30

492 Words
MONICA'S POV Katulad ng napag-usapan ay maaga akong gumising ngunit nagulat ako na mas maaga pang nagising sa akin si Sachi. Pagmulat ko kasi ng mga mata ko ay wala na siya sa tabi ko. Bumangon na lamang ako at paglabas ko ng tent ay gising na rin sina Blake at Clyde. "Good morning," masayang bati ko sa kanila. "Good morning, Monica. Si Sachi? Tulog pa ba?" tanong naman sa akin ni Clyde. Kumunot ang noo ko at lumingon lingon sa paligid ko. "Naunang magising si Sachi sa akin," seryosong sabi ko pa. Parehong kumunot din ang noo nina Clyde at Blake. Naglakad lakad si Blake sa paligid. Si Clyde naman ay ginagamit ang Air Special niya upang mahanap ang amoy ni Sachi. Ako naman ay inayos ko na ang mga gamit ko upang kapag nahanap na namin si Sachi ay aalis na kami agad. "Hindi ko siya makita sa paligid," narinig kong sambit ni Blake kaya agad akong lumapit sa kanila. "Hindi ko rin maamoy ang scent niya sa hangin," kinakabahang sabi naman ni Clyde. Maski ako ay kinabahan na rin sapagkat kung hindi naamoy ni Clyde ang amoy ni Sachi, ibig sabihin ay wala sa paligid ang kaibigan namin. Ibig sabihin no'n ay malayo sa amin si Sachi. "Saan natin siya hahanapin?" nag-aalalang tanong ko sa dalawa. Napahawak si Blake sa kaniyang noo habang si Clyde naman ay bumuntong hininga. Malaki ang magiging problema kung hindi agad namin mahahanap si Sachi. Habang tumatagal na hindi namin siya nakikita ay mas lalo siyang malalagay sa panganib. Hindi pa niya kabisado ang lugar na ito kaya baka kung ano nang nangyari sa kaniya. "Maghiwalay tayo. Clyde and Monica, sa kanan kayo. Dito ako sa may kaliwa. Magkita ulit tayo dito pagkalipas ng kalahating oras," seryosong sabi ni Blake. Sumang-ayon kami sa sinabing iyon ni Blake. Sabay na kaming naglakad paalis ni Clyde. Habang naglalakad ay palingon lingon ako sa paligid at nagbabaka-sakaling makita si Sachi. Sobrang nag-aalala na ako sa kaniya at nagsisimula nang mamawis ang mga kamay ko. "Clyde, okay naman si Sachi, hindi ba? Marahil ay naligaw lamang siya kaya hindi siya agad nakabalik sa pwesto natin kanina," natatakot kong sambit kay Clyde. "Huwag ka na munang mag-isip ng kung ano. Alam naman nating malakas si Sachi kaya walang mangyayaring masama sa kaniya," sabi naman ni Clyde ngunit mababakas pa rin sa tinig niya ang pagkabahala at pagkatakot. "Nasaan ka na ba, Sachi?" paiyak na sabi ko sa aking sarili. Hindi ako sigurado kung anong oras siya lumabas ng tent. Sa sobrang pagod ko kasi kahapon ay dere-deretso lang ang tulog ko. Pagkahiga ko ay nakatulog agad ako at nang magising nga ako kanina ay wala na siya sa tabi ko. Sana ay maayos lang siya sapagkat hindi namin maitutuloy ang misyon na ito kung may mangyayari mang masama sa kaniya. At isa pa, hindi ko na yata kakayanin na makita siyang nasa bingit ng kamatayan katulad ng nangyari noon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD