NANLALAKI ang mata ni Eleri habang nakatingin sa larawan ni Yanah na nakasabit doon sa pader. Hindi siya makapaniwala sa nakikita. “She’s Yanah, my sister,” ani Yanning. “S-she looks like me.” Nilingon niya ang babae na nakaawang ang labi. “Uhm… Yeah. But, not necessary. Yanah’s aura is softer than yours.” Nagpatuloy sa lakad si Eleri dahil tila nakakabigat sa damdamin ang larawan ng babae kapag tititigan, hanggang makarating sila sa likuran ng tirahan ni Hiroshi. Mas naguluhan tuloy siya ngayon sa mga nagaganap. Lumanghap siya ng hangin na para bang noon lang siya nakahinga. Kung kahawig niya si Yanah, ibig bang sabihin nito ay pinahalagahan lang siya ng Kenichi dahil kamukha niya ang babae? Nakonsensiya lang ba ito sa naganap kay Yanah kaya siya nito iniingatan? Dahil ayaw na

