Pang ilang beses ko na yata itong ayos ng upo pero hindi pa rin ako mapakali sa ayos ko. Kada galaw ng sikasakyan ko ay bumabalik ako papunta sa harap. “Gusto mo bumaba ka nalang at maglakad pauwi?” singhal ni Diego sa akin ng lingonin ako. Umayos na ako ng upo at pilit tinitiis ang nakakailang na sitwasyong kinalalagyan ko ngayon. Ang tagal naman naming makarating sa kanila parang kaunti nalang ay aatakehin na ako sa sobrang kaba. Pupunta kami sa talon at naiwan kami ng van. Wala ding ibang masakyan, bukod sa kabayo nila kaya heto ako at kumakapit para sa buhay ko. Actually, lumalayo talaga ako sa kanya pero sa tuwing gagalaw ang kabayo ay umuusod ulit ako pabalik sa kanya. “Nakahawak ako, huwag kang sumigaw!” “Isa pang galaw mo ihuhulog nalang kita. Sasabihin ko nalang kay Nana

