Nang magising ako ay nasa isang kwarto na ako. Hindi ko maalala kung paano ako nakarating dito. Ang huling naaalala ko ay nasa gym lang ako at inaaway ng babaeng mukhang hito. Pagbangon ko ay saktong bumukas ang pinto ng kwartong tinutuloyan ko. Hindi ito ang kwarto ko sa shop. Ibang kwarto ito kaya wala akong ideya kung nasaan ako. “Gising kana pala, Ms.Abba.” “Cardo, nasaan ako?” Tanong ko sa kanya ng maupo ako sa gilid ng kama. “Nasa bahay ni Bossing. Ayos na ba ang pakiramdam mo? Pinapatingnan ka kasi ni Bossing eh!” Hindi ko na kailangan na magtanong kung sino ang bossing na sinasabi niya dahil alam ko namang si Diego iyon. Pero bakit kaya inuutosan pa nito si Cardo hindi ba pwedeng siya mismo ang magcheck sa kalagayan ko? Ganoon niya ba ako kaayaw? “Ayos na ako. Uuwi na a

