CHAPTER 8

2184 Words
TWP Chapter 8: Meeting Theza & another Brilliantes I DID not sleep well last night, worrying about my daughter, so much. Sino ang ina na hindi mag-aalala sa kalagayan ng sarili niyang anak? Lalo na may lagnat na naman si Markiana ko. Hindi rin naman ako sanay wala si Markiana sa tabi ko at never talaga akong masasanay. Pero ang sabi ni Lola Areah ay hindi raw ako makakapagtrabaho nang maayos kapag kasama ko si Markiana. Kaya mas mabuting sa probinsya na muna raw ito pero nangako naman sila sa akin na dadalhin nila rito si Markiana para magkita naman kaming mag-ina. Hindi naman talaga magiging abala sa akin ang anak ko. Ayaw ko rin naman na kumuha ng baby sitter para sa kanya. Lalo pa na hindi pa kaya ng budget ko. Mahirap naman pala talaga ang magtayo ng studio mo na hindi ka pa nakikilala ng karamihang tao. Walang bumibili sa artworks ko. Walang naliligaw sa lugar ko. Walang client. Dahil sa weird na taste ko raw sa kulay and subject. Eh, sa iyon ang gusto ko, eh. May makakapigil ba sa passion ko? Tse, wala! Pero kahit ganoon pa man, kahit gaano pa ako nawawalan ng pag-asa at humihina ang loob ko sometimes ay bumabalik din ang pagiging matatag ko. Lalo na hindi na lamang ito para sa sarili ko, para sa pamilya ko. Kundi para kay Markiana na rin. Para na ito sa anak ko na unexpected din ang pagdating niya sa buhay ko pero buong puso ko siyang tinanggap at minahal. Kung dati ay ang sarili at pamilya ko lang ang naging inspirasyon ko para ipagpatuloy itong pangarap ko pero ngayon ay may bagong anghel na ako at siya na rin ang pinagkukunan ko ng lakas ng loob para magpatuloy sa buhay. Ganito pala ang pakiramdam na magkaroon ng anak. Gagawin ang lahat para sa kanya. Iyong kinabukasan na lang ng anak ko ang iniisip ko. Hindi na ang pagiging successful ko. Dahil alam ko rin naman, magiging tanyag din ako balang araw. Hindi pa man ngayon but soon... Second floor ang studio ko. Hindi malaki at hindi rin maliit. `Sakto lang ang laki nito at nasa second floor naman ang office ko na ginawa ko ring drawing room. Nasa left side nito ang may kalakihan kong kuwarto. Hindi naman ako natatakot na baka may pumasok na masamang tao o magnanakaw sa studio ko. Marami rin naman kasing studio rito at iba pang shop. Behind this Black, in short BTB. `Yan ang ipinangalan ko sa studio ko para makaagaw naman ng atensyon. Kasi bakit nga ba ganito ang pangalan ng studio ko? Ano nga ba ang meron sa likod ng itim na kulay na ito? Lahat din ng halos kagamitan ay puro black. May iba rin naman, eh. At iyong first day ko na binuksan itong studio ko ay may client naman ako agad. Ang iba ay galing pa sa Film, may offer sila na maging artist nila pero mga horror ang sketching na ipapasa ko. Tinanggap ko ang offer nila, dahil may kalakihan naman ang sahod. Story book iyon at horror ang genre niya. Kaya mas lalo kong nagamit ang pagiging wicked painter ko for my new beginning with my Markiana. Back to reality, dahil nga ang utak ko ay nasa probinsya namin ay maaga akong nagising. Tapos na akong nagluto ng simpleng agahan ko. Coffee, fried rice na may tuna. Iyon lang ang kinain ko. I have small appetite though. 4AM akong nagising. Diretso ako sa pagpipinta dahil may naisip akong subject ngayon. Natapos ko siya na mahigit isang oras lang, mabilis na iyon dahil inspired ako ngayon, eh. Napangiti ako nang makita ko ang obra ko na tapos na. Hindi lang black and white ang tinta nito, dahil may kulay na siya. Pagkatapos kong lagyan ng malaking frame ay agad kong sinabit sa pader na may space pa at nasa tapat ito ng aking mesa. Sumilay ang ngiti sa labi ko nang makita ko siya hindi kalayuan sa akin. Kaming dalawa ni Markiana ang ipininta ko. Picture namin iyon na kinunan last two days noong four months old na siya. Pastel color siya kaya kahit hindi ko iyon favorite color ay masarap sa mata ang nakapaloob nito. "Excited na akong makita ka, Love..." bulong ko sa hangin. Kung aalis nang maaga sina Tatay ay alam kong hapon na sila makararating dito sa Manila. Dahil sa layo ng probinsya namin at bus ang sasakyan. Excited na akong makita ko ang anak ko kaya hindi rin ako napapakali hanggang sa tumawag si Nanay. Ang akala ko ay nakarating na sila. Pero hindi pa pala. "Malakas ang ulan, anak. Hindi kami makabibiyahe sa Manila. May bagyo rin yata at lumalakas na rin ang baha sa daan," malungkot na bungad sa akin ni Nanay. "Huwag na muna po kayong pumunta rito kung ganoon, `Nay," sabi ko. Nalungkot ako dahil hindi ko pa nakikita si Markiana. "Pero si Markiana ay walang tigil sa kaiiyak. Nakatulog naman ito kagabi nang maayos dahil narinig na niya ang boses mo pero nang maramdaman siguro nito na hindi kami makakaalis ay nagsimula na siyang umiyak... Ang batang ito ay may pinagmamanahan," mahabang saad ni Nanay sa akin. Naririnig ko sa background nila ang pag-iyak ng anak ko. "Kawawa naman ang baby ko, `Nay..." ani ko. Maiiyak pa yata ako ng wala sa oras. Ramdam na ramdam ko ang pagkirot sa dibdib ko. Ang sakit naman talaga marinig ang pag-iyak ni Markiana. "Kausapin mo na lang, apo. Baka titigil na `yan sa pag-iyak," narinig kong suhestiyon ni Lola Areah. Iyon nga ang ginawa ko pero hindi rin nagtagal ang pag-uusap namin dahil humihina ang signal sa kanila lalo na kapag umuulan ito. Wala akong nagawa kundi ang magmukmok din at umiyak nang umiyak. "You're annoying..." Napatayo ako sa gulat nang marinig ko ang malamig na boses na iyon. Hindi ko man lang napansin na may tao na palang nakapasok sa loob ng studio ko. Hindi na rin ako nag-ayos ng sarili ko kahit alam ko ang buhok ko ay nagulo na. Ang eyeliner ko ay kumakalat na sa pisngi ko. Walang emosyon na pumihit ako sa taong nagsalita, kasabay nang pagbigkas ng mga salitang ito, "Who are you?" Muntik na akong mapamura nang makita ang hitsura niya. May babae pa palang katulad niya ang nag-e-exist sa mundo? She's wearing her grey wrapped dress. A black hand gloves at naka-black stocking din siya. Mahaba ang straight niyang buhok na natural yata ang light brown nito. Maganda siya at maputi. Actually hindi sapat ang mga salitang maganda siya. Dahil para lang akong nakakita ng artista o higit pa roon. Baka tamang sabihin na para siyang anghel. Pero matatawag kaya siyang ganoon kung hindi ko naman nababasa ang mukha niya? Wala rin naman kasi siyang emosyon at ang hirap basahin ang mga mata niya. Masyadong malamig iyon. Nakakatindig balahibo nga ang presensiya niya pero alam kong hindi naman siya masamang tao. Sa ganda ba naman niya na tila anghel? Pero ika nila, ang hitsura, ganda ay mapanlinlang. Matapang na nakipagtitigan din siya sa akin at alam ko na katulad ko ay sinusuri niya rin ang mukha ko at ang weird na pananamit ko. Pero hindi ko naman talagang nabasa ang panunuya, insulto o ano pa mang bagay na makakapanakit sa isang tao. Umupo siya sa visitor's chair ko kahit hindi ko siya inayang umupo roon. Hindi naman ako rude, `no pero siya na ang kusang nag-imbita sa sarili niya para maupo roon. Baka siya ang rude dahil hindi man lang humingi ng permiso sa akin na uupo na siya. "Why are you here?" I asked her. Hindi na kasi siya sumagot pa sa tanong ko. Sa halip na sumagot ay nagtanong pa siya sa akin, "I believe this place is open for the visitors like me. This aren't your studio?" Nakataas pa ang kanyang kilay na tila sinasabi niya, "Nagpapatawa ka ba? Studio ito at may taong pupunta rito." Pinunasan ko ang pisngi ko na nabasa ng mga luha ko kanina. Alam kong kumalat na talaga ang eyeliner ko. "After six months may naligaw rin sa studio ko," komento ko. Tama, na last six months lang ang may taong pumasok dito at iilan lang ang natipuhan na bilhin. "No. Kusa akong pumasok dito sa loob," utas niya. Masyadong malamig ang kanyang boses. "Because you're curious kung ano ba ang laman ng studio na ito," ani ko na may halong sarcastic ang boses ko. Iyon naman talaga ang dahilan kung bakit siya pumasok dito. Curious lang. Well, iyon naman ang gusto ko. Ang ma-curious ang tao. "And what's the use na ipinangalan mo pa sa Behind this Black ang studio mo, kung hindi `yon ang dahilan? You named this BTB, because you want your clients or visitors to be curious about what's inside," she said directly and my jaw