Chapter 39: Nole, Rafida & Rose
"WHO ARE you?" tanong ko sa tatlong babae. Hindi ko sila kilala dahil ngayon ko lang naman sila nakita.
Umagang-umaga pa lang. 'Saktong magbubukas na rin kasi ako at sa may pintuan pa ako ay nakita ko na silang nakatayo na mukhang kanina pa naghihintay.
Hindi naman kasi halatang magiging client ko sila, hindi sa hinuhusgahan ko sila, ah. Simple lang naman kasi sila kung titingnan at nang makita ako ay pareho pa silang yumuko na para bang ako ang kanilang amo. Saka mukha naman silang mababait sa gaan ng aura nila.
"Good morning po, Ma'am Rea," sabay-sabay na bati rin nila sa akin kaya mas nagulo ang utak ko dahil sa pagbanggit nila sa pangalan ko. Aba, ngayon lang nila ako nakita ay alam na nila ang pangalan ko at alam na rin nila kung sino ba ang nagngangalang Rea.
"Tauhan po kami ni Engineer Markin at pinadala niya po kami rito para pagsilbihan kayo," magalang na sabi ng isa. Matangkad siya at morena ang kutis. May hitsura naman, matangos ang ilong niya.
Ang pangalawang babae naman ay maikli lang ang kanyang buhok, na hanggang balikat niya lamang. Namumula ang pisngi niya dahil siguro sa blush on nito? Ang pangatlo ay mas bata kaysa sa dalawa. Itim na itim ang buhok niya.
"Pagsilbihan?" pag-uulit ko sa sinabi niya. Hindi ko kasi naintindihan agad ang sinabi niya kanina. Ano'ng pagsisilbihan? And what again? Pinadala sila ni Markin dito? For what? "Ano'ng ibig niyong sabihin?" tanong ko pa.
"Babysitter po ang isa naming kasama, Ma'am Rea. Siya po ang mag-aalaga sa inyong anak at kami pong dalawa ang gagawa ng mga gawain niyo sa studio niyo at kung may gusto po kayong ipag-uutos ay nandito lamang po kami," sabi pa niya kaya ngayon ay na-gets ko na ang ibig nilang sabihin.
"Pero hindi ko kayo kailangan. Hindi ko kailangan ang tulong niyo," sabi ko lang. Sabihin na natin na nag-uumpisa pa lamang ako sa studio ko pero ano naman ang ipapasahod ko sa kanilang tatlo? Bakit kumuha ng katulong ang lalaking iyon?
At hindi ko naman kailangan ng katulong. Kaya kong pagsabayin ang trabaho ko at sa pag-aalaga sa baby ko.
"Kay Engineer Markin po kami sumasahod, Ma'am at hindi na niyo po kailangan na gawin iyon sa amin. Ang tulungan lang po kayo ang aming trabaho," paliwanag pa niya.
Sinenyasan ko sila na pumasok na sa loob. Ayoko naman na maging rude at walang galang kung paghihintayin ko sila sa labas nang hindi ko pa nakakausap si Markin tungkol dito and worst paalisin na sa lugar ko.
Pagpasok namin sa loob ay nilapitan ng isa ang anak ko. Nasa crib nito at nang makita na akmang may bubuhat sa kanya ay agad na umiyak ito.
Sa halip na mataranta ang babae dahil natakot sa kanya si Markiana ay ginawa niya ang lahat para patahanin ito. Kunot na kunot ang noo ko.
Tiningnan ko naman ang dalawa. Nagsisimula nang maglinis ang isa at iyong pangalawa ay isa-isa niyang idinesplay ang artworks ko. Parang alam na nila ang mga trabaho nila... Kahit wala pa akong sinasabi o inuutos.
"Mamamamamama..." Umalingawngaw sa loob ang boses niya habang lumalakas ang pag-iyak ni Markiana.
Ganito naman kasi ang aking anak. Hindi siya sanay sa ibang tao at kung ngayon niya lamang makikita ay talagang umiiyak ito. Matatakot sa hindi pamilyar na mukha.
I approached them at mabilis namang dumistansya ang babae sa crib para bigyan ako ng daan na makalapit sa baby na umiiyak.
