40

1685 Words
SACHI’S POV Habang naglalakad kami pabalik sa academy ay tahimik ang mga kaibigan ko. Marahil ay nalulungkot sila na hindi namin nadala ang kwintas ni King Caylix. Maski ako naman ay nalulumbay din sapagkat nangako ako kay Lyca na dadalhin ko sa kaniya ang kwintas na iyon. Ngunit ang tanging nadala ko lamang ay ang kwintas na handog sa akin ni Mayumi. Ang kwintas na ito ay kulay silver na katamtaman lang ang haba at ang pendant ay isang water drop na may mga gold particles sa loob. Nahihiya man ako ay labis ang kasiyahan ko nang makita at maisuot ang kwintas na ito. Pakiramdam ko ay worth it lahat ng ginawang paglaban ko kay Mayumi. At isa pa, nagawa kong mabihasa ang aking kakayahan kaya nagpapasalamat pa rin ako sa diwata ng kagubatan. Ang kailangan ko sigurong gawin na lamang pagkauwi ay ang ipaliwanag kay Lyca ang nangyari. “Paniguradong madi-disappoint si Lyca kapag nalaman niyang hindi natin dala ang kwintas ng kaniyang ama,” pagbasag ni Monica sa katahimikan. Saglit kong sinulyapan si Blake na nasa likod ko. Blangko lamang ang kaniyang ekspresyon kaya hindi ko mabasa kung anong iniisip niya ngayon. Nakakakaba na baka ako ang sinisisi niya kaya hindi kami nagtagumpay sa mission. Kahit naman maliwanag ang naging dahilan ni Mayumi, hindi ko pa rin kasi maiwasan na sisihin ang sarili ko sa kapalpakan namin. “Sa tingin niyo ba ay ipapadala ng director si Lyca sa diwata ng kagubatan upang siya ang kumuha ng kwintas?” seryosong tanong naman ni Clyde. Nagkibit balikat si Monica. Maski ako ay hindi ko rin alam kung anong magiging desisyon ni Mr. Montero tungkol sa kwintas. At isa pa, may mensahe rin si Mayumi sa kaniya kaya naniniwala akong ang desisyon ng director ay depende pa rin sa nakalagay sa sulat. “Malapit na tayo sa lugar ng mga Baredog kaya maghanda kayo,” malamig na sabi ni Blake. Pinagmasdan ko ang paligid at nasa lugar na nga kami kung saan inatake kami ng mga Baredog. Pinakiramdaman ko ang paligid at wala akong maramdaman na panganib. Pinagmasdan ko ang mga kaibigan ko at lahat sila ay alerto. Mahaba haba na rin ang nalakbay namin at wala naman kaming nakakasalubong na kahit na anong kalaban. Maski ang mga Dark Maxime ay hindi yata kami naramdaman. Nakahinga kami ng maluwag nang ligtas kaming makalagpas sa lugar ng mga Baredog. Malapit na kami sa gate ng academy kaya bumibilis na ang t***k ng puso ko. Halos isang linggo rin kaming wala sa academy kaya ganoon na lamang ang kabang nararamdaman ko. Pagkabukas ng gate ay si Director Montero at Lyca ang sumalubong sa amin. Malaki ang ngiting ibinigay sa amin ni Lyca at ng director habang kami ay hindi maipinta ang mga mukha. “Maligayang pagbabalik, Grandis at Sub-Grandis,” nakangiting sabi ni Director. “Mr. Montero, may dapat po kayong malaman,” seryosong sabi ni Clyde. Unti unting nawala ang mga ngiti sa labi ng dalawa. Mabuti na lamang pala na naitago ko sa loob ng damit ko ang kwintas dahil baka akalain ni Lyca na iyon ang kwintas ng kaniyang namayapang ama. Sumeryoso ang mukha ni Director Montero at tumikhim pa bago magsalita. “Sa opisina tayo mag-usap usap,” seryosong sabi pa niya. Nagsimulang maglakad ang director at sumunod sa kaniya si Lyca. Ang inaasahan ko