CHAPTER 37

1975 Words
Chapter 37: Trust DINALA kami ng daddy ni Markiana sa isang maliit na kubo. Malayo ito sa malaking cottage na pinapahingahan nina Tatay at kasama ang mga trabahador nila. Kitang-kita ang malaking palayan mula sa kinakatayuan namin dito. Ang ganda nilang panoorin buong hapon. Kung hindi lang... Napatingin ako kay Markin nang alalayan niya akong makaupo sa hapag at walang salitang namutawi sa bibig niya na ibinigay sa akin si Markiana. Nag-ingay pa ang baby dahil ayaw niya ring humiwalay sa Daddy niya. "Dada..." sambit ni Markiana at malaking ibinuka niya talaga ang bibig niya para lamang matawag ito. "Wait lang, love..." malambing na sagot nito sa kanya at tumingala sa akin para lamang maipakita sa akin ang malapad niyang pagngiti. I kissed her chin. Hindi ko na inalam pa kung ano ang ginagawa ni Engineer Markin dahil ayoko nga siyang tingnan pa. Naramdaman ko lang ang paglapit niya sa amin at umupo sa tabi ko. Kasabay nang pagbilis na naman ng t***k ng puso ko nang makita ang pulang rosas na malapit sa mukha ko. Isang tangkay ng rosas... Mabilis na sinulyapan ko siya. Malamlam ang mga matang nakatingin siya sa akin at naghihintay na tanggapin ko ang bulaklak na halatang ibibigay sa akin. "Flower for you, Mommy ganda," sabi niya na may ngiti sa labi. Makalaglag panty ang klase ng ngiti niya. Shet. Bakit ganyan siya makangiti? Tumikhim ako at kinuha ko na lamang ito. Napatitig ako sa pulang rosas na bagong pitas lang ito. Wala ng tinik at marahil isa-isa na niya itong tinanggal. Parang lilipad ng wala sa oras ang sarili ko dahil sa kakaibang nararamdaman. Inaamin kong...first time kong nabigyan ng bouquet at si Rexus pa ang nagbigay no'n sa akin. Natuwa ako kahit papaano pero ibang usapan na pala kapag ang engineer na ito ang magbibigay sa akin. Kahit isang tangkay lang ng rosas na pinitas niya rin pero nakikita ko ang effort niya rito. Tiningnan ko ang kamay niya pero may panibagong rosas na iyon. "A rose for my beautiful lotus. This is for you, love." Nagulat ako dahil hindi lang ako ang binigyan niya no'n. Markiana giggled at inosenteng inabot niya ang rosas sa kamay ng daddy niya. She looks happy na para lang siyang nakatanggap ng bagong laruan. Lahat ng mga bagay ay may dahilan, ganoon din ang pagbibigay ng kung ano'ng bagay sa isang tao. Pero ibang bagay rin kapag binibigyan ka ng bulaklak. Sumisimbolo iyon pagmamahal at pagpapahalaga. Pagkatapos niyang ibigay iyon ay masuyo pa niyang hinalikan ang likod ng kamay nito at maging sa matambok nitong pisngi. Natawa pa siya nang makita ang pag-amoy-amoy nito sa ibinigay niyang rosa. Para akong mahuhulog sa ginawa niya. Mahuhulog na alam kong...may consequence iyon. Napapitlag ako nang dumampi ang labi niya sa sentido ko at dumausdos na pababa sa aking baywang ang kanyang braso. "Tell me, baby... May sinabi ba sa `yo si Engineer Rexus?" mahinang tanong niya. Sinundan ko lang ng tingin ang paglagay ng mga paa ni Markiana sa hita niya at hinawakan na lamang niya iyon, kaya patagilid na ring nakaupo sa lap ko ang aking anak. "Mas mabuting wala ka ng nalalaman pa," masungit na sabi ko sa kanya. His grip on my waist tightened at unti-unti akong hinapit palapit sa kanya. Dahil sa malaki niyang katawan ay walang kahirap-hirap niya kaming ikinulong sa mga bisig niya. Nararamdaman ko na rin ang matigas niyang dibdib sa likuran ko at tumayo lang din ang balahibo ko sa batok nang dampian niya iyon ng halik. "Markin..." sambit ko sa pangalan niya na may pagbabanta pero isa rin siyang makulit na nilalang dahil ilang beses niyang ginawa iyon hanggang sa umaabot sa puntong tainga ko pababa sa aking leeg. Iniwas ko sa kanya ang ulo ko at doon lang siya tumigil but he rested his chin on my right shoulder habang nakadungaw sa anak namin na hanggang ngayon din ay inosenteng pinaglalaruan lang ang bulaklak. "Ako na lang ang huhula," iritadong saad niya. Hinintay ko na magsalita ulit siya at gusto kong malaman kung ano ang nahulaan niya. "May kinalaman ba ito sa studio mo, Rea? We have a project at kasama ko roon si Engineer Rexus. Hindi malabong iyon ang sinabi niya sa `yo para lang iwasan mo ako ng ganito," sabi niya at bayolenteng bumuntonghininga pa siya. Ramdam ko sa likod ko ang pagtaas baba ng kanyang dibdib. Humigpit na naman ang yakap niya sa baywang ko. "Hindi mo ba ako tatanungin kung ano ang naging opinyon ko tungkol doon, hmm?" malambing na tanong niya at kiniskis pa niya ang tungki ng ilong niya sa pisngi ko. Nakiliti ako roon. "Ewan ko," malamig pa ring sabi ko. "Ang sungit, ah. Okay, let me tell you this. Ibinigay sa amin ni... Grandpa ang project na ito. May ipapatayo kaming building pero kailangang mabili namin ang lupain...at sakop no'n ang kinatitirikan ng studio mo, Rea. Naging interesado ako para sa project na iyon...kaya isa-isa naming kinausap ang may-ari nito... Maliban sa studio sa kabila. Isa sa pagmamay-ari mo ang hindi pa namin nakukuha. Pero nang malaman ko na nandoon ka... I already decline the project at bumili ako ng ibang lupain para doon..." mahabang paliwanag niya pero hindi ko alam kung bakit ayokong paniwalaan iyon. "Pero kung hindi mo lang ako kilala... Baka ngayon ay pinipilit mo akong ibenta iyon?" galit na tanong ko sa kanya. "Puwede rin na lapitan mo ako at kaibiganin para lamang doon," utas ko pa at naramdaman ko ang pag-iling niya. "Hindi ako namimilit ng tao, baby... Hindi ko gawain iyon. We have a principles, my clan. Mahigpit na ibinilin iyon sa amin ni Grandpa." "Pero paano ko paniniwalaan iyon? Markin... Sa dami ng sinabi sa akin ni Rexus ay lahat ng iyon ay pinagdududahan ko na. Kasama iyong pagiging mabait at pag-aalaga mo sa anak mo... Alam kong may dahilan ka..." hinanakit ko sa kanya. Lumakas ang kabog sa aking dibdib nang paunti-unti ko na namang nararamdaman ang kirot nito. "What? Are you doubting my feeling, Rea? Ano pa ba ang sinabi sa `yo ng lalaking iyon?" galit na tanong niya sa akin pero pinipigilan pa rin niya ang magtaas ng boses dahil alam niyang magugulat at matatakot ang anak namin kung bigla siyang sisigaw. "Na...kaya ka nandito sa tabi namin ni Markiana dahil gusto mo lang talaga makuha ang studio ko..." matapang na sagot ko. "I won't do that, Rea. Anak ko si Markiana at hindi ko iyon gagawin sa kanya. Mas mahalaga pa rin sa akin si Markiana kaysa sa project na ibinigay sa amin ni Grandpa, kahit na alam kong ikadidismaya niya. Mas pipiliin ko ang pagalitan ako ng parents ko, ang ma-disappoint ko si Grandpa pero hinding-hindi ko sasaktan ang anak ko... Hindi ko siya sasaktan, Rea... Why are you like that? Hindi pa ba sapat ang ipinapakita ko sa inyo? May kulang pa ba sa akin, Rea? Bakit ang bilis mong maniwala sa lalaking iyon?" Lumalamig ang kanyang boses pero nanatili pa rin siyang kalmado. Umalis siya sa kinauupuan niya at napasabunot sa sarili niyang buhok. Kitang-kita ko ang frustration sa mukha niya. Galit na galit ang leeg at maging ang braso niya. "Damn it, Rea..." mahinang mura niya at napayuko ako. Bakit iba na naman ang ipinapakita niya ngayon sa akin? Bakit parang nag-iba na naman... "Ano pa ang puwede kong gawin para paniwalaan mo naman ako? Hindi ko naman hinihiling na makuha ko agad ang tiwala mo but damn it baby... Hindi ko kayang saktan kayo ng anak natin. Hindi ako lalapit sa inyo kung iyon lang ang dahilan ko." "Markin. Siguro... puwede mo namang ihinto ang panliligaw mo sa akin. Alam kong hindi ako matatanggap ng pamilya mo," seryosong sabi ko. Parang nasasaktan ako sa malalaman na hihinto na siya. Na hindi na siya... Pinilig ko ang ulo ko. "Bakit ko ihihinto iyon? Sinabi ko na sa `yo na seryoso ako sa `yo, Rea. Gusto kitang mahalin at huwag mo naman akong pigilan at pahintuin... Malapit na ako sa puntong iyon... At wala akong pakialam sa magiging opinyon sa atin ng pamilya ko. I want the both of in my life..." Nag-init ang sulok ng mga mata ko dahil sa kanyang sinabi. Ramdam na ramdam ko ang sensiridad sa boses niya. Mali nga ba ang paniwalaan ko si Rexus? Pero wala naman talaga akong pinapaniwalaan kahit na sino. "Gusto mo lang akong mahalin, Markin pero hindi rin ako ang mahal mo. Baka darating ang araw na kung kakailanganin ka naming dalawa ni Leighton...baka mas pipiliin mo siya dahil mas matimbang siya. Dahil mas mahalaga siya kaysa sa akin. Ina lang ako ng anak mo," mariin na sabi ko. Hindi ko na naman siya matingnan ng diretso at napapako lang iyon sa namumula niyang leeg. "Rea... Seryoso nga ako sa `yo. Seryoso ako sa panliligaw ko sa `yo, hindi lang dahil ikaw ang Mommy ni Markiana. Kakaibang pagkagusto ito, baby at ayoko...ayokong huminto... Malapit na ako roon, eh. Huwag mo namang gawin iyon sa akin. Okay lang kung wala ka pang tiwala sa akin. Hayaan mo akong patunayan iyon... Hayaan mo ako, please," nagsusumamong sabi niya at lumapit na sa amin. Lumuhod siya at niyakap ang baywang ko kaya magkalapit na rin ang mukha nila ng baby namin. Hinawakan pa nito ang pisngi niya. "Hindi pa nga tayo...ay ganyan ka na agad sa akin... Hindi pa tayo pero nagawa mo na rin akong husgahan, Rea... Alam kong mahirap makuha ang tiwala mo...pero kahit kaunti lang...paniwalaan mo naman ako... Hindi kita inuutusan huwag makinig at maniwala sa sasabihin ng iba pero piliin mo rin ang mga taong gusto mong pagkatiwalaan..." mahabang sabi niya at hinuli niya ang kamay ni Markiana, dinala niya ito sa labi niya. "Makakaya ko bang saktan ang anak ko, Rea? She's really an innocent... Love... Mahal kita... Hinding-hindi iyon gagawin ni Dada... Hindi ko kayo nilapitan dahil lang do'n... Markiana..." Nagkamali ba ako? Napasobra ba iyong ginawa ko? Ang panghuhusga agad sa pagkatao niya? Nasabi ko na wala akong paniniwalaan na kahit sino sa kanilang dalawa ni Rexus. Saka hindi ko pa talaga nakikilala ng lubos si Markin kaya natural na magdududa pa ako sa kanya. Pero pagdating sa baby namin. "H-Hindi ko naman pinagdududahan ang pagmamahal mo sa anak mo, Markin..." "Anak natin... Anak natin siya, Rea," pagtatama niya sa akin at napatango na lamang ako. "Anak natin..." pag-uulit ko at nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. "I'm sorry..." "Okay lang. Naiintindihan ko naman, baby... Naiintindihan ko." Umalis na siya sa pagkakaluhod niya at muling umupo sa tabi ko. May inabot siya mula sa kanyang likuran. Hindi ko napansin na dinala niya ang miryenda niya. Binalatan niya ang suman na ginawa namin kanina nina Lola. Suman at puto lang naman iyon kaya madali rin naman siyang gawin. Ngayon lang yata siya kakain? "I heard from Nanay na ikaw mismo ang gumawa nito." Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Nasa boses niya kasi ang saya na ginawan ko siya niyan. "Sino naman ang inaasahan mo na gagawa sa `yo ng miryenda mo, ha? Si Markiana?" suplada pa ring tanong ko sa kanya. Saglit na sinulyapan pa niya ito. "Love, mag-practice kang gumawa nito, hmm? Para maipaghanda mo naman si Dada ng miryenda. Ang sweet ng Mommy ganda mo, sana sa kanya ka magmamana. Kahit inaaway niya ako kanina lang," pagsusumbong pa niya sa bata. Akala mo naman ay kaya siyang ipagtanggol nito. Ang kaya lang gawin ng baby niya ay ang ngumiti at ang mag-ingay. "Rea, ayos na ba tayo? Hindi ka na ba magsusungit sa akin?" tanong naman niya. Diretso ko na siyang tiningnan sa kanyang mga mata. "Uhm... Hindi ko alam," mahinang saad ko. Sinapo niya lang ang pisngi ko. "Hindi naman kita minamadali, Rea," he said. "And I'm sorry..." hinging paumanhin ko sa kanya. I realized my mistake. "Baby... You're forgiven..." Ang daling magpatawad ang gago.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD