NABIGLA si Eleri nang bumungad sa kanya ang taong hindi niya inaasahan na naroon sa labas ng silid na pinagdalhan sa kanya. Tulog ang lalaki na tauhan ni Mateo na nagbabantay sa kanya na naroon sa gilid ng pintuan sa labas. “W-what are you doing here?” tanong niya na napaatras. “Come with me,” anang kanyang tagapagligtas na si Hiroshi. “Why should I do that?” “Do you want to see Kenichi?” tanong nito. Napalunok siya at nag-atubili sa sinabi nito. Hindi niya alam kung susunod siya sa lalaki. Tila mabilis naman itong nainip sa kanyang isasagot. “Decide now, or I will leave you here to Mateo.” “Wait lang!” Irritable ang lalaki na tinalikuran na siya at lumabas ng silid. Naglakad ito sa pasilyo matapos masiguro na walang tao sa labas. “S-saglit!” wika niya na akala mo ay maiintindih