kasi ay lalapit sa amin ni Monica si Lyca para mangamusta ngunit kabaligtaran ang nangyari. May ideya na yata siya na hindi namin nakuha ang kwintas. Tahimik na lang kaming sumunod sa dalawa hanggang sa makarating kami sa Admin building. Napabuntong hininga ako sapagkat ito na naman ang pangangailangang lumipad para makarating sa opisina ng director. Tila nakalimot na yata sina Monica sapagkat lumipad na ang mga ito at naiwan ako sa lapag. “After what you’ve been through, don’t tell me you still don’t know how to fly?” malamig na tanong sa akin ni Blake na nasa likod ko pa pala. Hindi na ako nakapagsalita pa dahil bigla na lamang akong umangat pataas. At doon ko na-realize na hawak na pala ako ni Blake sa may braso ko kaya napasama na ako sa paglipad niya. Nang makarating kami sa taas ay nakita ko pa si Lyca na nakatingin sa kamay ni Blake na nakahawak sa akin kaya agad akong lumayo kay Blake. Nauna nang pumasok sa opisina ang director at si Lyca. Sumunod si Blake at Clyde at nahuli kami ni Monica. Nang makapasok kami ay kusang sumara ang pinto ng opisina. “Base sa reaksyon niyo ay mukhang hindi kayo nagtagumpay sa mission niyo,” seryosong sabi ni Mr. Montero. Napatingin ako kay Lyca na seryosong nakatingin sa akin. Napatungo na lamang ako dahil alam kong masama ang loob niya sa akin. Hindi ko natupad ang pangako ko sa kaniya kaya may karapatan siyang magalit sa akin. Sana lamang ay maintindihan niya kapag naipaliwanag na namin sa kaniya ang lahat. “Nakilala namin ang diwata ng kagubatan, at may mensahe siya sa ‘yo,” seryosong sabi ni Blake at saka niya iniabot ang scroll sa kaniyang ama. Agad naman itong tinanggap ni Mr. Montero. “She’s really existing,” hindi makapaniwalang sabi ng director. “Anong dahilan kung bakit hindi niyo nakuha ang kwintas?” naiiyak na tanong ni Lyca. “We did our best, Lyca. Ngunit matindi ang paninindigan ni Mayumi. Wala siyang pagbibigyan ng kwintas kundi ikaw lamang. Totoo po ang haka-haka natin na makapangyarihan ang kwintas ni King Caylix kaya walang ibang pagkakatiwalaan ang diwata kundi ang prinsesa lamang, si Lyca,” paliwanag naman ni Monica. Tumingin ako kay Lyca at nakita ko siyang umiiyak na. Hindi siguro niya inaasahan ang dahilan kung bakit hindi namin nakuha ang kwintas niya. Ramdam ko pa naman ang excitement niya na makita ang natitirang alaala ng kaniyang ama. “Kung gayon ay sa diwata pala ng kagubatan ipinagkatiwala ni King Caylix ang kaniyang kwintas,” sabi naman ng director. Biglang tumayo si Lyca sa pagkakaupo niya at akmang lalabas na sana ng opisina ngunit agad siyang nahawakan ni Blake para pigilan. Hindi sinasadyang mapatingin ako sa kamay ni Blake na nakahawak sa kamay ni Lyca. Agad akong umiwas ng tingin sa hindi ko malamang dahilan. “Saan ka pupunta, Lyca?” nagtatakang tanong ni Mr. Montero. “Ako lang ang tanging pagbibigyan ni Mayumi ng kwintas kaya pupuntahan ko siya.” determinadong sagot naman ni Lyca. “Huwag kang magpadalos-dalos Prinsesa sapagkat mapanganib ang maglakbay,” sabi naman ni Clyde. “Ayan na naman kayo sa pagiging over-protective niyo. Kung pinasama niyo na sana ako ay hawak ko na sana ang kwintas. Sana ay pinasama niyo na lamang ako kung hindi niyo naman pala mapapagtagumpayan ang mission,” naiinis na sabi naman ni Lyca. Tumayo si Monica at matapang na hinarap si Lyca. “Walang nakakaalam na may kundisyon pala ang diwata para ibigay ang kwintas. Sa tingin mo ba ay ipapaiwan ka ni Director kung alam niya ang tungkol doon?” dere-deretsong sabi pa ni Monica. “Tama siya, Prinsesa. Kung alam ko lang na hindi maaaring ibigay sa iba ang kwintas, isusugal ko ang kaligtasan mo upang pumunta sa diwata ng kagubatan,” seryosong sabi naman ni Mr. Montero. “Kung gayon ay payagan mo akong pumunta doon. Kukunin ko ang kwintas ng aking ama,” plain na sabi pa ni Lyca. Bahagya akong nanibago sa ugaling ipinapakita ni Lyca. Parang biglang nawala ang mabait at mahinhin na prinsesang nakilala ko noon. Ganito yata ang epekto sa kaniya ng mga nalalaman niya. Hindi ko siguro siya masisisi kung masama man ang loob niya. Noong una pa lang kasi ay gustong gusto niyang sumama sa mission ngunit hindi naman siya pinayagan. “Hintayin mo munang mabasa ko ang mensahe ng diwata at saka ko kayo muling ipapatawag para sa isa pang mission,” seryosong sabi naman ni director. Mapaklang napatawa si Lyca kasabay ng pagtulo pa rin ng luha niya. “Bakit hindi mo na basahin ngayon upang makapagdesisyon ka agad,” sabi pa ni Lyca. “Lyca, nawawalan ka na ng galang sa director,” malamig na sabi ni Blake at saka marahas na binitawan ang kamay nito. Napatungo naman si Lyca. “Ipagpatawad niyo po ang katampalasan ko,” mahinang sabi pa niya. Marahan namang napatango si Mr. Montero. “Makakabalik na kayo sa dorm niyo. Ipapatawag ko na lamang ulit kayo,” seryosong sabi niya. Tahimik kaming lumabas ng opisina ng director. Lalapitan ko na sana si Lyca ngunit agad na lumapit ito kay Blake. “I am really sorry, Blake. Naiintindihan mo naman siguro ako, hindi ba?” mahinang tanong ni Lyca. Tumingin naman si Blake kay Lyca. “Still, you need to show some respect to my father.” Iyon lang ang sinabi ni Blake at bumaba na siya para makalabas sa admin building. Naglakas loob naman akong lapitan si Lyca ngunit agad akong pinigilan ni Monica. Nang tumingin ako sa kaniya ay marahan siyang umiling. Hindi ako binitawan ni Monica hanggang sa hindi pa nakakaalis si Lyca. Nang makaalis si Lyca ay saka ako binitawan ni Monica. “Sobrang sama ng loob ni Lyca kaya hayaan na muna natin siya. Hayaan na muna natin siyang magpalamig,” seryosong sabi sa akin ni Monica. Nagpakawala ako ng buntong hininga. “Nakokonsensya ako. Pakiramdam ko ay ako ang dahilan kung bakit hindi tayo nagtagumpay sa mission,” pag-amin ko sa kaniya. “Ano ka ba? Huwag mong sisihin ang sarili mo. Kung tutuusin nga ay ikaw ang dahilan kung bakit naging malinaw sa atin ang tungkol sa kwintas. Huwag ka na munang mag-isip at magpahinga ka na lang muna.” Sabay na kaming umuwi ni Monica sa dorm. Pagdating namin doon ay wala si Lyca maski si Blake. Baka nag-uusap na ang dalawa. Dumeretso na lang ako sa kwarto ko. Agad akong naligo at pagkatapos ay nahiga sa bed ko. Bahagya akong nakahinga ng maluwag nang lumapat ang likod ko sa malambot na foam ng kama ko. Parang biglang napagod ang katawan ko kaya ipinikit ko na lamang ang mga mata ko at nagpahila sa antok na nararamdaman ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD