24

629 Words
SACHI'S POV Maaga pa lamang ay gising na kami agad sapagkat pinag-aayos na kami agad ng gamit ni Director Montero. Bandang alas dyes daw kasi ng umaga ay magsisimula na kaming maglakbay para sa misyon. At nakakalungkot sapagkat hindi napagbigyan ang hiling ni Lyca. Hindi siya makakasama sa mission. Medyo panatag naman ako doon sapagkat masisiguro namin ang kaligtasan niya. Ang iniisip ko lang ay ang nararamdaman ngayon ni Lyca. Pagbaba ko sa may kusina ay naabutan ko pa si Lyca na umiinom ng kape. Nang makita niya ako ay agad siyang nag-iwas ng tingin. Namumugto pa nga ang mga mata niya na sa tingin ko ay dahil sa pag-iyak niya. Huminga ako ng malalim at saka lakas loob na tumabi sa kaniya. "Lyca, alam kong masama ang loob mo at hindi ko alam kung paano iyon pagagaanin. Pasensya ka na kung wala akong magawa upang matulungan ka," mahina kong sabi sa kaniya. Tipid naman siyang ngumiti. "It's not your fault. Wala naman tayong magagawa sa desisyon ng director. Nakakasama lang talaga ng loob na hindi niyo ako kasama," sabi naman niya. "Hindi mo rin siguro sila masisisi dahil pinangangalagaan ka lang niya. Marahil ay hindi lamang sa kadahilanan na ikaw ang prinsesa, paniguradong pinangangalagaan ka niya sapagkat iyon ang bilin ng iyong mga magulang," mahabang sabi ko naman. Marahan namang tumango si Lyca bilang pagsang-ayon sa sinabi ko. "Ngunit nakakapanghinayang lang talaga na hindi ako ang makakahanap ng kwintas ni Daddy. Alam ko kung gaano kahalaga iyon sa kaniya kaya gusto ko sana ay ako ang makahanap no'n," malungkot pa niyang sabi. "I'm sure naman ay maiintindihan ng daddy mo iyon. At saka sa 'yo pa rin naman mapupunta ang kwintas na iyon," nakangiting sabi ko naman. "Ngunit hindi lang dahil sa kwintas kaya gusto kong sumama. Masyadong mapanganib ang misyon kaya nag-aalala ako sa kaligtasan niyo lalo na ni Blake," pag-amin pa niya sa akin. Maski ako ay kinakabahan din sa kung ano mang nag-aabang sa akin doon. Kaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko ngunit hindi ko pa rin maiwasan ang kabahan. Ito ang kauna unahan kong mission at kauna unahan ding paglabas sa academy. Magkahalong takot at excitement ang nararamdaman ko. "Huwag kang mag-alala, Lyca. Babalik kami dito ng buong buo kasama ang kwintas ng daddy mo," nakangiting sabi ko naman. Ngumiti rin sa akin si Lyca. Isang ngiti na ngayon ko na lang ulit nakita simula nang malaman namin ng tungkol sa mission. "Sabagay nga. Mga Grandis at Sub-Grandis kayo kaya hindi na dapat ako nag-aalala pa. Masyado lang siguro akong nag-over react sa mga nangyari." "Huwag ka nang masyado pang mag-isip ha. At huwag mo na ring awayin si Blake. Nakakatakot ka pala kapag nagagalit," pabiro ko namang sabi sa kaniya. Napatawa naman si Lyca. "Dahil sa kagustuhan kong makasama sa inyo, hindi ko na naisip na mas mag-aalala sa akin ang director lalo na si Blake. Naisantabi ko ang nararamdaman ng mapapangasawa ko." Bahagya akong natigilan dahil sa sinabi niyang iyon. Hindi na dapat ako nagugulat pa sa word niyang "mapapangasawa" ngunit may kung anong bara ang nasa lalamunan ko. Hindi ko magawang makapagsalita pa. "May ipapakiusap lang sana ako sa 'yo," dugtong na sabi pa sa akin ni Lyca. "Ano iyon?" tanong ko naman. "Kung maaari sana ay ikaw ang makahanap at maghawak sa kwintas. Mas panatag ako kapag alam kong ikaw ang mag-aalaga nito hanggang sa maibigay na ito sa akin," seryosong sabi naman niya. "Gagawin ko ang buong makakaya ko," sabi ko naman. Agad akong niyakap ni Lyca sa sobrang tuwa niya. Alanganin man ay yumakap na lang din ako pabalik. Hindi ako sigurado sa ibig sabihin niya ngunit sumang-ayon na lamang ako. At isa pa, gagawin ko naman talaga ang lahat upang maging matagumpay ang mission na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD