ALAS-SINGKO sa lokal na oras, naisip ni Eleri na kumustahin si Hiroshi. Bumaba siya ng motel na tinutuluyan. Natagpuan niya ang lalaki na naninigarilyo sa tapat ng gusali. Mas ramdam niya ang lamig kaya naman mas niyakap niya ang sarili sa winter coat na suot. “Hiroshi…” Nilingon siya nito. Hindi nakaligtas kay Eleri ang mga upos ng sigarilyo na nasa paahan nito. Tatlong upos na kulay orange ang naroon. “Kailangan mo na ring tumigil sa pagsisigarilyo. Hindi yan maganda sa katawan.” Dinutdot nito ang yosi sa kung saan. “Itapon mo ng maayos ‘yang mga upos. Nakasisira ‘yan sa kalikasan.” “Daig mo pa ang nanay ko,” reklamo nito, gayunman ay dinukot ang sarili nitong mga kalat at saka itinapon sa basurahan na naroon sa gilid ng gusali. Napangiti si Eleri. Nilingon siya ng lalaki. “Ay

