PINAGMASDAN ko ang ulam na niluto ko. Hindi ko alam kung anong luto ang ginawa ko dito sa ulam na pinaluto sa akin ni Nay Caring. Basta sinunod ko lang lahat ng sinabi niyang gawin ko. Pero kahit ako ay hindi sigurado sa ginagawa ko. Kare-kare daw ito, I'm sorry lord pero mukha siyang pupu. Ngayon ang uwi namin ng Manila dahil ilang araw na kami dito. Pana'y na ang reklamo ni Diego na kailangan naming umuwi dahil laging nakabantay ang pamilya niya sa kanya. “Ate, ano ‘yan?” napangiwi ako sa tanong ni Mavi sa akin. Sasabihin ko ba ang totoo o magsisinungaling ako? Ang tanong maniwala kaya s’yang kare-kare ‘tong niluto ko? Bahala na nga! “Kare-kare.” Habang sinasabi iyon ay pinagmamasdan ko s’ya para makita kung ano ang reaksyon niya. Pero parang kahit isang nerves yata ay walang gum

