, Engineer Markin?" nakangising tanong ko sa kanya. Mariin na ipinikit pa niya ang kanyang mga mata. Parang sasakit ang tiyan ko sa kakatawa. "Gusto mo yatang maparusahan, Rea," nambabanta na sabi niya na kung bakit biglang tumaas ang dugo ko sa aking mukha at kinilabutan ako sa malamig na boses niya. "Humanda ka mamaya... Sigurado akong hindi ka na makakatawa pa." Naitikom ko na lamang ang bibig ko. Seryosong siya nang sabihin ang mga katagang iyon. "OA ka lang talaga," sabi ko pero tumaas ang sulok ng mga labi niya. "Love... Sisingilin ko na agad ng advance birthday gift ko ang Mommy mo at hindi ka pa makakapaglakad ay may baby brother ka na agad..." Baby brother... Ang kapal ng mukha. "Tumigil ka, Markin." "Hindi ako natuwa sa pagbibiro mo kanina, Rea..." Umikot ang eyeballs ko. Tila napapaso naman ako nang dumulas sa baywang ko ang kamay niya. "Congrats, baby... You deserve it... See... kaunting panahon na lang ay makikilala ka na ng lahat at parang... nagsisimula na akong kabahan..." My heart skip a beat when he said those damn words. Shet, kinilig ako roon, ah... "And Miko... He wanted to meet our daughter, nalaman na niya at hindi siya pabor na tinago mo raw si Markiana sa kasuotan ng mga lalaki." "Ano?" naguguluhan kong tanong sa kanya. "Dadalaw bukas si Miko... To finally meet his first niece..." sabi niya. Kinabahan ako dahil bukod sa kanya...ay may makakakilala na kay Markiana na isa pang kapatid ng Daddy niya. "Markin..." "Don't worry about him, baby... He won't tell..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD