23

1043 Words
SACHI'S POV Dahil sa mission namin ay hindi na kami pinapasok ni Director Montero sa academy. Kailangan daw kasi naming magpahinga dahil maaaring bukas ay lumakad na kami. Literal na lalakad daw talaga kami dahil hindi kami maaaring magsasakyan. Makakaagaw daw kasi iyon sa atensyon ng mga Dark Maxime. "Blake, nakikiusap ako. Pilitin mo ang ama mo na isama ako sa mission," agad na bungad ni Lyca nang makauwi kami sa dorm. Nauna na siya doon dahil nga sa pagwalk out niya kanina. Napatingin ako kay Blake na hindi man lang tinapunan ng tingin si Lyca. Naaawa ako kay Lyca at gusto ko siyang tulungan ngunit hindi ko alam kung paano. Kung mayroon nga sigurong makakatulong sa kaniya ay si Blake iyon. "Blake," pagtawag ulit ni Lyca dahil mukhang walang balak itong si Blake na pansinin siya. Hindi pa rin nagsalita si Blake. Naglakad lang siya papunta sa may kusina na agad namang sinundan ni Lyca. Susunod din sana ako sa kanila ngunit agad na hinawakan ni Monica ang kamay ko. "Huwag ka nang makisali sa usapan nila, Sachi," seryosong sabi pa niya sa akin. Marahan akong tumango. Hinila niya ako paupo sa sofa at ganoon din si Clyde. Nakaupo lang kami habang hinihintay ang magiging pag-uusap ng dalawa. "Blake, kausapin mo naman ako!" narinig kong sigaw ni Lyca. Mahahalata sa boses niya na naiinis na siya dahil binabalewala pa rin siya ni Blake. "Hindi mo ba talaga maintindihan? Para sa kapakanan mo rin ito," narinig kong sabi naman ni Blake. Medyo kinilabutan pa ako sa boses niya sapagkat napakaseryoso nito. "Gamit ng Daddy ko iyon at gusto kong ako ang makakuha no'n. Sana maintindihan mo rin na nangungulila ako sa mga magulang ko," sabi naman ni Lyca na sa palagay ko ay umiiyak na. "Ngunit sana ay maisip mo rin na hindi ka pwedeng mapahamak. Sa tingin mo ba, kung nabubuhay sila, papayagan ka nila sa mission na ito?" mahabang sabi naman ni Blake. Nagkatinginan kami ni Monica. Nakakarami na ng pagsasalita si Blake dahil kay Lyca. Hindi na talaga maitatanggi na sila ang nakatadhana para sa isa't isa. At hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit may kakaiba sa nararamdaman ko. Hindi ko na narinig na nagsalita pa si Lyca. Nakita na lamang namin siyang lumabas ng kusina. Umiiyak siya at hindi niya kami pinansin. Nagderetso na lamang siya sa taas sa kwarto niya. "Maaari bang tayo na lamang ang kumausap sa director?" hindi ko napigilang itanong kay Monica. "Sachi, kahit kami ay gustong gusto naming isama si Lyca ngunit mas pipiliin ko pa rin ang kaligtasan niya," seryosong sabi naman sa akin ni Monica. "Ngunit paano nga niya pamumunuan ang kaharian kung bine-baby nga natin siya?" sabi ko naman. "Hindi pa lubusang handa si Lyca, Sachi. Alam mo bang hindi pa niya magawang kontrolin ang tatlo pang elemento na sumasakop sa Earth Special niya?" sabi naman sa akin ni Clyde. Kumunot ang noo ko. "Anong tatlo pang elemento?" naguguluhan kong tanong. "Ang Water, Air at Fire Special. Dahil siya ang may hawak ng Earth Special, may kakayahan din siyang kontrolin ang mga Special namin. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa niya ito napapalabas kaya hindi natin siya kayang ipahamak. Hindi pa lubusang handa ang prinsesa," paliwanag naman sa akin ni Clyde. Tumingin ako kay Monica at marahan naman siyang tumango sa akin. Hindi na ako nakapagsalita pa dahil lumabas na rin ng kusina si Blake. Deretso siyang nakatingin sa akin kaya agad akong umiwas ng tingin. "Don't do anything st*pid, Annasha," seryosong sabi sa akin ni Blake. "Blake," pagsaway naman ni Monica kay Blake. Naikuyom ko ang mga kamao ko dahil sa sinabi sa akin ni Blake. Hindi pa man ako nakakamoved on sa ginawa niya sa akin kahapon ay heto na naman siya. "Ayoko nang madagdagan pa ang pabigat sa misyong ito," dugtong na sabi pa ni Blake. Hindi ko na napigilan pang tumayo at lumapit kay Blake. "Bakit? Sa tingin mo ba ay pabigat ako? At pabigat din si Lyca?" nanghahamon kong tanong pa sa kaniya. Isang ngisi ang ipinakita ni Blake na mas lalong ikinainis ko. "Baka nakakalimutan mong ako ang nagligtas sa inyong lahat laban sa Dark Maxime na nagtangka sa inyo. Kaya huwag mo akong mamaliitin Mr. Blake Montero. At huwag mo ring mamaliitin ang kakayahan ni Lyca dahil kahit pagbali-baligtarin pa ang mundo, siya ang pinakamalakas sa ating lahat." Hindi ko gustong isumbat ang ginawa ko noon. Ngunit dahil sa pangmamaliit sa akin ni Blake ay hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Alam ko namang marami pa akong dapat na matutunan ngunit hindi ko lang matanggap na isang pabigat lang ang turing sa akin ng lalaking ito. "Sub-Grandis, just stop talking and prove your worth." Pagkasabi no'n ni Blake ay umakyat na rin siya. Aatakihin ko na sana siya ngunit agad akong pinigilan ni Monica. "Stop Lyca. Walang patutunguhan kung papatulan mo pa siya," seryosong sabi niya sa akin. "Hindi ko na kaya pang sakyan ang ugali niya, Monica," naiinis na sabi ko naman. "We know. Pero sana ay malaman mo rin na ganyan talaga siyang magsalita, hindi para i-down ang kaibigan niya, kundi upang iangat ka pa, at magkaroon ng courage na mas pagbutihin mo pa," sabi naman sa akin ni Clyde na nanatiling nakaupo sa sofa. "Well, sa inyo siguro, oo. Pero sa akin? Alam naman nating hindi niya ako tanggap," deretsong sabi ko naman. "Teka, paano mo naman nasabi 'yan?" tanong naman sa akin ni Monica. Isang tipid na ngiti ang pinakawalan ko. Ayoko nang magpaliwanag pa sapagkat mahabang usapin na naman ito. "Sachi, isa lang ang ipapakiusap ko sa 'yo. Huwag mo sanang husgahan si Blake. Huwag mong iisipin na ang mga ginagawa niya ay dahil sa hindi ka niya gusto sapagkat kasalungat iyon. Intindihin mo na lamang sana siya," sabi naman ni Clyde. Pagkasabi niya no'n ay umakyat na rin siya sa kwarto niya. Ngumiti pa sa akin si Monica at saka umakyat na rin. Napabuntong hininga na lamang ako. Hindi ko alam kung ano bang ipinupunto talaga ni Clyde. Hindi na lang ako mag-iisip pa at umakyat na lang din sa kwarto ko. Ipapahinga ko na lang din ang katawan ko sapagkat mahaba habang paglalakbay ang mangyayari kung sakali mang matuloy na kami agad bukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD