Isang malawak na ngiti ang isinalubong niya sa kaniyang mama at kapatid, pagpasok niya sa loob ng kanilang bahay. Nadatnan niya sa sala ang dalawa habang busy na nanonood ng palabas sa television. Napabaling naman ang tingin ng mga ito sa kaniya. "Ate? Bakit parang nanalo ka sa lotto? Ngiting panalo ka ngayon, e!" bungad sa kaniya ng kaniyang kapatid habang nakalukot ang noo nito. Hingal na hingal siya dahil nagtatatakbo siya patungo sa loob ng bahay galing sa garahe, "Ma... may good news ako sa inyong dalawa." "Ano 'yon, anak?" tanong ng kaniyang ina. Bigla siyang umupo sa pagitan ng dalawa at inakbayan niya ang mga ito, "Hulaan ninyo mo na!" "Ah, nagkabalikan na kayo, 'nak?" wika ng kaniyang ina, na ang tinutukoy ay ang kaniyang ex na si Lune Bleue. "Mama, hindi po 'yan. Malayo

