-MONICA EUNICE- Saktong alas dose ay nagsara na kami ng coffee shop dahil half day lang kami tuwing sabado. Sabi ko sa kanila ay puwede na silang umuwi pagkatapos naming kumain ng tanghalian kaya lang ay ayaw nila. Gusto raw nila akong tulungan sa pagpipintura at pag-aayos. Hinayaan ko na dahil hindi ko naman sila mapipilit umuwi. Pagkarating ng order namin ay nag-umpisa na kaming kumain. Tinawagan ko muna si Vincent para kumustahin si Mat-mat. Lumayo ako saglit sa kanila. "Hello?" "Oh," maikling sagot niya. Narinig kong tumatawa si Mat-mat sa background. Mukhang masaya siya at hindi niya ako hinahanap. Nagtatampo na talaga ako! "Kumain na ba sina Mat-mat at Nanay Karen?" tanong ko sa kaniya. "Sila dapat ang tinawagan mo," sagot niya na ikinakunot ng noo ko. Saka ko lang naalala a

