MAY kalamigan ang simoy ng hangin na umiikot sa siyudad. Amoy ang matapang na ubas mula sa kung saan habang nakasilip si Eleri sa bintana na tila rehas sa loob ng silid kung saan siya dinala. Sarado ang kabuuan ng silid at tanging ang bintana na iyon lang ang naging sandalan niya para hindi siya matakot. Hindi niya alam kung nasaan siya sa kasalukuyan. Matapos niyang masaksihan kung paano sumabog ang gasolinahan at kung paano walang awang saktan si Hiroshi, nakatulog siya sa amoy ng kung anong matapang na likido. Nang magising siya ay naroon na siya sa loob ng isang silid. Hindi niya alam kung saan siya dinala ng mga ito. Kailangan ako ng anak ko! Kailangan niyang maging matapang! Ngunit paano niya gagawin iyon kung ganitong halos wala na siyang lakas? Kenichi, where are you? Naiiyak

