Tapos na ang kasal, galing na sila ng St. Claire Church. Tumungo sila sa Casa de Lavien, isang malaking hotel kung saan naganap ang celebration ng kasal nina Yza at Alfonso. Kahit hindi siya ay hinila siya ng kaibigan niyang si Rose papunta sa nakahilerang mga abay na nakatalikod upang abangan ang pagtapon ni Yza ng bulaklak. "Bakit pati ako kasabay rito? Hindi puwede, nakakahiya!" reklamo niya kay Rose. "'Yan ang request ni Yza na kailangang kasabay ka ng mga abay sa pagsalo ng bulaklak," kuwento nito. "Pero nakakahiya naman!" "Yoona, 'wag ka nang magreklamo pa riyan dahil kasabay ka talaga sa sasalo ng bulaklak, kaya 'wag ka nang umalis diyan!" bulalas ni Yza sa likuran. Nilingon niya ang bagong mag-asawa at sinamaan niya ng tingin, "Bakit pati ako kasama rito?" "'Wag ka na ma

