THE mood in the city was chilly than in the previous months. Isang makapal at moist green na winter coat ang ipinatong ni Eleri sa kanyang katawan. Umaabot ang manggas nito hanggang sa kanyang pulsuhan. Nagsuot siya ng itim na stockings at makapal na sapatos na may isang pulgada lang ang taas. “Bago ang damit mo?” puna ni Karla nang lumabas siya para harapin ito. “Ibinili ito sa ‘kin ni Kenichi noong nasa America kami,” nakangiti na tugon niya. Nakaligtas naman kay Eleri ang mapanuring tingin ng kanyang kaibigan. Malalim ang tingin nito sa kanyang kasuotan na halatang hindi rin biro ang halaga. Hindi malaman kung inggit o galit ang nararamdaman nito sa kasalukuyan. “Nag-iba ka na ng awra,” ani Karla. Namula naman ang pisngi niya sa sinabi nito. Kahit hindi nito sabihin ang tungko

