Chapter 67 Mystery

2240 Words

“Sir, Ma’am, magsisimula na po ang interogasyon sa dalawang suspek. Sumunod po kayo sa akin kung gusto po ninyong mapanood,” tawag-pansin sa amin ng isang batang pulis. Nabaling sa kaniya ang atensyon namin. Marami pa akong gustong itanong dito kay Ermano ngunit pinili ko munang tumahimik. Sumunod kami doon sa pulis at pumasok kami sa isang kuwarto. Mula roon ay kitang-kita ang dalawang lalaki na parehong naka-jacket ngunit magkaiba ang kulay. Magulo ang buhok nilang pareho at nakayuko. Dalawang pulis naman ang nasa harapan nila at may mga hawak na papel. Hindi ko alam kung para saan ang mga iyon. “Maririnig po ba natin ang mapag-uusapan nila rito?” biglang tanong ni Zia. Tumango naman sa kaniya iyong pulis na nakaupo sa harap ng malaking monitor. Dalawang desktop monitor ang nasa harap

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD