Kabadong-kabado si Chelsea dahil tinawagan siya ni Harry. "Sigurado ka na ipakikilala mo ako sa mga magulang mo? I thought, galit sila sa iyo," wika niya sa kabilang linya. "Yes, galit sila sa 'kin dahil sa pagkatao ko but now, alam kong magiging masaya sila lalo na kapag nalaman nila na may girlfriend ako. Matagal na nilang pangarap na mag-asawa ako and I think, this is the right time para makilala nila ang babaeng pakakasalan ko at makakasama ko habangbuhay and it's you, Chelsea." Magkahalong emosyon ang naramdaman ni Chelsea, bukod sa kabado siya ay masaya rin siya dahil ramdam niya na gusto na talaga siya ni Harry. "Pero... kinakabahan ako, Harry. Hindi ako ready sa mga ganiyan, eh kung magkataon ay first kong ipakilala ako sa magulang ng boyfriend ko," saad niya rito. "Ano ka ba?

