“AYOS ka lang?” hindi mapigilan na itanong ni Eleri sa lalaki. Ikakasal? Dito? Lalong nagsalubong ang mga kilay nito. “Mukha ba akong nagbibiro sa ‘yo? If I’m kidding, you won’t be here.” Natigilan si Eleri. Hindi niya alam kung ano ang pumapasok sa isip nito para magsalita ng ganoon, pero halatang seryoso ito. “You will stay here until I say so,” muli nitong sabi. “No! Hindi ako papayag! I have to go!” Nagmamadali siyang tinungo ang pintuan at saka lumabas ng silid. What’s wrong with that man? Hindi niya alam ang daan papalabas sa bahay na iyon. Nakita niya na may ilang kalalakihan na nagbabantay sa gate na armado kaya naman iniwasan niya ang daan doon at sa gilid ng bahay siya nagtungo. Nagpalinga-linga si Eleri. May maberdeng damo roon at mga halaman, may isang malapad na puno,

