31

270 Words
THIRD POV Wala sa sariling nagte-training ngayon si Lyca. Ikalawang araw na ng mission ng mga kaibigan niya at nagsisimula na siyang ma-boring. Wala kasi siyang makausap sa dorm. May mga kasama nga siya doon ngunit napaka-pormal ng mga ito sa kaniya. Nami-miss na niya ang mga kaibigan niya at kating kati na siyang sundan ang mga ito. "Lyca, I need you to focus!" sigaw sa kaniya ni Ms. Aira na nasa kabilang dulo ng training field. Naglalaban kasi sila ngayon bilang parte ng training nila. Ngunit dahil sa kawalang gana, iniiwasan lang niya ang mga atake ng trainor at hindi niya magawang umatake rin. Lumilipad ang kaniyang isipan kung kaya't nasigawan na siya ni Ms. Aira. "Pasensya na po, Ms. Aira," hinging paumanhin niya sa binibini. Tila lumambot naman ang trainor niya sa narinig. Biglang nawala ang shield nilang dalawa at saka marahang lumapit si Ms. Aira kay Lyca. "Alam kong iniisip mo ang mga kaibigan mo. Ngunit Prinsesa Lyca, kailangan mo pa ring ipagpatuloy ang training mo," seryosong sabi ni Ms. Aira. "Naiintindihan ko naman po iyon. Ang hindi ko po maintindihan ay kung bakit hindi pa rin lumalabas ang ibang Special ko," namomroblemang sagot naman ni Lyca. "Kaya nga tayo nagsasanay upang mapalabas na sila, hindi ba?" Napabuntong hininga si Lyca. Sa totoo lang ay naiinip na siya. Isa siyang prinsesa at pinaniniwalaan na pinakamalakas sa lahat ngunit hindi naman niya maramdaman iyon. Ni hindi niya magawang siya mismo ang kumuha sa kwintas ng kaniyang ama. At hindi siya makapag-isa sa dorm sapagkat pinoprotektahan siya ng lahat. Siya ang pinakamalakas ngunit pakiramdam niya ay isa siyang mahina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD