Nasa loob si Yoona at Chelsea sa loob ng dressing room. Busy si Chelsea sa pagsusukat ng dress na babagay sa kaniya. Dinampot ni Yoona ang midnight blue fitted dress, "Subukan mo nga 'to." Pakli nito kay Chelsea habang iniabot ang dress. "Sana bagay na sa 'kin ito, dahil kung hindi, talagang mag-u-uniform na lang talaga ako," wika niya. "Halos lahat naman ng sinukat mo ay bagay sa 'yo kaya lang masiyadong maikli at kita ang likod at harapan mo. Baka mamaya, isipin pa ng mga magulang ni Harry na parang wala kang respeto sa sarili mo at sa mga magulang niya na alam mong sa kanila ka haharap ngayong gabi. Sige na, isukat mo na 'yan," utos nito. Sinukat niya naman ang dress na iniabot sa kaniya ni Yoona, "Ano sa tingin mo, Madam?" "Perfect! Bagay na bagay sa 'yo, Chelsea!" kilig na w