dropped. Nakuha niya ang point ko kung bakit nga ba Behind this Black ang pangalan ng studio ko! "How did you know that?!" I asked her with my widened eyes. "But instead na ma-curious ang mga visitors mo sana ay mas natakot pa sila. Because you're a creepy human being," she said at alam ko ay nanunuya na siya but not in a bad way? I crossed my arms in front my chest. "Thank you, so much," I uttered, sarcastically. "You're welcome," chill na sabi niya and I was surprised! Hindi ako nag-thank you sa kanya dahil nagustuhan ko ang sinabi niya. Tsk. "Pambihira. Hindi ako nagpapasalamat sa `yo, note the sarcasm, please," I told her and rolled my eyes. Gosh, what's with her ba? Namilog lang ang mga mata ko dahil bigla siyang tumawa na akala mo naman ay nag-joke ako. Grr. Kanina pa siya, ah. Kung hindi lang siya cool... "You're funny. Magkano ba ang isang obra maestra mo?" biglang sabi niya at mabilis na nagbago ang emosyon ko. I forgot na maging friendly sa kanya kasi baka may matipuhan siya sa artworks ko! Tapos bibilhin niya ang mga ito! "Four thousand. M-May discount naman ako, puwede mo siyang bilhin ng two thousand lang," magalang na sagot ko. Mukha naman siyang kagalang-galang, eh. Baka magkasing edad lang kami nito. "What? Four thousands?" tanong niya sa akin. Nasa boses ang pagkagulat. Mas mataas ba ang presyo? Hindi niya ba afford? Puwede ko namang babaan ang presyo nito. "Eh, one thousand five hundred!" nakangiting sabi ko. She shook her head. "I want to know the real price," seryosong sabi niya. I bite my lower lip, nataasan na nga siya sa four thousand ay itatanong pa niya sa akin ang totoong halaga ng mga ito? "Tell me the truth," she said. At bakit tunog pagbabanta na ang mga iyon? "Sa mga materials na n-nagamit ko... May h-halagang---pinakam­ababa na ang two thousand," I'll explained. Ayos lang sa akin ang mapagod sa pagpipinta dahil hindi naman binabayaran iyon, kailangan nga lang ingatan dahil sarili ko iyon. Pero ang nga materials na nagagamit ko ay napakamahal nila. Kaya kailangan ko ring ibigay ang tamang presyo ng hindi ako nalulugi. Mahirap na baka magsasara ito ng hindi pa ako nakikilala ng art collector kahit na hindi ko naman pinangarap ang maging sikat. Pero ang sabi nga nila, kung hindi ka sikat, o kung hindi ka makikilala ng mga tao ay hindi ka uusad sa buhay. Mananatili kang undiscovered artist habang buhay. "Tapos ibinaba mo pa ang presyo? Two thousand? Wala ka ng income no'n," wika niya at sinabayan pa nang pag-iling. "Hehe, mayroon naman. Pambili ng bigas tapos kung masuwerte na mabili ang dalawang obra ko ay makakabili pa ako ng materials at makaka-save pa ako kahit maliit lang." Sinabi ko iyon ng hindi nahihiya dahil totoo naman iyon, eh. Naghihirap pa ako ngayon. "Then what is the real price?" "15 thousands," sagot ko at real price na iyon. "Kung bibilhin ko lahat ng artworks mo? How much, then?" she asked me, again. She asked too much na. Wala sa sariling napapunas ako sa noo ko. Kahit alam kong hindi naman ako pinagpawisan. May aircon sa office ko. "Nasa half million `yon lahat," I answered, honestly. "Then I want them all," agad na sabi niya and I was surprised again! "Are you serious? B-Bibilhin mo lahat?" paniniguro ko at tumango siya bilang tugon. Napatingin ako sa ceiling ng studio ko at wala sa sarili na naman akong napapaypay sa mga mata ko dahil tutulo na ang mga luha na iyon. Sa sobrang kasiyahan. "I won't cry. Damn it, I won't cry!" I shouted. Wala akong pakialam kung nandiyan siya at makita ang reaction ko. "Why?" tanong ko pagkatapos kong mag-drama saglit. "What why?" she firedback. "Bakit gusto mong bilhin ang obra ko?" balik na tanong ko. "Because I like it? You're a good artist. Hindi naman nakatatakot ang obra mo kahit na may nakita pa ako na horror paintings," she replied and I nodded. "That's all about life and death. Kaya ika mo walang maliligaw sa studio mo. Dahil ganoon ang obra mo lahat," and she added. I walked towards her. Titig na titig siya sa akin dahil nakikita na niya ang nagbabadya kong mga luha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD