TAHIMIK ang paligid sa kabuuan ng villa ni Kenichi. May kadiliman din at tanging iilang dilaw na ilaw lang mula sa labas ng silid ang nagbibigay liwanag. Gayunman ay malinaw sa kanila ang kanilang mga nais. Malinaw din kay Kenichi ang mukha ng babaeng kayang palambutin ang kanyang damdamin at magpabaliw sa kanya. Hindi nila alam kung gaano na katagal na magkalapat ang kanilang labi. Ang alam lang niya sa oras na iyon ay ang pagbigyan ang kanilang mga sarili. Pinangko ni Kenichi ang magkabilang pang-upo ni Eleri. Awtomatikong umikot ang magkabilang binti ng dalaga sa kanyang katawan. Nang maghiwalay ang kanilang labi ay walang salita na lumabas sa kapwa nila bibig kung hindi ang mabagal na paghinga. Akala niya ay kaya niyang pigilan ang mainit na nararamdaman na lumulukob sa kanya. He

