Chapter 38: ATM
PAGKATAPOS niyang kagatan ang suman ay inilapit niya ito sa bibig ko. Salubong lang ang kilay ko. Pakakainin pa niya yata ako ng may laway na niya.
"Busog pa ako. Ubusin mo na `yan lahat," sabi ko at iniwas ko ang tingin ko sa kanya pero hinuli lang niya ang panga ko at iginiit sa akin ang suman. Kaya no choice na ako kundi ang kumagat na lang din. Sa kanya talaga nagmana ang baby niyang makulit.
Nginuya ko ito at bumaba ang tingin ko sa kamay niya. Gamit ang isang kamay ko naman ay inabot ko iyon. Nabigla pa siya dahil sa aking ginawa.
Ibinuka ko ang palad niya at nakita ko ang maliliit na hiwa sa mga daliri niya. May bakas pa iyon ng dugo.
"Nasugatan ka ng tinik ng rosas," sabi ko at sinusuri ang kanyang kamay. Binawi niya iyon sa akin.
"I'm fine, kulot. Worth it naman siya. Nang makita ko iyan ay kayong dalawa agad ang pumasok sa isip ko. Kasing ganda niyo ang pulang rosas na ito," usal niya at yumuko siya para matingnan na naman ang mukha ni Markiana. "Love... Para sa Mommy mo ang isa. Bakit dalawa na ang hawak mo ngayon?" pagkakausap niya rito.
"Ho?" sambit lang nito at nag-shape lang ng o ang cute niyang bibig. Pinanggigilan ng daddy niya ang chin niya at tatlong beses na hinalikan ang tungki ng ilong niya.
Dalawang rosas na nga ang hawak ng makulit na baby. Hindi ko man lang namalayan na nasa kamay na pala niya ito. Kaya pala kanina ay nararamdaman ko ang kung ano'ng pag-abot niya at ang paulit-ulit na paghawak niya sa aking kamay.
"Hay, ang ganda." He carried our daughter again at pinatayo niya ito sa lap niya ng paharap sa kanya. "May maliit na sungay pa sa ulo niya," puna niya rito.
Napangiti ako nang makita ang hitsura ng baby ko. Nakaitim na outfit siya at sa dalawang kamay niya ay may hawak siyang dalawang tangkay ng pulang rosas. Habang ang ulo niya, ang sombrero niya na may pulang maliit na sungay. She's beautiful, she seems a daughter of demigod.
"I still can't believe that I have a very beautiful daughter like her... Parang nananaginip pa rin ako..." he said at pinugpog na naman niya ito ng halik sa buong mukha. Kung minsan pa ay kinikiliti niya ito sa leeg gamit ang tungki ng kanyang ilong. Malakas na bumungisngis na naman ito at halos mabitawan na ang rosas.
Ilang minuto lang kaming nanatili sa kubo at bumalik kami sa cottage. Inaasahan ko na magtatanong na naman sa akin sina Nanay, especially Raia, dakilang tsismosa siya, eh. Pero inirapan ko siya at hindi sinagot.
"Hindi pa kayo uuwi?" tanong niya sa akin ng mapansin na wala akong balak na tumayo. Mauuna na kasing babalik sa bahay sina Lola at Nanay.
"Ano ba ang pinapagawa sa `yo nina Tatay?" sa halip na tanong ko sa kanya pabalik. Napatingin siya sa isang direksyon at sinundan ko naman iyon ng tingin.
Isang malaking truck iyon at naglalaman ng sako-sakong bigas. Hindi ako aware na ganito na pala talaga kalaki ang ricemill nina Tito Hart. Iyong sariling kita at pera nila talaga ang puhunan nito. Kaya nakaka-proud silang lahat.
"Kami ang nagbuhat ng mga iyon," tila nagyayabang na sabi pa niya sa akin at hindi ko maiwasan ang pasadahan siya ng tingin. Particular na sa malaking katawan niya.
Kayang-kaya niyang buhatin ang isa o kahit dalawa pa `yan pero hindi naman talaga siya sanay sa mabibigat na trabaho.
"Markin. Bakit ka pumayag? Ang bigat niyan, oo malaki ang katawan mo. Kayang-kaya mong magbuhat ng dalawang sakong bigas pero hindi ka sanay riyan. Hindi mo ginagawa ang magbuhat ng mga mabibigat na gamit," naiinis kong sabi sa kanya.
Hindi siya umimik at basta na lamang niyang hinapit ang baywang ko sa kanya pero sa paraan na hindi naman niya maiipit ang anak namin.
"Baby, paano kung pagtabuyan ako ng pamilya ko? At wala akong ibang trabaho na puwedeng pasukan kundi ang maging kargador sa ricemill niyo? Paano ko kayo bubuhayin ni Markiana? Magpapadami lang ba tayo ng anak tapos wala namang laman ang sikmura natin?" mahabang tanong niya. Ano'ng pinagsasabi niya?
Magpapadami ng anak?
"You're an engineer, Markin. Bakit hindi ka mag-apply sa kompanya kung ganoon?" kunot-noong tanong ko sa kanya. Tumaas lang ang sulok ng mga labi niya. "Kahit ano'ng trabaho basta marangal... Ayos na sa akin iyon. Huwag ka lang talagang kakapit sa patalim dahil ako ang magpapakulong sa `yo," wika ko.
"Oo. Puwede mo rin akong parusahan, baby..." bulong niya sa tainga ko. Kinurot ko ang tagiliran niya. Mahinang dumaing lang siya.
"At saka paano mo nasasabi na ipagtatabuyan ka ng pamilya mo, aber?" nakataas na kilay na tanong ko sa kanya.
"Ang hindi pagsunod sa gusto nilang gawin ko," mabilis na sagot niya.
"At paano mo naman nasasabi na kukupkupin ka namin, ha?"
"Dahil...daddy ako ni Markiana. Ako ang ama ng anak mo, Miss..." nakangising sabi niya. Dahil sa kanyang sinabi ay pinagkukurot ko na siya sa baywang niya. Dumadaing lang siya. Hindi pa sana ako titigil kung hindi lang lumapit sa amin si Tatay.
"Tapos na ang trabaho mo, engineer. Iuwi mo na ang mag-ina mo na wala yatang balak na umuwi ng hindi ka kasama," sabi ni Tatay. Akala mo ay galit pero nakikita ko na nagbibiro lang talaga siya.
"`Tay, bakit niyo naman siya pinagkarga no'n?" mahinang tanong ko sa aking ama at itinuro ko ang truck. Kakamot-kamot sa batok si Tatay at parang umurong ang dila. "Pinaglakad niyo na po siya kanina, Tito Hart," baling ko naman sa tito ko nang makita ang paglapit niya sa amin. Bumagal tuloy ang paglalakad niya. "Parang iyong kotse niya lang po ang nahiya," dugtong ko.
Marahan na nagtaas baba ang kamay ni Markin sa aking likuran.
"Ayos lang, Rea. I told you na sanay akong magbuhat ng mabibigat na bagay. Ganito rin naman kami sa site. Tumutulong sa construction worker," sabi niya. Sobra-sobra yata ang pagka-humble nito.
"Narinig mo naman iyon, Reyang?" magkasabay na tanong sa akin nina Tatay at Tito Hart. Napatango na lamang ako dahil wala na akong magagawa pa.
Baka kasi nakakahiya na kay Engineer Markin ang pinagagawa sa kanya pamilya ko. Ayaw kong abusuhin lang siya.
Sumakay kami ulit ng truck pauwi sa bahay at dumiretso ako sa kuwarto namin para makuha ang maliit kong medicine kit para gamutin ang sugat ni Markin.
Nagpaiwan siya sa sala kasama ang baby namin. Ayaw bumitaw sa kanya ang bata kaya hindi siya nakaligo ayon din sana sa gagawin niya. Baka raw madikitan ng germs si Markiana pero naghugas naman daw siya ng kamay niya at braso.
Naging abala na rin sina Nanay sa paghahanda para sa nalalapit na piyesta namin.
Nasa hagdanan pa naman ako nang maramdaman ko na ang mariin na pagtitig niya sa akin.
Umupo ako sa tabi niya at ibinaba ko sa maliit na center table namin ang medicine kit. Mabilis na umakbay siya sa akin at hinawakan ko iyon para tanggalin.
"Gagamutin ko ang sugat mo," walang emosyon na sabi ko. Para siyang bata naging masunurin at ibinigay niya sa akin ang palad niya.
Hinawakan ko iyon at tumalim ang tingin ko sa maliliit niyang sugat.
"Galit pa ba sa akin ang Mommy mo, love?" tanong niya sa anak namin. Akala mo naman ay kayang-kaya siyang sagutin nito. Eh, dalawang salita lang ang kayang bigkasin ng baby.
Nabigla pa ako nang sinipa-sipa niya ang lap ko. Nang tingnan ko siya ay ang tulis ng nguso niya.
"Bakit, love?" tanong ko sa kanya.
"Love, bad `yon. Huwag mong sipain si Mommy ganda," anas niya at hinawakan ang paa nito. Hinalikan niya lang ang shoes nito. Ang weird talaga.
Sineryoso ko yata ang paggagamot sa kanya kaya nararamdaman ko ang paghaplos niya sa noo ko. Parang tinatanggal niya lang ang pagkakakunot no'n.
***
"IYONG project na hawak namin pareho ni Engineer Rexus. Ide-decline ko iyon." Minsan ay narinig ko ang pakikipag-usap ni Markin sa phone niya. Seryoso niya itong kinakausap. "Alam ko pero hindi ko iyon, itutuloy, Mergus."
Nag-aalangan akong pumasok sa loob ng silid namin pero kailangan din naman talaga dahil tulog na sa bisig ko si Markiana. Ayoko naman na masabihan niya akong tsismosa, `no.
Humugot ako ng malalim na hininga pero bago ko pa man mabuksan ang pintuan ay may gumawa na no'n para sa akin.
"Tulog na siya?" tanong nito sa akin habang nakatingin sa baby Markiana namin. I nodded for my respond at tuluyan na nga akong pumasok sa loob ng kuwarto namin.
Inayos pa niya ang kama namin para sa hihigaan ni Markiana. Saka ko maingat na ibinaba ang baby sa bed. Inayos ko ang kumot niya at hinalikan ko ang kanyang noo.
"She's beautiful... Just like her Mom," he commented.
"Bola," pambabara ko lang sa kanya.
Sa mga sumunod na araw ay naging abala na rin kami hanggang sa dumating ang piyesta at nakikita kong nag-e-enjoy naman si Markin. Nakikita ko na rin ang paunti-unting pagtanggap sa kanya ni Lola Areah.
Dumating ang araw na babalik na rin kami sa Manila. Nalungkot man ako dahil magkakahiwalay na naman kaming magpamilya ay wala na rin naman akong nagawa.
"Dati-rati ay naiiwan talaga sa amin itong batang ito," ani Nanay. Karga-karga niya ang kanyang apo na bihis na bihis na rin.
"Umiiyak ito kapag hindi nararamdaman ang presensiya ng Mommy niya," dugtong pa ni Tita.
Naayos ko na ang mga bagahe namin at isa-isa na iyong isinakay sa kotse ni Markin.
"Madalas din siyang lagnatin," wika pa ng nanay ko at nakita ko na rumihestro sa mukha ng daddy nito ang pag-aalala.
"Ingatan mo ang mag-ina mo, bata," seryosong saad ni Lolo Henriko at malakas na tinapik pa niya ang balikat nito. Wala lang naman sa isa ang ganoong gesture dahil sa halip ay ngumiti lang siya at tumango-tango.
