CHAPTER 47

1711 Words

HUMAHAPLOS ang may kalamigang hangin sa balat ni Eleri habang tinatahak nila ni Hiroshi ang daan patungo sa may kalayuang lalawigan para makarating sa Pilipinas. Mahigpit ang kapit niya sa likuran nito habang sakay ng motor. Hindi niya alam kung ano ang kasalanan niya at bakit umabot sa ganito ang problema niya. Ang nais lang naman niya ay makasama si Kenichi. Wala siyang ibang hinangad sa kasalukuyan kung hindi ang lalaki lang at siguruhin na ligtas ang kanyang anak. Nagpapasalamat na lang siya dahil nasuri siya ng doktor noong nakaraang araw sa tirahan ng lalaki at sinigurado na maayos ang lagay ng anak niya. Bahagya pang nililipad ng hangin ang ilang piraso ng kanyang buhok kahit nakatago iyon sa itim na hood na jacket na nakabalot sa kanyang katawan. Ano na ang nangyayari kay Ken

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD