Katulad ng lagi niyang ginagawa, nasa labas na naman siya ng company, hinihintay na pumasok ang kaniyang ex sa loob. Ano kaya kung tapos na ang kaniyang bakasyon? Hays, saan ba kasi pumunta ang taong iyon? Nakakainis naman! Ano kaya kung pumunta ako ngayon sa opisina niya? Pero ano naman ang gagawin ko roon? Malamang na wala pa siya kasi hindi pa nga siya pumapasok, tanghali na, eh. Sabi kasi isang linggo lang. Aniya. Magdadalawang linggo na pero hindi pa rin pumapasok ng opisina si Lune Bleue. Bumalik na lamang siya sa loob ng kaniyang kotse at pinaharurot iyon. Nang pag-alis niya ay saka naman dumating si Lune Bleue sa kompaniya. Medyo mahaba ang kaniyang bakasyon. Bago siya magbakasyon ay nagpadala siya ng sulat kay Yoona at ang nakasulat ay... 'I MISS YOU SO MUCH!" Isang napakaikl

