Pinagmasdan ko ang mga taong nasa labas at maingay na nagkakatuwaan. Kahit nandito na ako sa loob ng bahay ay dinig na dinig ko pa ang ingay nilang lahat. Hindi ba sila napapagod kakatawa at kakakwentohan? Dati naman sa States ay madalas akong nakikipag party pero hindi ako tumatagal ng lalagpas sa tatlong oras. Madalas kasi pag lumagpas na ako sa limit kung oras ay kung hindi ako mapapaaway, ay sobrang hindi na ako makakilos sa sobrang kalasingan ko. “Ayaw mo ba talagang bumaba?” tanong sa akin ni, Nay Caring. Sabi ko kasi ay sasamahan ko siya dito. Pero ang totoo ay iniiwasan ko lang ang anak niya. Ayokong muling magtagpo ang landas namin dahil sobrang kahihiyan talaga ang inabot ko sa kanya kanina. Hindi ko nga alam kung paano ko siya papakiharapan eh! “Dito nalang po ako,” tipi