"Makakaasa po kayo," magalang na sabi niya.
"Mag-iingat kayo roon, ah? Palagi naman kaming bibisita kahit hindi na kayo bumiyahe pa ng apo namin, anak," sabi ni Tatay at niyakap ako nang mahigpit.
"Opo, `Tay. Parang ngayon lang yata kami aalis ng apo niyo, ah," biro ko. Sinulyap pa siya sa kasama ko.
"Wala kami sa tabi nito, Reyang. Aasahan mo talagang mag-aalala kami sa kalagayan niyong dalawa. Kahit alam namin... Sige na, mabuti pang bumiyahe na kayo baka gabihin na naman kayo." Tumango ako sa sinabi ni Tatay. Humalik pa ako sa pisngi niya at isa-isa ko rin silang g niyakap.
Si Markin ay nagmano rin siya sa pamilya ko na ikinatuwa pa ng puso ko.
Along the way, para lang kaming pauwi sa probinsya dahil as usual ay ang hyper pa rin ng baby namin kaya nang dumating kami sa Manila ay nakatulog agad siya. Napagod, eh.
Isang linggo lang naman kami roon pero pakiramdam ko ay tumagal iyon ng mahigit isang buwan. Ang dami kasing nangyari. Tapos paunti-unti ko ring nakikilala si Markin pero hindi pa rin naman iyon sapat.
Hindi agad siya nakaalis, o ni hindi niya sinubukan ang umuwi dahil sa pagod niya sa pagmamaneho ng kotse niya. Kaya hinayaan ko ulit siya na matulog sa tabi naming mag-ina. Hindi naman siya malikot at ako rin naman. Iyong baby lang talaga sa gitna namin na kung minsan ay nakadantay na ang paa nito sa mukha namin ng daddy niya. Ang cute niyang matulog, sobrang likot.
And speaking of Rexus. Iyong araw lang ang huli naming pag-uusap at hindi ko na siya nakita pa ulit. Hindi ko rin naman gusgustuhin pa ang makita siya dahilan kung ano-ano na naman ang kanyang sasabihin tungkol sa daddy ni Markiana.
Kinabukasan ay nagluto ako para sa breakfast namin ni Markin. Pagkatapos ay nagpaalam siya na uuwi na muna sa condo niya pero bago roon ay may ibinigay pa siya sa akin. Ayoko sanang tanggapin.
"Kaya ko naman na. May pera pa rin naman ako rito, Markin," sabi ko sa kanya. Dalawang ATM ang ibinigay niya sa akin. Iyong isa ay sinabi niyang unlimited iyon.
Hindi literal na cash ang ibinigay niya para daw kay Markiana pero cards na buwan-buwan ay may laman ito dahil iyon daw ang gagawin niya. Kinuha niya ang kamay ko at doon niya inilagay ang dalawang ATM.
"Please, baby. Kunin mo na. Gusto kong gamitin mo na ito. Alam kong may pera ka naman at kayang-kaya mo ngang buhayin ang baby natin pero hayaan mo naman akong makatulog. Gamitin mo ito para sa mga gamit na kakailanganin niyo. Pambili ng gatas ni Markiana, kahit madalas ay bino-breastfeed mo lang siya. Pambili rin ng diaper niya..."
"But Markin..." utas ko pero hinarangan niya lang ang labi ko ng daliri niya.
"Para mabawasan naman ang pera ko. Malaking bagay na sa akin kapag naiisip ko na may iba na rin akong gastusin. Kapag naiisip ko iyon ay nabibigyan ako ng lakas para magtrabaho. Para ito sa inyo ni Markiana. Please...take it, baby..."
No choice na naman ako kaya kinuha ko na rin kasi mas nagiging makulit siya.
"Thank you, baby..." At siya pa ang nagpasalamat sa akin.
Hinalikan pa niya ang noo ni Markiana bago siya umalis at sa akin naman ay nagnakaw pa talaga ng halik sa labi. Kaya nakurot ko na naman siya.