THE moon was bright and dreamy. Pinagdadampot lang ni Eleri ang kanyang mga damit. Isinuot niya lang ang kanyang maluwag na pantulog at saka tinahak ang daan pabalik sa kanyang silid. “Eleri!” habol ni Kenichi. Hinawakan siya nito sa braso at saka siya niyakap patalikod habang binabalot siya ng takot. Naabutan siya nito sa tapat ng kanyang silid. Umimpit na lang siya ng iyak dahil sa pinagsama-samang emosyon na nararamdaman niya sa kasalukuyan. Sa lahat ng nararamdaman niya, ang takot ang nangingibabaw kaya naman hindi niya alam ang kanyang gagawin. “Stop, my princess! Don’t be afraid,” wika nito dahilan para lalo siyang maiyak. Iniharap siya nito at saka pinunasan ang kanyang mga luha. Pinakatitigan siya ng lalaki. Hinarap niya ang nang-aarok na mga mata nito sa kasalukuyan. Noon n