Parang nabuhayan ng pag-asa ang Markiana ko nang makita niya ako. Pulang-pula ang manipis na magkabilang kilay niya at maging ang kanyang ilong din. Tumutulis ang nguso niya, na kumibot-kibot pa. Nabasa agad ng mga luha ang kanyang matambok na pisngi.
Aw, my baby...
"Mamamama..." Nginitian ko siya at agad na itinaas ang braso niya, senyales na magpapabuhat na siya sa akin. Para siyang nakahanap ng kakampi. Kinuha ko siya mula sa crib niya at mabilis na inalo.
"Pasensya na. Hindi kasi sanay ang anak ko na makakita ng hindi pamilyar na mukha. Mabilis siyang matakot, eh," paliwanag ko sa kanya.
"Sorry din po dahil umiyak po ang baby niyo dahil sa akin, Ma'am," hinging paumanhin niya rin sa akin.
Mahigpit na yumakap sa leeg ko ang braso ni Markiana at sinubsob ang mukha niya rito. Hinalikan ko ang braso niya. Takot na takot ang baby. Kahit buhat-buhat ko na siya ay maririnig pa rin ang mahihina niyang paghikbi. Ramdam ko rin ang mabilis na pagtibok ng puso niya.
"Tahan ka na, love. Nandito naman na si Mommy, si Mama... Wala namang aaway sa 'yong baby ka..." malambing na sabi ko sa kanya at hinaplos ko ang kanyang buhok.
Lumapit ako sa mahabang sofa na nasa loob pa rin ng studio ko. Nagpalagay rin kasi ako ng dalawang mahabang sofa at pang-isahan naman ang tatlo. Habang may center table rin siya.
Umupo ako roon at inabot ko ang phone ko sa table. Pinaupo ko sa lap ko si Markiana na wala pa yatang balak na bumitaw sa leeg ko.
"Love, tahan na... Wala namang umaway sa 'yo, 'no..." sabi ko rito. Isinandal ko ang ulo niya sa aking dibdib at pinunasan pa ang mga luha niya. I kissed her head, pinagpawisan agad siya.
Hinanap ko sa phonebook ko ang cellphone number ng daddy niya para matawagan ko at nang makausap na ito. It's already 8:12 in the morning at baka nasa work na siya ngayon.
Unang tawag pa lang ay wala ng sumasagot mula sa kabilang linya. Baka busy siya? Pero hinintay ko na muna, nagbabakasali na may sasagot ng tawag. But later on ay may sumagot naman na. Ako agad ang nagsalita at dire-diretso pa.
"Engineer Markin. Ipaliwanag mo nga sa akin ang pinadala mong tatlong babae rito sa studio ko. Hindi ko kailangan ng katulong," sabi ko agad.
Pagkatapos no'n ay wala naman akong narinig na nagsalita. Ang akala ko ay pinatayan niya ako ng tawag pero hindi. Naka-connect pa rin naman siya.
"Markin," seryoso at mariin na sambit ko sa pangalan niya, may pagbabanta pa sa boses ko. Makikinig lang ba siya sa akin? Hindi siya magsasalita?
"Hi, I'm Miko. He's not around. Kuya Markin send you a three maid just for you? That's new, by the way sino ang umiiyak na batang babae riyan?"
Binundol ako ng kaba sa dibdib nang hindi boses ni Markin ang narinig ko mula sa kabilang linya. Ibang boses, ibang tao... Sheems sino naman kaya ito? Sino'ng Miko ito?
"And who's Mommy ganda? Nakapangalan sa phonebook ni Kuya Markin, eh. Ikaw ba na kausap ko at this moment? Who are you, Miss?" tanong nito sa akin. Kahit boses niya lang ay halatang interesado siyang malaman kung sino ako.
Damn... Mommy ganda ang pangalan ko sa phone niya?! Wala ba siyang matinong mailalagay roon? Puwede naman na Rea lang...
Isa kaya sa mga kapatid ni Markin?
"What are you doing here, Miko?" Boses iyon ni Markin at nag-ingay na sa background nila.
"Kuya, sino si Mommy ganda? Sigurado naman ako na hindi ka maglalagay ng corny sa phone mo at hindi kay Mom. At ibang babae rin siya."
"That's my phone. Bakit hawak mo 'yan?"
"Yeah, and I'm talking to Mommy ganda right now. Are you still there, Mommy ganda?" tanong nito. Nasa boses niya ang pagkaaliw mang sabihin ang Mommy ganda. Parang nakikipagbiruan lang siya dahil sa himig ng boses niya. Tila nang-aasar talaga at kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong nakangisi siya ngayon.
"Shut up, Miko! Don't call her like that! Ibalik mo sa akin ang cellphone ko," maawtoridad na sabi ni Markin sa kapatid, siguro...
"Wait a minute, Kuya. I have something to know. This kid na umiiyak ngayon ay siya ba ang batang lalaki na dinala mo sa hospital kamakailan lang?" Sunod-sunod na yabag ang narinig ko at kalabog from the other line. Parang naghahabulan na yata sila. Iilan na mga gamit ang narinig kong bumagsak at ang pagbagsak din ng upuan.
Napansin ko ang dalawang pares ng baby ko na nakatingin sa akin at hindi na siya umiyak pa. Ngumiti ako sa kanya at hinalikan ko ang labi niya. Humaba na naman ang nguso niya. Inilagay ko sa loud speaker ang phone ko para marinig ng baby na sutil na tila nakikiusap sa akin na iparinig ko naman ang boses na kausap ko ngayon.
"Miko, isa!" malakas na sigaw ni Markin at doon lang natahimik ang kulabog pero ang malakas na tawa naman ng kapatid nito ang huli kong narinig.
"Rea?"
"Markin," I uttered his name.
"I'm sorry about that. Bakit napatawag ka? Nandiyan na ba ang mga tauhan ko na pinadala ko? You don't need to give them their salary, I will handle that and one of them ay babysitter ni Markiana," sabi niya na hindi man lang ako binigyan ng pagkakataon na magsalita rin. Dire-diretso pa.
"Dada?" singit ni Markiana sa pagitan nang pag-uusap namin ng daddy niya.
"Yes, love? I heard you. You were crying, anak? Bakit umiyak ang baby natin, Rea?" tanong na naman niya.
Inagaw ni Markiana ang cellphone ko na hawak ko. Gusto niya yata na siya na lang ang kumausap dito.
"Wait lang, love... I'm still talking to your dad," sabi ko sa kanya at hayan na naman ang pagnguso niya. Hindi tunog na galit na galit ang boses ko pero nagsisimula na naman siyang humikbi.
"Baby, huwag mo namang pagalitan." I rolled my eyes.
"Hindi ko pinapagalitan, ah. Ang kulit ng anak mo, eh. Kinakausap pa kita pero inaagaw niya mula sa akin ang phone. Ibabalik kita sa balak kumuha sa 'yo kanina, Markiana Reyan..." nambabanta na sabi ko na ikinalakas nang pag-iyak niya. Yumakap siya sa akin. Akala mo naman ay naintindihan niya talaga ang sinabi ko sa kanya.
"Rea, naman..."
"Dada!" tila nagsusumbong na tawag nito kay Markin. Hindi ko maiwasan ang matawa at inalo na lang siya.
Itinaas ko ang laylayan ng suot kong blouse at pinahiga ko siya sa kandungan ko.
"Milk ka na lang, baby sutil," malambing na sabi ko sa kanya. Tumingin pa siya sa dibdib ko at lumipat iyon sa akin. Akala ko ay magtatampo siya dahil sa ginawa ko sa kanya pero hinawakan na niya ito at nag-milk na rin siya. "Back to the topic," pagsisimula ko. "Bakit ka nga nagpadala ng mga tauhan mo rito? Kaya ko naman ang trabaho ko rito, ah. Hindi ko napapabayaan ang anak mo."
"That's for you and for our daughter. I know you can take care of Markiana by yourself kahit na busy ka sa pagpipinta mo, Rea. Gusto ko lang na mabawasan ang mga trabaho mo at kahit mahahati pa iyon ay at least may sapat na oras ka para magpahinga bago mo alagaan ang Markiana natin," mahabang paliwanag niya sa akin.
"Markin. Sobra-sobra na ang ibinigay mo sa amin. Iyong iniwan mo sa akin na dalawang cards mo. Kaya hindi ko na rin kakailanganin pa ng katulong dito."
"Accept it, please. Babysitter ni Markiana ang isa, tutulong naman sa 'yo sa paglilinis o ano pa man, iyong dalawa. Alam ko rin na hindi ka sang-ayon. Kaya inaasahan ko na. Kaya rin tatlo lang ang ipinadala ko. Lima dapat sila pero binawasan ko na rin ng dalawa."
"Markin..."
"Sobrang hirap magtrabaho na may inaalagaan ka, baby... Markiana is a good girl, hindi naman siya iyakin kaya makakaya mo rin pagsabayin ang pagpipinta at pag-aalaga sa kanya. But I want to help the both of you, please." Mariin na pinikit ko ang mga mata ko dahil pinapapili ako sa wala ni Markin. No choice na naman ako.
"Fine!" sabi ko at napaigtad sa gulat si Markiana. Tipid na nginitian ko lang siya.
"Umiyak daw si Markiana, baby?"
"Natakot sa mga tauhan mo. Bagong mukha kasi at hindi pamilyar sa kanya kaya talagang matatakot siya," sagot ko.
"I'm so sorry... Pero kailangan mo siyang sanayin na may mag-aalaga na sa kanya na ibang tao, Rea."
"Matagal bago ito magtitiwala sa iba, Engineer Markin. Kahit bata pa ito at walang kamuwang-muwang ay hindi ito agad masasanay sa ibang tao. Puwera na lamang sa 'yo na daddy niya," saad ko at halos umirap pa ako sa kawalan.
"That's good to know, baby..." parang proud na sabi niya.
"Sino pala ang sumagot sa phone mo kanina?" curious na tanong ko.
"Your future brother-in-law," sagot niya and I know nakangisi siya ngayon. I made a facepalm. Halos murahin ko na siya. "Kidding aside, kulot. Si Miko, kapatid ko--what the hell, Miko?! What are you doing there in my door?!" Natawa ako sa biglang pagsigaw niya. Mukhang nakikinig mula pa kanina ang kanyang kapatid. Hala ang kulit, tsismoso pa...
"Rea, I call you later, baby... I will talk to my brother first." Hindi pa niya pinatay ang tawag dahil si Markiana na naman ang kinausap niya. "Love? Don't cry na, okay? Hindi naman galit si Mommy ganda kahit pinag-aagawan niyo akong mag-ina. Hahatiin ko naman ang sarili ko para sa inyong dalawa. I love you, Markiana. Tell your Mommy that I like her," sabi nito at mukhang ang screen ng phone niya ang hinalikan niya. Huminto saglit si Markiana. Napangiti pa siya.
"Baby ka pa at hindi mo 'yon maiintindihan at lalong-lalo na hindi mo masasabi sa akin na gusto ako ng daddy mo," ani ko sa kanya. Narinig ko ang mahihinang paghalakhak ni Markin bago siya tuluyang nagpaalam sa aming mag-ina.
"Ano ang mga pangalan niyo?" tanong ko sa tatlo na nakatayo lang sa harapan ko. Si Markiana ay ayaw tumingin sa kanila.
"Nole po ang pangalan ko, Ma'am Rea. Rafida at Rose naman ang kanilang mga pangalan." Tumango lang ako dahil sa simpleng pagpapakilala niya sa kanyang sarili at sa kasamahan.
Madaling tandaan ang mga pangalan nila dahil hindi naman ito mahaba at wala ng second name. Parang pangalan ko lang kaya kay Markiana ko talaga ako bumawi.
"Love... Mula ngayon ay araw-araw mo na silang makikita at makakasama na natin sila rito. Kaya kailangan mong masanay sa presensiya nilang tatlo," pagkakausap ko sa baby ko na nakatutok lang ang atensyon sa butones ng blouse ko.
Parang walang pakialam sa tatlong babae na kasama namin. Nilaro-laro lang ng maliliit niyang mga daliri ang damit ko.
"Love... Markiana Reyan..." Namumungay ang mga mata niyang lumipat sa akin and she pouted her lips again bago niya binigyan ng atensyon sina Nole, Rafida at Rose. Napasinghap ako sa ginawa niyang pag-irap sa mga ito bago siya tumalikod at parang walang nangyari na ibinalik ang tingin sa damit ko.
"Arte-arte nito," I stated at umiling na lamang.