DAHIL hinahanapan siya ni Kenichi ng sagot kung ano ang relasyon nito sa kanya, naisip ni Eleri na gumawa na lang ng kung anong dahilan makaalis lang siya sa bahay nito. “W-we dated in the past! I’m sorry kung harsh ako sa ‘yo. You know, I hate ex-boyfriends! Harsh ang paghihiwalay natin dahil… uhm, nambabae ka! Tama! Babaero ka kasi! Tsk!” Kasunod niyon ay ang pag-iling niya habang naiiritang nakatingin dito. “I caught you cheated on me six times! You broke my heart! Kahit sinong babae ay iisipin na hindi ka kilala kapag niloko mo sila nang paulit-ulit!” Ang naisip niya sa oras na iyon ay ang kanyang nobyo na si Michael. Oo nga! Anim na beses na itong nambabae sa loob ng relasyon nila sa isang taon. Naisip niya na posibleng ganito rin si Kenichi. “I cheated?” hindi makapaniwalang tan

