CHAPTER 34

1642 Words

TOKYO. Dalawang linggo pa ang lumipas. Mas malamig ang klima kung saan mas mamasa-masa ang bumabalot sa paligid, normal iyon kapag ganitong panahon dahil may bahagyang pag-ulan. Parating na rin ang taglamig sa kabuuan ng bansa.  Sa mga nakalipas na araw, walang ginawa si Eleri kung hindi ang mag-aral ng Nihonggo. Si Hana ang nagtuturo sa kanya at isa pang guro na kinuha ng lalaki na isa pang Hapon.  Naroon si Eleri sa likod bahay nito kung saan naroon ang hot spring. Sinasamyo ang kakaibang amoy ng paligid para ma-relax siya nang bahagya dahil bahagyang sumasakit ang kanyang tiyan.  “Are you alright?” tanong ni Kenichi na lumapit sa kanya.  Nilingon niya ang bagong dating na lalaki. “Ayos lang ako. M-medyo sumasakit lang ang tiyan ko.” Nag-alala naman ito nang marinig na sumasakit an

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD