33

491 Words
THIRD POV Makalipas ang kalahating oras ay muling nagkita ang magkakaibigan na sina Blake, Clyde at Monica sa tabing ilog. Bawat isa ay umaasa na kasama na ng isa sa kanila si Sachi. Ngunit sa kasamaang palad ay wala ni isa sa kanila ang may kasama kay Sachi. "Nasaan na si Sachi?" naiiyak na tanong ni Monica habang inililibot pa rin ang paningin sa kanilang paligid. Marahang umiling si Clyde habang si Blake naman ay hindi nagsalita. Hindi siya makapag-isip ng maayos ngayon sapagkat hindi niya alam kung ano ang uunahin, ang mission nila o ang patuloy na paghahanap sa dalaga. Gustong gusto niyang ipagpatuloy ang paghahanap ngunit kasabay naman noon ay ang pagtakbo ng oras at ang mabilis na papalapit na deadline na ibinigay sa kanila ng director. Kung hindi nila mapapagtagumpayan ang paghahanap sa kwintas ng yumaong hari ay ito na rin ang kauna-unahan nilang mission na hindi napagtagumpayan. "Mas mabuti pa sigurong ipagpatuloy na natin ang paglakad," wala sa sariling sambit niya. Agad namang napabunga ng hangin si Monica. "What? Iiwan na lang natin ng gano'n gano'n si Sachi?" hindi makapaniwalang tanong pa niya. "Hindi natin siya iniwan sapagkat wala naman siya sa paligid," balisang sagot naman niya. Hindi siya sanay sa mahabang diskusyon ngunit sa pagkakataong ito ay nais niyang ipaintindi sa mga kaibigan niya ang ipinupunto niya. Hindi niya gustong itigil ang paghahanap kay Sachi ngunit hindi rin niya pwedeng ipagsawalang bahala ang mission. "Paano kung napahamak na pala siya, Blake?" seryosong tanong naman ni Clyde na pirming nakaupo sa may ilalim ng puno. "Malakas siya, hindi ba? She's a Sub-Grandis," plain na sabi naman ni Blake. Sa lahat ng ipinamalas ni Sachi ay naniniwala na siyang malakas nga talaga ang dalaga. Lalo na't ang ilang Special ay nagawang talunin nito. Natatakot siya ngunit mas nangingibabaw ang pakiramdam niyang nasa maayos na kalagayan si Sachi. Kaya kahit na mabigat sa kaniyang kalooban ay mas kailangan niyang unahin ang mission bago hanapin ang dalaga. "Ganyan ka na ba talaga, Blake? Paano natin mahahanap ang kwintas kung kulang tayo ng isa?" naiinis na sabi naman ni Monica. Marahang napailing si Blake. Inaasahan na niyang ganito ang magiging reaksyon ng kaniyang mga kaibigan sa desisyon niya. Ngunit bilang leader ng kanilabg grupo ay kailangan niyang mamili. "Ako pa rin ang leader ng mission kaya sana ay respetuhin niyo ang desisyon ko," walang emosyong sabi niya sa dalawa. Nagkatinginan sina Clyde at Monica. Aalma pa sana si Monica ngunit marahang umiling si Clyde. Napabuntong hininga ang dalaga sapagkat nakiayon na si Clyde sa desisyon ni Blake. "Let's go," malamig na dugtong pa ni Blake. Nagsimula na silang maglakad sapagkat tumataas na rin ang araw. Mahaba haba pang lakarin ang kailangan nila bago makarating sa kweba. Kaya kailangan na rin nilang magmadali sapagkat unti unting nauubos ang kanilang oras. At sa naging desisyon ng tatlo, lingid sa kaalaman nila na may nanonood sa kanila at nasaksihan ang lahat ng kanilang napag-usapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD