HABANG nag-iisa sa villa ni Kenichi, naisip ni Eleri na ayusin ang buhay niya. Beinte anyos lang sya at marami pang maaaring maganap sa kanyang buhay sa mga susunod na araw. “Eleri-san, the master gave me this for you. Master told me to give this to you once he was away.” Inabot ni Hana sa kanya ang isang passbook—passbook ng bangko. Kumunot ang noo ni Eleri. Inabot niya ang bagay na iyon at saka sinuri. Pangalan niya ang nakasulat doon na nagpabigla sa kanya. Ngunit hindi lang iyon, mas nabigla siya sa halaga ng nakadeposito na nakasulat roon. Noong nakaraan ay may dumating na representante mula sa bangko at may pinapirmahan sa kanyang mga dokumento. Naisip niya noon na iyon naman ang dahilan ng ginagawa niya sa tabi ni Kenichi, ang pagsilbihan ang lalaki. Nangyari iyon bago sila mag

