Chapter 106

1280 Words

Pagbaba pa lang ni Chelsea ng kotse ay ramdam na ramdam niya na ang mala-drum na t***k ng kaniyang puso. Kinakabahan talaga siya nang sobra. "Are you alright?" tanong sa kaniya ng kaniyang boyfriend na halatang sabik sa mangyayari. Bahagyang tumango siya, "Hmm, oo. Okay lang ako, kahit medyo kabado talaga." Humarap ito sa kaniya at hinawakan siya sa magkabilang balikat, "Just relax, okay? Hindi naman cannibal ang parents ko para mangain." Sarkastikong sambit nito. Binigyan siya nito ng matamis na ngiti, "Tutuloy pa ba tayo? Parang kabado ka kasi talaga, eh. Halatang-halata sa mga mata mo." Umiling siya, "Siyempre, itutuloy. Alangan umatras pa tayo, eh, nandito na tayo. Saka, mas mabuti nang maipakilala mo na ako para matahimik na ang puso ko sa kakakabog. Ayoko namang maging duwag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD