Kanina pa pabalik-balik ang tingin ng dalawang kaibigan ni Julian sa kanilang mag-asawa. Sa bawat pilantik ng kanilang mapangbuskang pilik-mata ay mahuhulaang kakaiba ang umaagos sa kanilang isipang dalawa ng mga sandaling iyon. Hindi man nila tahasan iyong isatinig sa kanila. Nasa loob pa rin sila ng opisina at piniling doon na kumain ng tanghalian. Nagpadala na lang sila dito ng kanilang pagkain. Mapanuri ang mga mata ni Lacim at Mico na panay ang palitan ng makahulugang mga titig na tanging sila lang ang nakakaalam. Hindi tuloy maiwasan ni Freya ang mailang, pakiramdam niya ay alam ng dalawa ang kababalaghang ginawa nilang mag-asawa sa loob ng opisina. Hindi lang nila magawang isatinig iyon dahil labis silang nahihiya na banggitin ito. Panay ang sulyap niya kay Julian na hindi siya maga

