Hindi maipaliwanag ang sayang nararamdaman ni Chelsea dahil sa nangyari nang gabing iyon. Masaya siya na tanggap siya ng pamilya ni Harry. Dire-diretso siyang pumasok sa opisina ni Yoona para ikuwento ang buong nangyari. "Madaaaaaam! May magandang balita ako!" bungad niya rito nang pagbukas niya nang pinto kaya napapitlag ito. "Hay naku, ugali mo na talaga ang hindi man lang kumakatok bago pumasok," pakli nito sa kaniya. "Ay, oo nga pala. Sorry na po, excited lang kasi akong ikuwento sa 'yo ang nangyari kagabi," saad niya. "Bakit, ano ba iyon?" "Malapit na kaming magpakasal ni Harry," balita niya. "Talaga? Nakilala ka na ba ng parents niya?" "Oo naman, Madam. Sa una nga ay pinagdudahan kami ng mga magulang niya na baka raw niloloko namin sila, dahil hindi talaga sila makapani

